Miko's POV
Habang hinihintay mapuno ng tubig mula sa naka-bukas na gripo ang bathtub, muli kong na-alala kung paano ako napunta sa sitwasyon ko ngayon.
Sa kinahaba ng paghihirap ko sa mundong puno ng pasakit at kasakiman. Matapos akong pagdamutan ng kalayaan... sa puntong ito kinailangan kong mag-decide.
Mahirap at ayaw kong gawin... pero kinakailangan kong gawin. Ito na ang pinakahirap na desisyong gagawin ko sa buhay ko. Dahil sa puntong ito, ito lang ang natitirang paraan para takasan ang paghihirap ko.
Umaapaw na ang tubig sa bathtub kaya tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa nakasarang inudoro.
Isa-isa kong inalis ang pagkakabutones ng shirt ko at hinayaan iyon mahulog sa sahig the same as my under pants.
Suot lamang ang puting sando at itim na cycling, wala sa sarili kong hinakbang ang mga paa ko hanggang sa malubog ko na ang katawan ko sa tubig.
Hinayaan kong ibabad ang sarili ko sa maaligamgam na tubig. Ipinikit ko ang mga mata ko habang dinadama ang temperatura ng tubig na yumayakap sa katawan ko.
Kahit sa huling pagkakataon, maramdaman ko manlang ang kaginhawahan na hatid nito sa katawan ko. Na kahit sa huling pagkakataon, magagawa kong ipahinga ang isipan ko. Nagbabakasakaling magbabago pa ang pasiya ko.
Minulat ko ang mga mata ko... pero ganun padin.
Isang butil ng luha ang kumawala at pumatak sa maaligamgam na tubig na kinalalagyan ko.
"I'm sorry, Jonas."
Siya ang kauna-unahang taong nagpakita sakin ng kabutihan. Ang taong tumulong sakin nung panahong kailangan ko ng tulong. Ang taong nagligtas sa buhay ko sa pamamagitan ng pagbigay sakin ng bagong mukha. Ang taong nagparamdam sakin na mahalaga ako. Ang taong kahit sa konting panahon lang... natutunan kong mahalin.
"Mommy... Daddy... Patawad."
And with that, I let myself drowned.
"Nais ko pang mabuhay. Gusto kong mabuhay..."
Turan ko nalang sa aking isipan habang unti-unti akong nau-ubusan ng hangin.
"Gusto kong umahon... paki-usap, tulungan mo ako."
Ilang segundo pa bago ako lagutan ng hininga. Isang imahe lang ang pumasok sa isipan ko...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Kilua."
Kilua's POV
I was 8 when I started to witness how my Dad lay his hands to my Mom. I can't understand why would he do such thing to hurt my Mom. They used to love each other.
Until my Mom...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
she took her life.
I'm just a kid back then, walang ginawa kundi ang saksihan kung paano dumaloy ang pulang likidong umaagos sa tapat ng puso ng aking ina.
Masyado pa akong bata noon para maintindihan hanggang sa tumuntong ako sa high school ng walang naririnig mula sa aking ama.
Sinubukan kong alalahanin lahat, and that's when I got it all.
Mom took her life to escape Dad's obsession.
Learning from the past, nagtanim ako ng galit sa aking ama. I lost my Mom because of him.
Ipinangako ko sa sarili ko at sa harap ng ern ng ina ko. Hindi ako matutulad sa ama ko. Hindi ako matutulad sakaniya kaya naging maingat ako.
Wala ako ni isang babaeng binigyan ng pansin hanggang sa makapagtapos ako at i-handle ang company namin bilang CEO ng KGC.
Before I could enter college nagkaroon ng second wife ang ama ko. I was too disappointed on him dahil kahit siya ang dahilan ng pagkawala ni Mommy, umasa akong wala na siyang ibang papakasalan bukod dito. Pero nagkamali ako.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
CintaKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
