HCML 52

313 13 5
                                        

Chapter 52

“Ayaw mong sumama sa kanila?” He was walking towards the staircase when I asked him.

He stopped midway, standing in front of our bed. His normal sharp eyes went straight to look at me. 

“I'm not in the mood to do snorkeling.”

“Pwede naman na hindi ka mag snorkeling. Marami yata silang nakahandang other activities,” sambit ko dahil baka maboring siya rito. Baka gusto niyang sumama at umayaw lang dahil nandito kaming dalawa ni Clae.

Pwede naman siyang sumama dahil okay lang naman kaming dalawa ni Clae rito. Isa pa wala akong maisip na gawin sa araw na ito. Ang gusto ko lang ay magpahinga para sa susunod na araw, ma-enjoy ko nang husto ang bakasyon na ito. 

“Do you wanna join them?” 

Eyes looking at him, I unconsciously scrunched my nose and shook my head as an answer. He stared at me. 

“You sure?”

I nodded my head cutely. 

“Mas gusto kong matulog ngayon katabi ni Clae,” wika ko at sumulyap sa anak na mahimbing pa rin na natutulog. Hindi ko siya nakatabi kagabi sa pagtulog kaya ngayon na muli ko siyang tinitingnan, para akong nanggigigil na yakapin siya at tabihan na matulog. 

“Alright.” He nodded. 

Umayos ako ng higa at patagilid na humarap sa anak. I gently wrapped my arms on his body. Since he was still a baby, nasakop agad ng braso ko ang kanyang katawan. My slim arms looked good on his small body. It looked like his armor just like how I promised to protect him.

I smiled and stared at his adorable face. Maaliwalas ang kanyang mukha habang natutulog ng payapa. Ngayon pa lang halata mo na ang tangos ng ilong lalo na at malapit ako sa kanya. His eyebrows were thick and I don't want to admit it but it was so much similar to his father's eyebrow. Pati ang pilikmata, sa ama rin nagmana. His both cheeks are puffy and look very healthy. Hindi ko na tuloy napigilan at nahalikan ko ang pisngi niya ng dalawang beses. When I saw that he didn't move or flinch at my kiss, I smiled widely and kissed him again. This time it's longer than the first two kisses. 

Wala pa rin siyang naging reaction after my kiss. I lay my head on the white pillow and watch him sleeping. Nawa'y maganda ang panaginip mo anak ko. 

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog subalit paggising ko, papalubog na ang araw. Kumakaway na ang mapula-pulang sinag ng araw sa may veranda, tila paalam na isa na namang araw ang lumipas. Bahagya akong napaunat, ramdam ang bigat ng katawan dulot ng pagod at antok. 

Wala na rin si Clae sa aking tabi. Mabilis akong bumangon at nagdesisyon na bumaba sa may sala ng villa. Tahimik ang paligid, naririnig ko lang ang banayad na hampas ng alon sa dalampasigan at huni ng mga ibon na tila nagbabadyang paglubog muli sa araw.

Huminto ako sa paglalakad nang maabutan ko si Uno. He was carrying Clae on his left arm, effortlessly, sanay na sanay. Nakatalikod silang dalawa sa banda ko. Nakayakap si Clae sa leeg niya, tila kampanteng-kampante sa hawak ng ama. Sa kanan kamay naman ni Uno, maingat niyang nilalapag ang mga plato ng pagkain sa lamesa. Kita ko na may grilled fish, mashed potato, isang pitcher ng juice at iba pang pagkain doon.

Hindi agad ako lumapit at pinagmasdan lang sila. Maybe he sensed my presence, because he turned to where I was standing. He gave me a gentle smile, not forced at all.

“Gising ka na pala. Gutom ka na siguro,” he said as he adjusted one of the chairs at the table using his foot.

Hindi ako nagsalita at ngumiti lang. Lumapit na rin ako kalaunan para tulungan siya. Doon kami kumain na tatlo ng hapunan. 

He changed my life (Vhergarah Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon