Chapter4

213 6 8
                                    

Kasalukuyang nanunood ng balita si Miko sa sala at hindi inaasahang makita roon ang mukha ng taong pinaka-ayaw niyang makita o makasama kahit ilang minuto manlang.

"Mr. Kazaki, ano pong masasabi ninyo sa matagumpay na partnership sa pagitan ng  at Esternal Corp.?"

Isang tv show sakaniyang cellphone ang umagaw sakaniyang atensiyon mula sa pagpipinta. Isang doktor ang pinakilala ng host bilang guest ng show. Ngunit ang mas kinaagaw ng interes ni Miko ay ang topic na isinasalaysay nito.

"Kaya kong bigyan ng oportunidad na magsimula ulit ng bagong buhay ang isang taong nasaktan." sagot nito sa host ng show.

Binitiwan ni Miko ang brush at kinuha ang phone niyang nakalagay sa ibabaw ng mesang nasa tabi lang niya.

"Gusto mong bigyan ng oportunidad upang tulungan ang isang tao para magbago ang kaniyang buhay?" tanong nang host.

"Kung ang surgical operation ay nakakatulong para mabuhay ang isang pasyente, ang plastic surgeon naman ay nakakatulong sa inner soul ng isang pasyente."

"Nakakatulong sa inner soul ng isang pasyente which means hindi mo lang sila basta-basta ina-undergo through surgery sahalip you're giving them comfort and advices too. Paano niyo naman ginagawa iyon, doctor?" interesadong tanong nang host.

"Wow! Ang galing naman pala kung ganun." amazed naturan nang host.

Nagpatuloy lang ang show na siyang inabangan rin ni Miko hanggang sa hindi niya namalayang pumasok si Kilua.

"Nandito ka lang pala." anito

Agad na in-off ni Miko ang cellphone niya at pasimpleng humarap sa tinatapos na painting ng hindi pinansin ang pagdating nang asawa.

"Ba't di ka pa nakabihis?"

Malumanay na tanong ni Kilua habang humahakbang palapit sa pwesto nang asawa. Tumigil siya sa tabi nito at pinatong ang kamay sa ibabaw ng sandalan nang upuan ni Miko tsaka bahagyang yumukob para tignan ang painting.

"Anong klaseng bulaklak iyan?" tanong niya

Miko lift her head to her painting when Kilua asked her looking at her work then to her.

"It resembles you." komento ni Kilua

"Talaga? Parang ako?" turan ni Miko sa asawa without looking at him.

"Yes. It does." anito kaya mapait na napangiti si Miko.

"Salamat. Ngayon alam ko na ang title ng piece na ito." aniya at nilingon siya ni Kilua.

"What is it? " tanong nito

"A self-portrait." tipid na sagot ni Miko na siyang kinasabik ni Kilua.

MaidenSeries: Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon