"Pinabibigay ng tauhan ni Kilua."
Ani Richie ng tignan lang siya ni Jonas pagkalagay niya ng isang brown envelop sa office table nito.
"Aalis na ako pero ginugulo pa din ako ng taong iyon."
Natatawang turan niya dahil sa awkward na sitwasiyon pero tumigil din ng seryoso pa rin si Jonas.
Tumungo siya at saglit lang ay tumikhim.
"Si Ria, huwag mo siyang pababayaan. Alam kong naging gago ako... pero para ko na kayong mga kapatid. Sana... mapatawad mo ako, Jonas."
Anito at humakbang na paalis ng tawagin siya sa pangalan ni Jonas. Muli siyang humarap dito na siyang nakatayo na sakaniyang harapan at bigla nalang siya sinuntok sa mukha. Nagulat siya at mabilis napahawak sa tinamaang pisngi sabay balik lingon dito.
"Para iyan sa pangga-gago mo."
Tiim-bagang turan ni Jonas na bahagyang kinatango-tango naman ni Richie at tumayo ng maayos.
"I deserve it."
Sabi niya at mapaklang ngumiti sabay talikod.
"Richie, pinapatawad na kita."
Ani Jonas dahilan para huminto ulit si Richie at humarap sa gawi niya. Binigyan siya ng isang sincere na ngiti ng kaibigan.
"Salamat."
Sabi niya bago tuluyang umalis ng office nito.
Ngayong napatawad na siya ng kaibigan sa naging kasalanan niya, ginusto niya pa rin umalis upang makapagsimula ng bagong buhay.
"Ano?"
Kunot-noong tanong ni Ria ng malaman sa former assistant nurse ni Richie ang pag-quit nito.
Dali-dali siyang umalis para puntahan si Jonas sa office nito habang sinusubukang tawagan si Richie pero naka-off ang cellphone nito.
Inis na binaba niya ang phone at wala ng katok-katok na tinulak ang pinto ng office ni Jonas.
"Jonas, alam mo ba na---"
Natigilan siya ng walang tao sa loob.
"At saan naman nagpunta ang isang iyon?" Ria
Sa kalagitnaan ng pagmamaneho, tumunog ang cellphone ni Jonas.
"Oh, Ria."
"Alam mo bang nag-quit si Richie?"
Hindi mapakaling tanong nito sa kabilang linya. Saglit natahimik si Jonas. Hindi niya dapat hinayaang umalis ang kaibigan pero iyon ang naging desisyon nito. Hindi na niya mababago pa iyon kahit pa napatawad na niya ito. He let out a sigh.
"Hayaan na muna natin siya." Jonas
"Pero Jonas."
Tutol ni Ria na bahagyang nginitian lang ni Jonas kahit na hindi nito nakikita.
"Sinabi ko sakaniya na napatawad ko na siya. Don't worry, kilala mo si Richie. Babalik din iyon."
Maalumanay na turan niya. Narinig niya naman ang pagbuntong-hinga ni Ria sa kabilang linya.
![](https://img.wattpad.com/cover/214616848-288-k166157.jpg)
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...