Chapter39

63 4 0
                                        

Kilua's POV

Hinihingal kong naitulak pabukas ang pinto ng room namin, wala siya.
Malalaki kong hinakbang ang mga paa ko patungo sa bathroom.

Napahinga ako ng malalim ng madinig ang agos ng tubig mula sa loob. I knocked to check on her.

"Honey?"

I called but no response from inside so I knocked again but still no response. Nakaramdam ako ng kaba kaya nilapit ko ang tenga ko sa pinto. My eyebrows creased ng mapagtantong hindi galing sa shower ang rumaragasang tubig sa loob kundi sa faucet.

"Miko, open the door. Miko, open up. Miko!"

My heart trampled, I look at the door before stepping back. Hindi niya pwedeng gawin ang na-iisip ko ngayon. Hindi maaari.

Sinubukan kong itulak ang pinto gamit ang braso ko ng ilang beses. Naiinis na ako, she can't do this. Hindi niya ako pwedeng iwan kaya bumwelo na ako at sinipa ng buong lakas ang pinto. I harshly came in at kaagad dumapo ang tingin sa bathtub.

Wala na akong isinayang na segundo at inahon siya. I carry her out of the tub and lay her on the floor, hindi inalintana ang pagkabasa dahil sa mga oras na ito siya lang ang nasa-isip ko. Hindi siya pwedeng mamatay, hindi.

"Miko, imulat mo ang mga mata mo. Honey."

Mabilis ang kabog ng puso ko.

"Honey, please gumising ka. Huwag kang mamamatay, please dito ka lang. Miko."

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko habang marahang tinatampal ang magkabilang pisngi niya. Kailangan niyang mabuhay. Kailangan ko siya.

"Sir---"

Si Aira, binalingan ko siya at bakas ang pagkagulat sa mukha niya.

"Tawagan mo si Dr. Jerson, magmadali ka!"

Utos ko na siyang mabilis rin niyang kinatango at umalis. Binalik ko ang buong atensiyon kay Miko. I swallow as I make myself calm and inhale deeply then take my suit off.

"Miko, you need to live. Ililigtas kita."

I lift her chin up before performing the CPR. I place my right ear near her mouth to find air. I pump in between her chest again and find for air but there's still none so, I give her a mouth to mouth and started to pump again.

"Please, stay with me. Miko, bumalik ka. Huminga ka. Miko, huminga ka!"

Hindi ko na napigilan at napataas na ang boses ko at kasabay nun ang pag-ubo niya ng tubig. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat.

'Buhay siya.'

Turan ko sa isipan at parang nabunutan ng tinik sa katawan na napatingin sa sariling mga kamay.

I can't believe that these hands used to hurt her also saved her. Napapikit ako ng mariin bago yumuko sakaniya na tuloy pa rin ang paglabas ng tubig sa bibig niya.

She looks tired and in pain. I caressed her face before pulling her in my arms. Naramdaman ko nalang ang pag-agos ng mainit na luha sa pisngi ko and hug her even tighter.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako sobrang natakot.

"Bakit mo ginawa iyon, huh? Ganun mo ba ako kakinasusuklaman... mas pipiliin mong mamatay kesa ang makasama ako?"

Alam kong hindi niya ako sasagutin dahil ramdam ko kung gaano siya kahina ngayon. Gusto ko lang ilabas ang hinaing ko... She scared the hell out of me.





MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon