Nasa office niya si Kilua at kasalukuyang nagre-report si Aira sakaniya.
Nakatingin lang siya sa monitor ng computer niya kung saan pinapanuod ang kuha ng CCTV camera sa harap ng bahay ni Jonas.
"Nakakapagtaka lang dahil hindi makikita sa footage na lumalabas ng bahay si Ms. Rodrigo. Maagang umaalis si Dr. Jonas at umuuwi sa gabi na walang kasama. Hindi kaya, hindi na sila nagsasama sa iisang bahay?"
Pagdududa ni Aira habang si Kilua ay nakatingin lang sa footage sa screen at nakakuyom ang kanang kamao na nasa tapat ng baba niya.
"Jonas Martin. Anong tinatago mo." aniya sa isipan.
Hapon na at nasa trabaho sa restaurant si Miko ng makatanggap siya ng tawag mula kay Ria.
"Hello?" sagot niya.
"Si Ria, toh. Let's meet up." sabi nito sa kabilang linya at kaagad din binaba ang tawag.
Kasalukuyang naghihintay si Miko sa restaurant na sinabi sakaniya ni Ria.
Napatawag si Jonas at sinagot niya iyon. Niyaya siya ni Jonas para kumain sa labas pero sinabi niyang makikipagkita siya kay Ria at hindi siya makakapunta.
Saglit natahimik si Jonas sa kabilang linya at tinanong kung aling restaurant iyon.
Ilang saglit pa matapos ibaba ang tawag ay napa-isip si Jonas kung pupuntahan niya ba ito o hayaan munang magkita sila ni Ria. Pero sa huli ay mas pinili niyang pumunta sa lugar na iyon.
Ilang minuto na rin siyang nandun kaya medyo napapalinga-linga siya. Dahil sa pagka-inip at walang magawa kundi ang maghintay ay binuksan niya ang phone at akmang pipindutin ang call button ng may mapansin siyang dalawang pares ng sapatos sa tabi ng upuan niya.
Hindi pa man niya na-aangat ang tingin para tignan kung sino ang nakatayo sa tabi niya ay nilamon na kaagad siya ng kaba. Napahigpit ang hawak niya sa phone.
"We meet again, Ms. Rodrigo."
Salita nito gamit ang boses nitong mas lalong nagpanginig sa buong katauhan ni Miko.
Dahan siyang tumayo mula sa pagkaka-upo sa silya gripping her fists to ease the tension he cause her. Pilit siyang ngumiti ng humarap siya rito.
"M-Mr. K-Kazaki. Anong ginagawa niyo rito?"
Na-utal niyang taong na siyang kinahigpit niya ng hawak sa laylayan ng jacket niya dahil hindi niya napigilang hindi bumakas ang panginginig ng boses niya.
Napangisi si Kilua dahil sa inakto niya.
"You're not expecting me to come. Nagulat yata kita."
May mapaglarong ngiti sa mga labi na sabi nito at lumakad sa kabilang side ng table at umupo.
"Hindi ka ba uupo Ms. Rodrigo?"
Kunwaring inosenteng tanong niya kaya napilitang umupo siya ulit.
"Hindi makakapunta si Ms. De Vela ngayon dito kaya ako muna."
BINABASA MO ANG
MaidenSeries:Love In Sadness
RomansaKapag hindi na tama ang pagmamahal, talagang NAKAKASAKAL... Hanggang kailan mo kayang magtiis? Hanggang saan mo kayang mag-antay na mahalin? Ano mang takbo mo, mahuhuli't-mahuhuli ka parin. Ilan pa bang pagtutulak ang dapat gawin para siya'y bumitaw...
