Chapter 54: Convalesced

10.5K 310 34
                                    

Tulog pa si Axel nang buhatin siya ni Pio mula sa munting higaan niya. Hinaplos haplos niya si Axel at pinanggigilan dahilan para magising ang aso.

Now, picture this: Axel excitedly barking and licking Pio's face while Pio is grinning from ear to ear. It's such a joy to watch.

This dog never forgets. Pio doesn't even seem to mind all the wet kisses that Axel is giving him. I mean, they obviously missed each other, we all missed each other. It's been a long time. I can't help but get teary eyed at how perfect this moment is.

"Oh thank goodness!" Lady V suddenly exclaimed surprising us. Nagising yata namin siya sa ingay ni Axel pero pagtingin ko sa kanya ay pusturang pustura na siya. Hindi na ako nagtaka dahil lagi naman siyang parang may lakad kung manamit kahit nasa mansyon niya lang. Niyakap niya agad si Pio at hinalikan ito sa pisngi. Halos maluha-luha rin si Lady V. Ang saya nilang pagmasdan.

"Salamat po sa tulong mo." Sabi ni Pio sa kanya.

"Hindi. Hindi ako. Ang reyna ang dapat mong pasalamatan. Siya ang may kagustuhan nito."

"Napakabuti talaga ni Ina. Alam po ba ni Ama?"

"Huwag mo na munang isipin 'yan. Ang reyna na ang bahala magpaliwanag sa kanya. Ang gawin mo ngayon ay magpalakas ka.Tingnan mo, ang payat mo na."Pangaral niya kay Pio. "Kumain na ba kayo?" Tanong niya.

"Ay opo." Sagot ko. "Sorry po, nakialam po ako sa kusina niyo." I shyly added.

"Good. Good. That's good." Sagot niya. She doesn't really mind.

"Kayo po, kumain na po kayo. Pinagluto ko rin po kayo." Sabi ko.

"Mamaya na, maupo muna kayo at kailangan nating mag-usap." Sabi niya.

Mag-usap? Nagkatinginan kami ni Pio pagkarinig namin no'n. Kinabahan ako. Ano na naman ba? Hindi pa ba tapos ang problema namin? Tahimik kaming naupo at nakinig kay Lady V. It turned out na gusto lang naman malaman ni Lady ang mga plano namin. Isinuggest ko sana na maiwan muna sa mansyon si Pio habang nagpapalakas dahil hindi ko siya masyadong maalagaan kapag bumalik na ako sa trabaho. Ayaw naman pumayag ni Pio dahil hindi naman daw niya kailangan ng mag-aalaga. May katigasan din ng ulo 'tong si Pio pero sa totoo lang hindi ko rin kaya na magkakalayo na naman kami. Maloloka ako.

Kaya naman nang hapong iyon ay bumalik na kami ng Manila. Pinahatid kami ni Lady V sa kanyang driver kahit alam kong nalulungkot siya sa tuwing paalis na kami. Pagdating namin sa apartment niyakap agad ako ni Pio sabay buntong-hininga.

"Lalim naman no'n." Puna ko.

"Masaya lang akong makabalik dito." Inilapag niya si Axel at saka hinalikan ako sa noo.

"Ako rin." Sagot ko.

I suddenly understood why I've been feeling the way I did before. 'Yong mga weird na nararamdaman ko. Akala ko nababaliw na ako, hinahanap ko lang pala si Pio. Totoo pala talaga, the mind forgets but the heart remembers. Oh 'di ba? Ang corny ko na naman.

So ayon, back to normal, back to apartment at ako back to work kinaumagahan. Malungkot na hindi ko naalagaan si Pio pero siya naman itong pinipilit ako na bumalik na sa trabaho. Ayaw niya talagang magpaalaga kaya ang ginagawa ko na lang ay pinagluluto ko na siya ng pagkain niya para sa buong hapon. Okay na rin naman siya, kailangan niya lang kumain ng kumain para bumalik siya sa dati.

Two weeks pa lang ang nakakaraan simula nang makabalik si Pio dito ay parang tumaba na ako. Oo, ako talaga. Kasi naman, 'pag sinasabayan ko siyang kumain ay napaparami rin ang kain ko. Kaya naman naghulos-dili ako sa pagkain at mahirap na. Mas madali yata ang tumaba kaysa magpapayat.

Paminsan minsan ay nagjo-jogging kami simula nang masigurado kong malakas na siya. Pio seems to love the outdoors kaya kahit hirap na hirap ako mag-jogging kinakaya ko para lang may kasama siya. Syempre hindi pa rin nawawala 'yong mga babaeng nagtitinginan kay Pio sa tuwing lalabas kami especially now that he's in good shape. Mas lalo siyang gumwapo. I don't mind girls looking at Pio basta no touch. Ganern!

Minsan nai-intimidate ako dahil para siyang anghel na bumaba sa lupa samantalang ako ay isang hamak na tao lamang. But when he looks at me, it's as if I'm the most beautiful girl in the whole universe. Pak! Gano'n talaga. Malakas ang tama sakin ng engkantong 'to eh. Nagayuma ko yata.

Kinikilig pa rin ako sa kanya. Minsan habang nagluluto ako bigla na lang siyang yayakap sa akin tapos hahalik sa pisngi ko at tsaka aalis na parang wala lang nakikiliting damdamin. Ako naman mapapalunok na lang at pansamantalang matutulala. Akala ko immune na ako sa epekto niya, hindi pa rin pala.

Isa't kalahating buwan na ang nakalipas. Pio has fully recovered. Malusog na ulit siya at balik na sa dati ang lahat. Which means ayaw na ulit niyang ako ang naghahanda ng pagkain niya araw-araw. Dati kasi dinadaan ko siya sa galit-galitan para pumayag siyang gumagawa ng lahat habang nagpapagaling siya pero ngayon wala na. Kahit mag-beastmode ako hindi na siya natatakot sa akin.

I've always noticed Pio's love for cooking. Natatandaan kong ang bilis niyang natutong magluto at laging pag-uwi ko nadadatnan ko siyang nanunuod ng cooking shows. At first, I thought it was just to impress me, which he didn't have to, but later on I realized maybe he really enjoys cooking. Baka pagiging chef ang peg niya. So Friday date night I made sure to ask him.

"Gusto mo mag-aral na maging chef?" Tanong ko sakanya while he's putting on the shoes he personally picked. He looked up at me then smiled and I almost melted.

"'Yong nagluluto sa TV?" Tanong niya din. Naka-white polo siya at saka dark jeans. 'Yong buhok niya ayos na ayos, do'n talaga ako natu-turn-on. Grabe, naiiyak ako sa kagwapuhan niya.

"Oo. Pero hindi lang naman sa TV sila nagluluto." Sagot ko.

"Ah ganoon ba."

"So, ano gusto mo ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm.. Marunong na akong magluto." Sagot niya at natawa ako. Oo nga naman, marunong na siya.

"Alam ko, pero ang dami pang pwedeng matutunan like 'yong mga ano, kahit ano. Kung gusto mo lang. Tsaka para hindi ka naiinip dito 'pag wala ako." Sabi ko habang palabas kami ng apartment.

"Okay."

"Okay na ano?"

"Okay. Gusto ko."

"Hindi ka napipilitan?"

"Hindi. Gusto ko rin naman kasi paulit-ulit na lang 'yong niluluto ko." Sabi niya sabay akay sa akin pababa ng hagdan. Always the gentleman.

"Haha. Ang dali mong kausap. Sige, ikokonsulta ko muna kay Lady V." Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para tawagan si Lady V. Pagtingin ko nakasampung missed calls na pala siya. Lagot.

"Speaking of Lady V, kanina pa siya tumatawag." Sabi ko.

"Ha? Bakit kaya?" Napatingin sa akin si Pio. Baka mangangamusta lang. Hindi na kasi kami nakakadalaw sa kanya.

"Sandali, tawagan ko muna bago tayo sumakay. Naka-silent pala kasi 'to. Baka magtampo 'yon." I dialed her number and she answered on the first ring like she's been waiting for me to call.

"Kanina pa ako tumatawag sa iyo. Pinapunta ko diyan kanina pa ang driver para sunduin kayo. He should be there by now. Nasa apartment niyo kayo?" Sabi niya nang walang paligoy-ligoy.

"Opo pero paalis na po sana kami para kumain sa labas. Bakit po?" Tanong ko. Anong ganap? She sounds tensed.

"Dito na kayo kumain. Magpapaluto ako."

"Uhmm.. Kasi po--" Magpapalusot pa sana ako pero naunahan na niya akong magsalita.

"Nandito ang Hari at Reyna. Gusto kayong makausap."

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon