"Si Kilua, wala pa rin ba siya sa opisina niya?"
Tanong ni Ramon Kazaki sa tauhan niya habang papasok sila sa KGC.
"Nakatanggap po ako ng report na bumalik na nung isang araw ang CEO sa office pero kahapon pina-cancel niya po ang lahat ng appointments niya at hindi ulit pumasok."
Tugon ng tauhan niya na kinatiim-bagang nito.
"Hanapin niyo siya, huwag niyong alisin ang mga mata niyo sakaniya." Ramon
"Masusunod po Sir."
Sagot ng tauhan nito tsaka umalis. Tinagilid niya naman ang ulo sa secretary niya.
"Kumusta ang pinapalakad ko sa tauhan mo?"
Tanong niya rito regarding kay Samantha Rodrigo (Miko).
"Nakatanggap po ako ng lead kanina lang. Nasa memorial garden daw po ngayon ang babae."
Napatigil ang ginoo at napakunot ang noo. Iniisip kung saan maaaring memorial garden ito.
"At saan naman ito?"
Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
Dinalaw ni Miko ang ern ng Mama niya. Nakatayo siya sa harap nito ng matamlay at mababakas ang kalungkutan sa mga mata.
"Mama, ako po ito... si Miko."
Bahagya siyang ngumiti.
"Binura ko... ang mukhang pinag-ingatan niyo."
Sabi niya ng makita ang nakangiting mukha ng ina niya sa litrato.
"I'm sorry... kung palagi nalang akong malungkot sa harapan niyo. I'm sorry."
Napakagat siya sa ibabang labi sabay yuko at umiling.
"Mama, ito na siguro... ang parusa ko."
Mapait siyang napangiti sabay tungo. Saglit lang ay napasinghot siya at muling inangat ang mukha sa litrato ng ina.
"Huli na... --mali ako. *sobs* Hindi ko inisip-- *sobs* sobra-sobra ko siyang nasaktan--. *sobs* Paulit-ulit ko siyang dinuro, hinusgahan... Ang gusto niya lang naman... ang mapakita at maparamdam ang pagmamahal niya-- p-pero tinalikuran ko siya, binalewala. Sinarado ko ang puso ko sakaniya-- sahalip... pinuno iyon ng galit at takot sakaniya. *sobs* Mama... gustong-gusto ko siyang pakinggan. Gusto kong malaman ang lahat kung-- kung bakit niya inilihim ang tungkol sa pagkamatay ni Dad. Kung bakit hinayaan niyang isipin kong mamamatay tao siya... kung bakit- *sobs* kung bakit niya ako pinagtutulakan palayo ngayon." Miko
She's desperate for answers but how could she get explanations kung sa tuwing makaharap niya si Kilua ay umaatras ang dila niya?
Sahalip na ibuka ang bibig para magtanong mas nananaig ang hangarin ng puso niyang pakatitigan nalang ito ng matagal.
Hindi niya nagagawang titigan ang asawa noon dahil makita niya palang ito, marinig ang pangalan o boses, makasalubong ang mga mata... nanginginig na siya sa takot. She live in fear... but not now, not this instant.
Pinahiran niya ang mga luha at muling napakagat sa ibabang labi.
"I was late. Too late to make things right. *sobs* Kung saan na-realize ko ang mga pagkakamali ko... ang mga pagkukulang ko bilang asawa... ang nararamdaman ng puso ko--"
Napapikit siya at marahang huminga ng malalim.
"He signed it. Maghihiwalay na kami. Ang sakit dito, Mama."
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomanceKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
