"Anong... nangyari? Ba't hindi ko nakikita si Miko?"
Tanong ni Ria ng magkaharap silang naka-upo sa sala. Naabutan niya kasing mag-isang nagdidilig ng mga halaman si Jonas na kadalasan ay sabay na nila ni Miko ginagawa sa tuwing pupunta siya ng maaga.
"Sinabi niyang bibigyan niya ng chance ang husband niya... at itigil na namin ang kung ano man ang meron kami. She pushed me away. I was dumped."
Aniya na kinatikom ng bibig ni Ria. Naaawa siya kay Jonas.
"Nung una inisip ko na ginawa niya ang choice na iyon para sakin... pero hindi. Malungkot ang mga mata niya pero determinado siya sa naging desisyon niya. It breaks my heart."
Alintaya ni Jonas. Pinilit ngumiti ni Ria para i-cheer-up pa din ito.
"I'm sure she didn't mean it."
Ani Ria na siyang kinatungo ni Jonas.
"Her heart told me. Her eyes told me. I couldn't hear, but I could feel. I couldn't see, but I knew. She's sorry. Totoo niya akong minahal pero na-realize niya ang totoong nararamdaman niya para sa asawa niya."
Turan niya sa isipan.
Flashback
Nang tuluyang makalabas ng bahay si Miko ang paghampas ng mga alon ang kaagad niyang narinig.
Okupado ng pinirmahang divorce paper ang utak niya. Kaya sa sandaling matanaw ang dagat parang may nagtulak sakaniyang tumungo dun.
Taliwas sa magandang panahon ang kaniyang nararamdaman. Kung saan na-realize niya ang mga bagay-bagay at ang totoong nararamdaman para sa kaniyang asawa hindi niya na-isip na dun din pala matatapos ang lahat.
Ang malulungkot, at masasakit na ala-ala. Sa wakas matatapos din... pero ang pag-ibig niya, mabibigo din pala.
Nakatanaw lang siya sa kalawakan ng dagat. Ilang minuto lang ay parang may humihila sakaniya. Natagpuan nalang niya ang sarili na lumulubog sa tubig dagat hanggang sa hayaan niyang malunod siya.
"Kung talagang hanggang dito nalang. Hayaan mong tuluyan kong tapusin ang buhay ko ngayon."
Aniya hanggang sa tuluyan siyang takasan ng hangin.
End of flashback
Pagmulat ng mga mata ni Miko ang puting ceiling kaagad ang bumungad sakaniya. Mabigat ang pakiramdam niya at sa wari'y nilalagnat siya.
Nang ibaling niya sa iba ang paningin niya tsaka lang rumehistro kung nasaan siya. Nasa townhouse siya, sa kwarto kung saan ay para dapat sakanilang mag-asawa. Ngunit imposibleng isipin pa niya iyon dahil maghihiwalay na sila.
Inangat niya ang sarili para sumandal sa headboard ng kama. Ramdam niya ang panghihina ng katawan.
Out of the blue pagak siyang natawa ng maalala kung pano siya napunta sa kalagayan niya ngayon.
Again, she tried to end her life. How miserable her life is. She chew on her bottom lip as a bitter smile form to it. Napatingala siya as her tears runs down her cheeks.
'Ilang beses ko ng sinubukang tapusin ang buhay ko, pero bakit ayaw mo pa akong lisanin ang mundong, toh? Bakit patuloy mo pa rin akong binunuhay? Sobrang nasasaktan na ako... nahihirapan na ako. Ganun na ba talaga kalaki ang pagkakamaling ginawa ko para pahirapan mo ako ng ganito? Bakit di mo nalang ako kunin? Ano pa bang saysay ko sa mundo na ito? Ano pa?'
BINABASA MO ANG
MaidenSeries: Love In Sadness
Roman d'amourKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...