Nakarating si Jonas sa gallery pero hindi niya doon nadatnan si Miko kundi si Ria na nasa sahig ng office at walang malay.
"Ria! Ria!" yugyog ni Jonas kay Ria habang hawak ito sa mga braso pero hindi parin nagigising.
Nag-aalala na si Jonas at hindi siya mapakali kung nasaan si Miko at kung ano ang kalagayan niya ngayon. Hindi niya rin maiwan si Ria sa ganoong kalagayan.
Kaladkad ni Kilua si Miko papasok sa unit niya at patapon na binitawan sa couch kaya napa-upo doon ng patagilid si Miko.
Napamewang si Kilua at bakas ang pagpipigil ng galit habang nakapikit at nakaangat ang mukha sa itaas. Trying to cool down.
"Tell me." he let out a deep sigh bago tignan ang asawa na nagtatago sa ibang mukha.
"Naisip mo pa talagang palitan ang mukha mo para makatakas?" iritadong sabi niya pero nandoon pa rin ang pagpipigil.
"Hayaan mo na ako, please. Magkaroon ka ng masayang buhay." paki-usap ni Miko habang naka-angat ang tingin sa asawa at nanginginig pati na ang mga labi.
"Para sa sarili mo, parang awa mo na. Pakawalan mo na ako." pero umiwas lang ng tingin si Kilua at parang walang narinig mula sa asawa.
"Alam mo, gagawin ko ang lahat... para mapatawad ka. Parang walang nangyari. Ang importante nagbalik kana sakin. Alam kong kaya kitang mahalin gaya ng dati at mamuhay tayo ng masaya." sabi ni Kilua at muling tumingin kay Miko na namumula pa ang mga mata at ilong dahil sa kaka-iyak.
Lumuhod si Kilua gamit ang isang tuhod niya para makapantay si Miko na napayuko.
"Tapos... mag-baby na tayo." nakangiting sabi pa niya na siyang unti-unting pag-angat ng mukha ni Miko para makita siya.
"Kung magkakaroon tayo ng baby na kamukha natin, mas magiging strong ang bond natin." dagdag pa ni Kilua na parang kinukumbinse ang asawa.
"Ayoko." sabay iling na saad ni Miko kaya medyo natigilan si Kilua.
"Hindi mo ako pwedeng ikulong sa hawla habang buhay." mapait na sabi ni Miko na siyang unti-unting inuubos ang pasensiya at mas binibiyak ang puso ni Kilua.
Alam niyang nakikita ni Miko ang sarili nito bilang isang bilanggo sa puder niya pero wala siyang magagawa para pakawalan ito dahil oo, inaamin niyang obsess siya dito.
Mahal na mahal niya si Miko na hindi niya kayang mawala ito sa tabi at paningin niya. Dahil para sakaniya, si Miko ang buhay niya.
Di man siya maintindihan ng asawa sa ngayon pero sa tamang panahon. Malalaman din nito kung bakit niya ito ginagawa.
Hindi lang dahil obsess siya at may pinanghahawakan... kundi dahil may mas malalim pang dahilan."Dahil alam ko na kung ano ang pwede kong gawin sa huli... para makawala sayo." taas kilay na sabi ni Miko na siyang kinaunti-unting paghigit ng kamao ni Kilua na nakapatong sa tuhod niya.
"Natutunan ko iyon... sa mommy mo." pagbabanta ni Miko kaya napa-igting ang panga ni Kilua.
"Ginamit niya ang asawa ng iba at binigay ang mukha ng dead girlfriend niya sayo. Tapos namuhay kayo, bilang magkasintahan. Ngayon kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya."
BINABASA MO ANG
MaidenSeries: Love In Sadness
عاطفيةKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...