Chapter 4: Simeria

27.5K 889 28
                                    

Naupo siya sa tabi ko na walang imik. Napakaweirdo talaga ng taong 'to. Pagkinakausap ayaw magsalita  tapos ngayon tatabi-tabi sa 'kin. Tiningnan ko siya at nagmakaawa.

"Please.. Gusto ko nang umuwi." Pakiusap ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung paano ka makakauwi." Nagsasalita naman pala ang taong 'to, pinahirapan pa ako. 

"Bakit? 'Di ba ikaw naman ang nagdala sa 'kin dito? Eh di dapat alam mo rin kung pa'no ako makakauwi." Katwiran ko sa kanya.

"Oo." Maikli niyang sagot.

"Oh, anong problema? Na sa'n ba kasi ako? Ituro mo sa 'kin ang daan. Ako na lang magisa uuwi." Sabi ko at inis na 'ko.

"Hindi maaari. Nakasara ang lagusan." Sagot niya.

"Lagusan? You mean, 'yong pinto?" Tanong ko. May lagusan pang nalalaman 'tong lalakeng 'to.

"Lagusan papunta sa mundo mo." Sagot niya.

"Mundo ko? Bakit nasa Mars na ba tayo?" May tililing yata 'to, sayang ang gwapo sana eh. Jusko! Naiinis na ako!

"Nandito ka sa kaharian ng Simeria." Sagot niya. Did he just say kaharian? Talagang may sayad 'to. Napipikon  na 'ko pero sinakyan ko na lang ang trip niya.

"Ah.. Simeria? Exclusive subdivision ba 'to sa QC? O Makati? May taxi naman dito 'di ba?" Sunod-sunod ang tanong ko sa kanya.

"Kung alam ko lang.." He said in a low voice. Tapos may sinabi pa siyang hindi ko maintindihan. Nakikipag-usap pa yata sa sarili niya. Tsk. Malala na. Pero kahit may sayad siya kinulit ko pa rin siya dahil gusto ko na talagang umuwi. Maaga pa ang pasok ko bukas sa radio station.

"Alam ang alin? Sige na ituro mo na sa 'kin and daan." Hinawakan ko siya sa kamay at hinila patayo. Pero tinitigan niya lang ang kamay ko kaya binitawan ko siya. Allergic yata sa touchy na tao.

"Sorry.. Look, I really want to go home." Ayan, napa-english na tuloy ako with my former call-center accent. "Gusto ko nang umuwi!" Trinanslate ko pa.

Tumayo siya at kinuha ang nakatuping tela na nasa higaan at saka iniabot sa akin.

"Gamitin mo ito. Hindi pwede rito ang ganyang kasuotan." Sabi niya at natawa ako. Sabi ko na eh may kakaiba din sa pananalita niya. Old school bruh? O buwan ng wika ba ngayon? Hahaha.

"Why? What's wrong with my dress?" I said seductively. "Nasa kumbento ba tayo?"

"Nandito ka sa kaharian ng Simeria. Baka malaman nila na isa kang tao." Seryosong sabi niya.

"Hahahahahaha. Bakit ikaw hindi ka tao?" Hindi ko na napigilan, kanina pa 'to nagpapatawa eh. Nakasinghot yata ng Mighty Bond.

"Hindi. Isa akong Engkantado." Sagot niya.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon