HCML 55

270 10 4
                                        

Hi! It's been a while since I last updated this story, not because I forgot it, but because I wasn't quite ready to let go of this chapter. Some parts of the journey stay with us longer than expected. But now... I'm finally ready. I'm happy to share that this is the last chapter of HCML before the ending. Thank you for staying, for reading, and for walking with me through every page and every emotion. See you in the ending, everyone.

Chapter 55

Hindi ko namalayan kung ilang minuto o oras na yata akong nakatulala lang sa sahig. Sa puting tiles sa labas ng ICU. Para silang mga chessboard squares na pinaglaruan ng panahon. Puting-puti. Malamig. Walang buhay.

Siguro tulad ng nararamdaman ko.

Nakasandal si Mara sa aking balikat. Tulog na sa wakas pagkatapos umiyak hanggang sa maubos ang tinig. Ramdam ko pa rin ang maliliit niyang hikbi na minsan sumisingit sa kanyang paghinga, patunay na kahit natutulog siya, hindi pa rin humuhupa ang takot.

Nasa kabilang side naman si Sebastian. Walang imik na nakaupo. Tahimik siyang nakatingin sa hall. At ramdam kong binabantayan niya rin ako.

Nagbilang ako ng segundo.

Segundo na walang lumalabas na doktor. Segundo na hindi umaandar ang orasan sa loob ko. Segundo na parang tinatali ako sa upuan at pinipigilan huminga.

Hanggang sa tuluyang pumasok ang kirot na matagal ko nang pinipigil.

Tiningnan ko ang salamin ng ICU.

Hindi ko makita si Mama nang malinaw, pero alam kong naroon siya. Nakahiga. Walang malay. May tubo. May dugo. May pilat na dulot ng isang bala na hindi man lang dapat dumampi sa kanya.

Hindi iyon tama. Hindi iyon makatarungan. Hindi iyon dapat nangyari.

Kinagat ko ang labi, pinipigilan ang hikbi. Hindi ako pwedeng umiyak dahil baka magising ang kapatid ko. Hindi ako pwedeng manghina dahil walang kakapitan si Mara.

Pero paano mapipigilan ang lindol kung nasa loob mo nang umiiyak ang mundo?

"Hanah."

I looked up and saw Uno standing in front. His warm eyes were looking at me. Walang halong takot o pagkalito. Para bang kaya niya akong basahin nang hindi ko sinasabi ang kahit ano.

My heart hurts. Hindi ko alam kung para saan ngunit nasasaktan ang aking puso.

"Hey," he whispered softly, almost like he was afraid to break me with a louder voice.

Hindi ko alam kung bakit, pero sa isang iglap parang bumagal ang lahat. Parang tumigil ang ugong ng ospital, ang mga yapak, ang lamig ng hangin mula sa aircon.

Ang tanging naririnig ko ay ang mahinang paghinga ni Mara sa aking balikat. At ang tibok ng puso ko na malakas, mabilis, masakit.

Uno crouched down a little, leveling himself to my height while I was still sitting. Hindi ko magalaw ng ayos ang katawan dahil baka magising ang kapatid. His hands gently touched my arms, not grabbing but guiding.

"Hanah..." his voice lowered, steady, like an anchor. "You don't have to hold everything alone."

Umiling ako nang marahan, pero alam kong nakikita niya ang totoo. Pagod na pagod na ako. Na halos hindi na ako makahinga. Na gusto ko nang sumuko kahit hindi puwede.

Every day was hard for me. Halos araw-araw akong nasa ospital, nakaupo sa parehong upuan, nakatitig sa parehong pinto, hinihintay ang paggising ni Mama. Parang naka-pause ang buhay ko doon, sa pagitan ng pag-asa at takot. Gano'n din si Mara. Halos hindi na rin siya umuuwi. Umaalis lang sa tuwing may klase at muling babalik sa tabi ni Mama. Halos inuubos ang sarili sa kakahintay, sa kakadasal, kakakapit sa bawat maliit na senyales na baka... baka magising na si Mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Jan 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He changed my life (Vhergarah Series #1)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon