Tumigil ang isang pulang kotse sa tapat ng building at lumabas mula doon si Ria. Napa-angat siya ng mukha habang tinatanaw ang taas ng gusali. Ang K Group of Company.
"Ma'am."
Pag-agaw ng lalaking naka-black suit sakaniyang atensyon at tinuro sakaniya ang daan hanggang sa makarating sila sa palapag kung saan ang office ng CEO.
Sumalubong kay Ria ang isang malawak at fully modernized office.
Agad naman niyang napansin ang lalaking naka-upo sa isang couch na nakatalikod."Ms. De Vela, have a seat."
Salita ni Kilua ng mapagtantong dumating na ang bisita niya.
Lumapit naman si Ria at umupo sa mahabang couch at nakaharap kay Kilua.
"I'll catch to the chase. Gusto kong makipag-transac ng business with S Gallery."
Diretsahang sabi ni Kilua na kinagulat ni Ria.
"First, bibili ako ng pieces pang display sa lobby. Gusto ko ang Director ang mag-recommend. Tungkol naman sa presyo, well its your call."
Aniya habang nakatunganga parin si Ria at hindi pa din rumehistro sakaniya ang mga narinig mula sa lalaki. Napakurap-kurap pa siya hanggang sa mabalik ang wisyo.
"T-thank you sir, pipili kami ng ilang pieces then we'll send it over."
Natural niyang saad dahil sa biglaan na offer nito.
"Kung ganun nagkasundo na tayo."
Ani Kilua at napataas ng isang sulok ng labi.
Habang nagmamaneho si Ria ay muli niyang naalala ang sunod nilang pinag-usapan.
Umalis sa pagkakasandal sa couch si Kilua at tinitigan lang siya.
"Pero may isang kondisyon."
Napataas ang isang kilay ni Ria dahil sa tinuran nito.
"Simula ngayon, gusto ko direktang maka-usap ang Director tungkol sa business." anito
"Ahh. parang magiging imposible yata iyon. Hindi kasi siya pumupunta sa gallery at--" hindi na niya naituloy ang iba pang sasabihin ng tumayo na ito.
"Makakaalis kana, may appointment pa akong pupuntahan." ani Kilua at tumalikod na kaya napabuntong hininga nalang si Ria.
Umuulan at nakatanaw sa labas ng glass wall ng master's bedroom si Kilua habang may hawak na baso ng alak.
Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone niya sa loob ng bulsa.
"You're fired---" sabi niya kaagad ng masagot ang tawag.
"May nalaman ako tungkol kay Samantha Rodrigo." putol ni Aira sa boss.
"Anong nalaman mo?" tanong ni Kilua habang nakatanaw sa bawat butil ng ulan na bumabagsak mula sa madilim na kalawakan.
Maagang pumasok si Jonas sa trabaho sa hospital. Saglit palang siyang naka-upo sa upuan niya ng tumunog ang cellphone niya.
"Hello?" pagsagot niya sa tawag.
"Dr. Jonas, ako yung kasama ni Mr. Kazaki na pumunta sa bahay niyo tungkol sa dress." pagpapakilala ni Aira
Naalala siya ni Jonas kaya hindi na siya nag-isip pa.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries: Love In Sadness
RomantizmKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...