Nasa bus na at patungong train station si Miko ng magising si Jonas at napagtantong wala ang babae sa bahay ng sinimulan niya itong hanapin.
Isang note ang nakita niya sa maliit na mesa na nagsasabing...
"Aalis na ako. Salamat sa lahat. Nang dahil sa tulong mo nagbago ang buhay ko. Buong buhay kong tatanawin na utang na loob sayo ang tulong na binigay mo saakin, para mabuhay pa. Goodbye." sabi sa sulat.
Kaagad kumaripas ng takbo paalis si Jonas habang tinatawagan ang number ni Miko.
Hindi niya iyon sinasagot kaya mas binilisan ni Jonas ang paglisan sa lugar hanggang sa tumigil siya sa tapat ng kotse niya at muling tinawagan si Miko.
Kakabili lang ni Miko ng ticket ng tumunog ang phone niya.
Nagdalawang isip pa siya kung sasagutin niya ang tawag o hindi. Pero sa huli ay sinagot niya rin.
"Hello?" sagot ni Miko sa mahinang boses.
"Nasaan ka?" hinahapong tanong ni Jonas.
"Huwag mo na akong hanapin. Salamat sa lahat. Lalayo na ako para wala ng masaktan pa ng dahil sa paghahanap ni Kilua sakin. Sana maintindihan mo." Miko
"Miko, huwag kang umalis." saglit natigilan si Miko sa sinabing iyon ni Jonas.
Hanggang sa madinig sa kabilang linya ang pag-announce sa train station. Kaya nagkaroon kaagad ng idea si Jonas kung nasaan si Miko.
"Goodbye." at binaba na ni Miko ang tawag.
Dali-dali namang sumakay ng kotse si Jonas at pinaharurot ang sasakyan sa malapit na train station sa area.
Naka-upo si Miko sa bench, ng dumating ang train.Tumayo siya bitbit ang bag niya.
Pumasok siya ng train pero nagdalawang isip kung tutuloy o hindi. Bumaba siya at tinignan lang ang train na umalis.
Naghintay siyang muli sa sunod na train.Dumating ito at bumukas ang pintuan sakaniya.
Muli siyang napa-isip. Kailangan niyang umalis pero parang may pumipigil sakaniya. Gusto niyang lumayo pero parang ayaw niya.
Hindi niya mawari ngunit sa pagkakataong ito ay gusto niyang may pumigil sakaniya para umalis at lumayo ng tuluyan.
Hinakbang niya ang kanan niyang paa sa pintuan ng train ng biglang may humila sa kaliwa niyang braso. Nabitawan niya ang bag at mabilis siyang niyakap ng mahigpit ni Jonas.
"Huwag kang umalis." anito habang gulat pa rin si Miko sa bigla nitong pagsulpot at yakap sakaniya.
Pero sa huli ay napayakap na rin siya rito pabalik.
'Hindi ko mawari. Pero naramdaman ko sa mga yakap niya na naghintay siya. Naghintay siya para may pumigil sakaniyang umalis.' turan ng isipan ni Jonas habang magkayakap silang dalawa.
Muli niyang pinatuloy si Miko sa bahay niya para doon na ulit tumira. Ginamot lang ni Miko at nilagyan ng band aid ang sugat sa ibabaw ng kilay ni Jonas tsaka ointment sa labi nitong may sugat rin.
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomantikKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
