Chapter31

63 5 0
                                        

At dahil naalala ni Jonas ang tungkol sa magiging anak sana nila ni Sam ay pinuntahan niya si Ria sa gallery, sa opisina nito.

Nilagay ni Ria sa ibabaw ng lamesa sa mismong harapan ni Jonas ang sticky note na may numero ng isang hospital.

"Pumunta ka rito para i-confirm. Bakit ba ayaw mong maniwala sakin?" tanong ni Ria. Pero hindi umimik si Jonas at nakatingin lang sa baba.

"Kung ayaw mong maniwala, puntahan mo ang ob-gyne. Makikita mo sa medical records niya, 5 years ago." sabay iwas ni Ria sa huli niyang sinabi.

"Nung pinaki-usapan niya akong samahan siya sa ob-gyne, kinongratulate ko pa siya. Kaso nalaman kong yun pala ang plano niya. Sabi ko huwag na niyang ituloy pero ayaw niyang makinig sa mga sinabi ko." paliwanag ni Ria habang hindi pa rin nagsasalita si Jonas.

"Alam niya kasing, wala akong lakas na magsabi sayo ng kahit ano. Ginamit ni Sam ang nararamdaman ko para sayo. Lagi iyon." napayuko si Ria na siyang pagkuha ni Jonas ng papel na nasa mesa at binalingan siya.

"Maraming salamat sayo, Ria." sabi lamang ni Jonas at tumayo na. Napasabay naman si Ria sa pagtayo nito at muling nagsalita para pigilan muna itong umalis.

"Jonas, masyado kanang nasasaktan dahil sa pagtulong mo kay Miko. Hindi ba pwedeng, ibalik mo nalang siya sa husband niya?" ani Ria na hindi tuluyang pagtalikod ni Jonas sakaniya kaya nagkatinginan sila.

"Hayaan mo nalang sila na magsama muli. At magsimula ka." nagsusumamong saad niya sa lalaki na napa-iwas ng tingin.

"Hindi. Hindi ko hahayaang magdusa si Miko sa kamay ni Kilua. Poprotektahan ko siya." seryosong turan nito kaya napabuga ng hangin si Ria.

"Hindi mo siya kaya. Hindi mo siya matatalo at mas lalong hindi siya titigil hangga't hindi napapasakamay niya ulit ang wife niya. Jonas, nag-aalala ako para sayo at ganun na rin kay Miko." napahigit pa siya ng hininga ng nagsimula na siyang maging emosiyonal.

"Tinanong ko siya kung anong gagawin niya kapag malaman niyang may minamahal ng iba ang wife niya. At ang sagot niya? Papatayin niya daw. Pareho." ani Ria ng muli siyang tignan ni Jonas.

"Poprotektahan ko pa rin siya." tapos na sabi nito at umalis na ng tuluyan habang si Ria ay muling naiwan na nanlulumo.



Gaya ng napag-usapan, sakay ngayon si Miko ng kotse na pinagmamaneho ng isa sa mga tauhan ni Kilua.

Habang tinatahak ang daan patungo sa kompanya nito ay hindi niya mapigilang hindi makaramdam ng kaba dahil muli na naman silang maghaharap.

Nakita rin niyang nakaabang si Tyler sa labas ng building. Alam niyang iba na ang mukha niya pero hanggat maaari kailangan niyang iwasan tumingin at maka-usap ito. Dahil si Tyler ang pinakamalapit at nag-iisang kaibigan ng asawa niya. Maaring makilala siya nito kapag nagkamali siya sa pagpapanggap niya.

MaidenSeries:Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon