Kinabukasan, maaga akong nagising dahil may pasok pa ako sa trabaho at saka may bisita akong pakakainin-Ang prinsipe ng Simeria. Paglabas ko ng kwarto ay gising na rin pala siya at nakaupo lang sa sofa. Hindi ko muna siya kinausap at dumiretso na ako sa kusina.
Nagsaing ako at nagluto ng breakfast na eggs and bacon. Nagluto rin ako ng lunch ni Pio dahil hindi ako makakauwi nang tanghali. Buti na lang pala at bagong grocery ako. Kulang lang talaga ng prutas. Hindi naman kasi ako mahilig sa prutas pero bibili ako mamaya para kay Pio. Pagkatapos namin mag-agahan ay dali-dali akong naligo dahil ayokong ma-late sa trabaho.
"Okay lang ba sa 'yong iwan muna kita? Kailangan ko magtrabaho eh." Paalam ko sa kanya.
"Oo, hihintayin na lang kita." Sagot niya at napangiti ako. May maghihintay na sa 'kin umuwi.
"Talaga? Dito ka lang ha, 'wag ka munang lalabas, baka may makakita sa 'yo. Ando'n ang banyo kung naiihi ka o ano. Tsaka buksan ko na rin 'tong tv, manuod ka na lang. Ganito ang paglipat ng channel at volume, kung gusto mong malakas o mahina 'yong tunog." Tinuruan ko sya at mukha naman na-gets niya agad. "May pagkain do'n sa mesa, kain ka na lang ha. 'Wag ka magpapagutom." Tumango sya. Good boy. Baby boy. Para akong nanay na nagbibilin sa anak ko.
"Sige alis na ako. Isara mo 'tong pinto pag-alis ko. 'Wag ka magpapasok ng kahit sino." I reached up to him and kissed him on the cheeks. Relationship goal done! Lande!
Papalabas na ako ng pinto nang bigla kong maalala ang kailangan kong gawin. Kinuha ko ang measuring tape at sinukatan sya.
"Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong niya.
"Sinusukatan ka."
"Bakit?"
"Basta. Ngayon naman, ipatong mo dito ang paa mo sa papel." Sumunod naman siya at trinace ko ang paa niya. "Sige alis na 'ko. Baka gabi na ako makauwi. Kumain ka ha?"
"Sige. Mag-iingat ka." Sabi niya.
"Sige. Babye!"
Nagmamadali akong lumabas at tumawag ng taxi. Naisip ko tuloy kung tama bang iniwan ko s'yang mag-isa do'n. Baka kung anong mangyari sa kanya. Anyway, sa tingin ko naman ay kaya na niya ang sarili niya at saka may powers pa. Kaya I should just relax.
Nagtrabaho ako buong araw pero sa tuwing maiisip ko na pag-uwi ko nando'n si Pio kinikilig ako. Hindi ako makapaniwala na may boyfriend akong engkanto na naghihintay sa aking umuwi. Kaloka! Para akong baliw na ngumingiting mag-isa sa desk ko.
Si Simon naman parang wala lang talagang nangyari. I wonder kung ano lang naaalala niya. Ayoko naman tanungin. Mas mabuti na 'to dahil parang bumalik kami sa pagiging magkaibigan, which is better.
Paglabas ko galing trabaho ay dumiretso ako sa mall. Ito talaga 'yong kinaka-excite ko buong araw- ang mamili ng damit para kay Pio! Kasi naman walang kadala-dalang gamit. Alangan naman pabayaan ko 'yon na hindi magbihis, 'di ba? O kaya naman paghubarin ko na lang kaya habang nilalabhan ko 'yong damit niya. Pwede! I'm sure he wont mind! Jusko, ano ba 'tong pumapasok sa isip ko.
Pero kidding aside, kung sa normal na relasyon hindi ko naman 'to gagawin. Sino ba namang babae ang ipagsa-shopping ang new boyfriend niya? Ako lang 'yon. Kasi kung sa normal na lalake ko 'to ginawa, malamang pinagsamantalahan na ang kagagahan ko at ginawa akong palabigasan.
Pagdating ko sa mall, dumiretso ako sa department store, men's section. Syempre kailangan niya ng denim pants na size 34 kung tama 'yong sukat ko; shorts; Large T-shirts; tapos briefs o boxers? Teka, nagsusuot ba ang mga engkanto ng underwear? Siguro naman oo, alangan naman na hinahayaan lang nila na, you know, free as a bird! Kalurks! Anyway, boxers na lang siguro.
![](https://img.wattpad.com/cover/26130708-288-k588192.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy