HCML 54

262 7 4
                                        

Chapter 54

“Bakit hindi mo agad sinabi?” sigaw ko, halos pumutok ang dibdib sa halo-halong emosyon. Takot, galit, at pangamba.

She looked down, guilt written all over her face habang pinaglalaruan niya ang kanyang mga daliri. Para bang gusto niyang itago ro’n ang pag-aalala. Hindi siya makatingin sa akin, hindi rin siya makapagsalita agad.

“S-sorry… hindi k-ko ini-expect na ganito iyong mangyayari,” mahina niyang sambit. Nanginginig ang boses at kahit pilit niyang pigilan, ramdam ko ang luha niyang gustong kumawala.

“Sorry? Mara, nabaril si Mama!” Mariin ang bawat salita ko, pinipilit kontrolin ang galit subalit hindi ko na talaga kaya. Tumataas na ang boses ko kahit ayokong mangyari. “Paano mo naitago ‘yon sa’kin? Sana hindi mo ginawa. Sana una pa lang sinabi mo na agad.”

“Ate… sorry…” aniya. 

Tears started falling from her cheeks, one by one, hanggang tuluyang umagos pababa sa sahig. Iyak siya nang iyak, nanginginig ang kanyang buong katawan na para bang unti-unting gumuguho ang mundo niya sa harapan.

Hindi ko na alam kung anong mas nangingibabaw. Galit ba o awa? Gusto ko siyang yakapin ngunit hindi ko rin mapigilan na masigawan siya. Gusto kong sabihing naiintindihan ko, pero at the same time, gusto kong ipaalala sa kanya na hindi ito dapat inilihim sa akin.

But every time I remembered that she could’ve told me earlier, na pwede niya akong i-message kahit isang beses lang, kahit isang tawag lang. I could’ve done something. I could’ve been there. I could’ve stopped this. Hindi ko mapigilang manisi… hindi lang sa kanya, kundi pati sa aking sarili.

“Hindi mo ba naisip, Mara?” mahina kong tanong, tinatapik ang dibdib habang hawak pa rin ang kamay ni Mama. “Isang mensahe lang, isang tawag lang… sana sinabi mo sa'kin agad.”

She didn’t answer. Mas lumakas lang ang hikbi niya habang napapaupo sa gilid, pilit na ikinukubli ang mukha sa kanyang palad.

“Hanah! Calm down!” narinig kong sambit ni Sebastian, pero binging-bingi ako sa sarili kong emosyon. Para akong sinisilaban sa loob. Lahat ng galit, takot, at pagkabigla… sabay-sabay na sumabog sa aking dibdib. Hindi ko siya pinansin. Hindi ko kayang huminto. Hindi ko kayang magpigil.

“Hanah!” This time, his voice was different. Hindi sigaw, ngunit mariin. May bigat. May laman. Calm but commanding. “Please. Calm down.”

Bigla niyang hinawakan ang braso ko, sapat para pigilan ako pero hindi para masaktan. I turned to him sharply, giving him a glare full of rage and pain. My chest was heaving, my hands clenched, and my mind was spinning.

His hands, though firm, were still gentle. Hindi siya nagpadala sa init ng aking emosyon. 

“You don't need to shout at her. Raising your voice isn't helping, especially in her condition. Did you even hear what the doctor said about her? She has panic attacks, Hanah. Your sister’s mental health is not good. You're not helping her… you’re triggering her trauma instead. So calm down.”

Kalmado pa rin siya, pero ang bawat

salitang binibitawan niya ay may bigat, may paninindigan. Hindi siya galit, subalit dama ang lalim ng concern niya. Hindi lang para kay Mara, kundi pati na rin sa akin.

“I know where you're coming from, I really do… pero you also need to understand why she did that. I believe she had her reasons.” Malambot at mahinahon ang kanyang tono, para bang binabalot ako ng isang mainit na kumot sa malamig na gabi.

Nag-iwas ako ng tingin. 

“Look at me,” he whispered, softer this time, almost like a plea. 

He changed my life (Vhergarah Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon