Nakatulala sa tasa ng tea niya si Jonas habang naka-upo sa sofa sa sala.
Flashback
Taas-baba ang dibdib niya ng makapasok sa sariling bahay at naabutan si Miko na kakalabas lang ng kwarto kaya nilapitan niya ito at niyakap.
"Okay ka lang ba? Nakatanggap ako ng tawag na magkasama kayo."
Umalis siya sa pagyakap at hinawakan ang magkabilang balikat ni Miko.
"Sinaktan ka ba niya? May masakit ba sayo?"
Puno ng pag-aalala nitong turan sabay usisa sa kabuuan ni Miko ng mapansin ang bitbit nitong bag sa kanang kamay. Napakurap siya bago inangat ang tingin sa babae. Nagtatanong.
Napayuko si Miko dahil hindi niya kayang tignan sa mata si Jonas sa sasabihin niya.
"Pasensya na kung sasabihin ko ito sayo ngayon..."
Aniya napahigit sa hawak na bag.
"Pero na-isip kong bigyan siya ng chance."
Sabi niya na kinatikom ng mga labi ni Jonas para siyang natakasan ng hinga sa narinig.
"M-miko." Jonas
"Pinangako niyang... magbabago siya. Susubukan namin ayusin... ang relasiyon namin. Kaya..."
She paused as she look directly to his eyes and look down again. Parang may bumara sa lalamunan niya ng tignan ang mga mata ni Jonas.
There's pain visible in his eyes. Begging for her to stay with him and never do decisions rushly that she might regret later.
"Maraming salamat, ikaw ang kaisa-isang taong nasa tabi ko ng kailangan ko ng tulong. Pinakitaan mo ako ng kabaitan, pinakain at binigyan ng masisilungan sa mga panahong wala akong mapuntahan. Pinaramdam mo sakin na mahalaga ako pero... kailangan na natin tapusin, toh."
Nanginginig ang ibabang-labi at nagbabadyang umiyak na salita ni Miko. Mabilis niyang nilampasan si Jonas upang hindi nito makita ang pagpatak ng mga luha niya pero napahinto siya ng magsalita ito.
"Hindi ako naniniwala."
Anito at humarap sa gawi ng nakatalikod na si Miko.
"Sabihin mo. May nangyayaring iba, tama ba?"
Turan niya ng mapakagat ng ibabang labi si Miko para pigilan ang iyak at posibleng pagpiyok sa pagsalita.
"Anong meron--"
Ani Jonas na bahagya ng namula ang gilid ng mga mata.
"Patawad. Sana... mapatawad mo ako."
Pagputol niya sa iba pang itatanong ni Jonas at nagsimulang ihakbang ang mga paa niya paalis.
"I'm really sorry. Totoong minahal kita pero nakapag-decide na ako, bibigyan ko siya ng chance. Aayusin ko ang mga mali at pagkukulang ko sa asawa ko."
Aniya at pinahiran ang mga luha niya. Tinignan lang siya ni Jonas hanggang sa tuluyan ng mawala sakaniyang paningin.
"Kung iyan ang desisyon mo, hindi kita pipigilan. I have no choice but to let you go."
Turan ni Jonas sa isipan. Simula ng pakawalan ni Kilua si Miko, napansin niya ang pagbabago dito.
Madalas itong natutulala at hindi na madalas ngumingiti gaya ng dati na magkasama din sila sa iisang bahay.
![](https://img.wattpad.com/cover/214616848-288-k166157.jpg)
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...