Palubog na ang araw ng pumasok si Aira sa master's bedroom sa utos ni Kilua para i-company ang wife niya. Napapuri siya sakaniyang isipan dahil sa laki at pagka-modernized ng kwarto. Pero nahinto siya ng matagpuan si Miko na naka-upo sa sahig sa gilid ng king size bed. Nakayuko ito habang nakapalibot ang mga braso sa tuhod nito.
"Kaawa-awang nilalang." turan niya sa isipan bago tumikhim para kuhanin ang atensiyon nito na siyang napagtagumpayan niya naman. Unti-unting napa-angat ng mukha si Miko at lumingon sa gawi niya.
Medyo namumula pa ang gilid ng mga mata nito at tungki ng ilong na parang hindi na tumigil sa kaka-iyak simula ng maibalik ito sa mansion.
Deep inside naa-awa siya para kay Miko pero dahil sa matinding pangangailangan kailangan niyang gawin ang trabaho niya.
"Pinapasabi ni Sir na male-late siya sa pag-uwi kaya huwag niyo na siyang hintayin." bahagyang napasinghot si Miko at umiwas ng tingin.
"Kailangan niyo na pong mag-palit at bumaba para kumain ng dinner. Hindi daw po kasi kayo nakakain ng breakfast at lunch--"
"Baguhan ka... hindi ba." Miiko stated as she look up to the wall where they're picture together is hanged for a long time.
Pasimple namang napangiwi ng ulo si Aira at bahagyang napalunok bago muling tiningnan si Miko na malungkot na nakatanaw sa malaking portrait nilang mag-asawa. Muli siyang napatikhim at tiningnan ng mabuti ang portrait
"Nakikita kong pareho kayong masaya sa wedding picture ninyo. Parehong sinasabi ng mga mata ninyo."
Out of the blue bumuka ang bibig ni Aira at nasabi ang dapat nisa-isip niya lang. Napatikom siya bigla ng bibig at bahagya iyon tinampal tsaka tumayo ng tuwid.
Napangiti ng pait si Miko sabay napailing-iling habang nakatungo.
"Tama ka." aniya na siyang bahagyang pinag-taasan ng kilay ni Aira.
"Nakakalungkot mang isipin... minahal ko siya." Miko
Bahagyang kumunot ang noo ni Aira.
"Minahal? Kung gayon, alam kaya ni Sir na..." isip-isip niya ng magsalitang muli si Miko.
"Pero nagkakamali ka. Hindi iyan... wedding picture." malumanay na pagtatama ni Miko at muling inangat ang mukha para tignan ulit ang malaking portrait.
"Kinuhanan ang litratong iyan, nung 1st Anniversary namin." she let out a sigh.
"Pero nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang kasiyahang iyon... pinalitan ng galit, takot, at pagsisisi." napahinga siya ng malalim bago tumayo at pagod ang mga matang nilingon si Aira na natahimik nalang.
"Alam kong ginagawa mo lang ang trabaho mo. Pasensiya kana." sincere na sabi ni Miko sakaniya kaya napakunot siya ng noo tsaka umatras ng dumaan ito sa harap niya at pumasok sa isang pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/214616848-288-k166157.jpg)
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
Roman d'amourKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...