HCML 53

194 9 2
                                        

Chapter 53

“Mara!” sigaw ko, halos mawalan ng boses. Nanginginig ang kamay habang hawak ang telepono.

“MARA!?”

Walang akong narinig na sagot. Tanging hingal, kaluskos, at sigawan sa background ang naririnig ko ngayon. Parang gumuho ang mundo ko sa isang iglap.

Uno sat up straight, alarmed. “What’s going on?”

But I couldn’t answer him. My whole body was frozen, my mind racing.

And all I could think was… Please, let them be okay.

Ilang beses kong tinawag ang pangalan ngunit wala na akong narinig kundi mahina at putol-putol na signal.

Pilit kong pinigilan ang panginginig ng buong katawan habang paulit-ulit na tinatawagan ang number niya. Wala. Dead air.

Sa pangalawang pagkakataon, muling tumigil ang mundo ko. At kasabay ng katahimikan sa kabilang linya, ramdam ko ang matinding takot na bumalot sa akin.

Bahagya akong napabalik sa reyalidad nang maramdaman ang kamay na humawak sa aking balikat.

Binalingan ko iyon.

“Anong nangyari?” tanong niya, halatang kabado na rin.

“Hindi ko alam… si Mara. May… may putok akong narinig. Parang… baril.” Namutla ako. Tuyo ang lalamunan at halos hindi na makahinga. “T-tapos nawala na siya sa linya.” I panicked a bit.

My heart hammered hard against my chest, like it was trying to escape.

Sa sobrang kaba ko, parang may sumisigaw sa loob ng ulo ko.

Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan, nanginginig ang kamay habang isa-isang pinupulot ang mga gamit. Wala sa hulog ang kilos ko. Isang gamit ni Clae ang nabitawan ko, sunod iyong towel, pagkatapos ay isang sapatos ni Clae na hindi ko mahanap agad. Para akong sinusunog ng oras habang lahat ng paligid ay nagiging magulo at malabo.

Hindi ko na alam kung saan ko ilalagay ang bawat bagay. Basta ang alam ko lang… kailangan kong umalis. Kailangan kong makauwi. Kailangan kong makita si Mama. Si Mara.

Ngayon na.

“Hanah, hey!” si Uno, ramdam ko ang paglapit niya sa aking likuran, halatang litong-lito, ngunit may bahid ng pag-aalala ang boses niya.

Hindi ko siya pinansin. Mas binilisan ko ang kilos. Pinilit kong huwag umiyak, pero nangingilid na ang mga luha ko sa sulok ng mata. Bawat segundo na lumilipas, pakiramdam ko may nangyayari na hindi ko kontrolado. May isang bagay na nabubuwal at hindi ko alam kung paano ito aayusin. Si Mama… baka si Mara.

“Hanah, please talk to me,” muling sambit ni Uno, ngayon ay bahagya na niyang hinawakan ang braso ko para pigilan ako kahit saglit.

“Let me go, Uno!” mahina pero mariin ang tinig ko, sabay bitaw sa kamay niyang nakahawak sa’kin. “Uuwi ako. Kailangan kong umuwi. Baka—baka si Mama—Uno, baka kung ano na ang nangyari sa kanila!”

“Wait. Ivanna, ‘di ka pwedeng mag-isa.” Agad niyang kinuha ang bag ko sa kamay ko. “Sasama ako.”

“Uno—”

“I’m not letting you go through this alone,” aniya, mariin ang tono ngunit puno ng pag-aalala.

Maliit akong ngumiti at bahagyang namungay ang mga mata. Hindi ko kayang tanggihan ang kamay na umaabot sa’kin, lalo na ngayon na parang unti-unting bumubukas ang lupa sa ilalim ko. Sa gitna ng gulo ng aking isip at damdamin, siya lang ang nag-iisang matatag sa paligid.

He changed my life (Vhergarah Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon