Chapter13

144 5 0
                                        

Nasa clinic na ngayon si Jonas. Habang nagbabasa ng mga papers ng mga pasyente ay may biglang kumatok sa pinto.

"Oh. Ria."

Banggit ni Jonas ng pumasok ang kaibigan sa loob.

"May kailangan ka?"

Tanong niya ng hindi kaagad ito kumibo.

"Jonas, hindi mo ba talaga sasabihin sakin kung sino ang VIP mong iyon? Hindi kasi maalis sakin na hindi mo manlang pina-alam o sinabi ang tungkol sakaniya. Dati kasi nagku-kwento ka naman ng iilang bagay tungkol sa magiging procedure ng mga pasyente mo pero---iba toh."

Bakas ang kuryusidad sa mukha at kilos pero isang ngiti lang ang isinagot ni Jonas sa mga nais nitong malaman.

Tumayo siya at humakbang palapit hanggang sa huminto siya sa harapan nito.

"Sinabi ko na sayo, tapos na iyon."

Aniya at ginulo ang buhok ni Ria kaya napasimangot ito.
Muling may kumatok sa pinto at pumasok.

"Pasensya na po sa istorbo Doc. Dumating na po ang bago niyong pasyente."

Sabi ng Asst. nurse ni Jonas at yumuko bago lumabas ng tanguan ito ni Jonas na ang ibig sabihin ay susunod siya.

"Ria, kalimutan mo na ang tungkol sa VVIP ko. okay?"

Muli niya itong ginawaran ng ngiti at umalis.

"Ano bang nangyayari sayo Jonas? Kakamatay lang ni Sam, pano mo nagagawang ngumiti ng ganiyan?"

Turan ng isipan ni Ria habang nakalingon sa nilabasan nito.





Nang matapos ang trabaho ni Jonas tumungo siya sa gallery na katabi lang din ng clinic.

"Himala, naisipan mo din na pumunta dito?"

Mataray na wika ni Ria ng makasalubong si Jonas sa hallway.

"Huwag mong sabihin na nagtatampo ka pa rin?"

Pagbibiro ni Jonas na inikutan lang ni Ria ng mga mata.

"At nagagawa mo nang makapagbiro, ah? Anyway, mabuti na rin at nandito kana. Kailan mo ba balak i-handle permanently itong gallery?" Ria

"Sinabi ko na sayo, hindi ako ang owner nitong gallery kundi si Sam."

Sagot ni Jonas.

"Pero wala na si Sam---"

She complained na agad ring pinutol ni Jonas.

"Don't worry, aayusin ko din ang lahat ng toh."

Aniya at tumingin sa wrist-watch.

"Sige, mauuna na ako---"

"Sabay na tayo mag-lunch."

Pag-aya niya kay Jonas.

"Hindi na Ria. Uuwi rin kase ako ngayon."

Tanggi naman niya rito.

"Ganun ba, then sabay nalang tayo bumaba."

When they got off the elevator, nauuna si Jonas sa paglalakad at nakasunod lang si Ria na pawang nagkakailang muling tanungin ang lalaki.

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon