Chapter1

1K 13 1
                                        

Miko's POV

Ako si Mianne Koreen "Miko" Navarra, nagmula ako sa isang marangyang pamilya. Ang ama ko ay may pangalan at kilala sa larangan ng business sa bansa.

Sampung taong gulang pa lang ako nang pumanaw ang aking ina dahil sa isang malubhang karamdaman. At dahil dun ay nagsimulang umikot ang aking mundo sa mga kamay ng aking ama.

Bilang nag-iisang anak, hindi naging madali ang buhay para sakin dahil sa palaging naka display ako sa mga mata ng tao at kinakailangang makisalamuha sa iba para lang sa kapakanan at image ng kompanya na pinaghirapan ng aking ama.

Simula nang iwan kami ni Mommy, nawalan na ako ng pagkakataon para gawin ang gusto ko at ang magkaroon ng maraming kaibigan gaya ng ibang kabataan na kaedad ko.

Pero kahit ganun masasabi ko parin na naging normal ang buhay ko simula nang makilala ko si Mitch na pamangkin ng dati naming katulong at halos nakasama ko na simula pagkabata hanggang sa makapagtapos nung High School. But after entering a University naging madalang nalang ang pagkikita namin dahil narin sa pag-alis ng tiyahin niya bilang katulong sa mansion.

Nang maging University student ako doon ko lang naramdaman ang kalayaan dahil sa wakas nagagawa ko na rin ang gusto ko at nakuha ang gusto kong major maliban sa business na pinagpipilitan ni Dad na kuhanin ko.  Pinagtataka ko iyon dahil nagawa niya akong pagbigyan sa matagal ko ng hiling pero mabilis ko rin iyon binalewala dahil sa excitement na malaya na akong mag desisyon para sa sarili ko pero... hindi ko inaasahan ang malaking plot twist sa sandaling kalayaan ko na iyon.

I was 25 when Dad introduced me to one of his business partner, a deligate charming young man who's 3 years older. I was engaged soon after been married to him even though I am against it.

Wala akong nagawa dahil utos iyon ng aking ama. I was so down and exhausted that time, it hurts knowing how my own father treat me, his own daughter just like negotiating a deal in business.

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon