Chapter 25: Lady V

18.7K 546 18
                                    


Kaloka naman ang panaginip na 'yon! Buti na lang talaga at hindi totoo. Napapraning lang siguro ako.

'Nong makarecover ako mula sa masamang panaginip ay bumangon na ako at naghanda. Napagkasunduan kasi namin kagabi ni Pio na puntahan ang address na binigay ng babae at ibenta ang isa niyang singsing.

Maaga kaming bumyahe ni Pio papuntang Tagaytay. Excited ako because, again, I will be witnessing another first. Unang beses niya kasi 'tong bumyahe. Nang umandar ang bus pinagmasdan ko lang siya. Malayo ang tingin niya. I can see that he is enjoying the view but he's got this contended and happy look on his face.

Tahimik lang siya on the way as if absorbing all that is happening around him. I wonder what he is thinking but I dare not ask. His eyes wandered but he kept his demeanor in a prince-like manner. He held my hand tight while I lean on his shoulder. Despite our silence, I was relaxed.

Sino ba naman ang hindi mare-relax sa ganda ng lalakeng katabi ko este sa ganda ng tanawin.

Pinuntahan namin ang address sa isang exclusive na subdivision. Mansion ito na napakalaki at maraming armadong gwardiya. Natakot tuloy ako dahil baka bahay ng gangster itong napuntahan namin. This might be a bad idea. Ano ba 'tong pinasok namin?

Parang gusto kong magback-out. Natatakot talaga ako. Actually, kaya naman ng sweldo ko na buhayin si Pio. Kakayanin ko naman siguro. Magtatrabaho na lang ako pag-umaga tapos pag-gabi kakanta ulit ako sa mga bar. Tapos pagweekend naman magsisideline ako. Part-time DJ ulit o kaya magtitinda ng Avon, tupperware at mga pirated na DVD. Waaaah!

"Sino sila?" Sabi ng lalake sa intercom. Napalunok na lang ako sa gulat. Wala na yatang atrasan 'to.

"Uhh.. I'm Alexeen Sevilla and we're looking for Lady V. I talked to her assistant last night." Nag-English talaga ako para convincing. Si Pio naman ay tahimik na nagmamasid.

Bumukas ang napakalaking gate at tumambad ang napakalawak na garden nito. Kumapit ako kay Pio dahil nakakatakot ang mga itsura ng mga gwardya. They are buff, serious-looking and armed with guns! Parang anytime ay pwede kaming ratratin ng mga ito.

Pinapasok kami sa Mansion ng isang gwardya. Napakaganda ng bahay na ito. Kitang kita na maintained at halatang mamahalin ang mga decorations. Halatang babae rin ang nakatira dito dahil sa magarbong pagkaka-design at pagka-decorate.

"Good morning Miss Alexeen. I'm Jen Fernandez, Lady V's assistant." Sabi ng magandang babae na nakangiti sa akin.

"Good morning din." Bati ko sa kanya. Nang mapansin niya naman si Pio ay parang natigilan siya.

Yeah girl, I know the feeling. He's hot right?

"Oh.. This is my boyfriend, Pio." Sabi ko, with emphasis on the word boyfriend. Warning lang naman. Actually, the sight of another female person made me at ease. Nakakakaba kasi dahil sa dami ng gwardyang nakapalibot sa bahay.

"I see.. This way ma'am." She said as she ushered us to an elegant living room.

"Well, hello!" Sabi ng boses na likod at nilingon namin ito. Isang matandang babae na parang nasa 70's na at may mataray na mukha. She looks intimidating but she is very beautiful despite her age.

"Uhh.." Hindi ko alam ang totoong pangalan niya. "Lady V?"

"Yes. I'm Venezia Zamora. Come, sit down." Ngumiti siya sa amin at naupo sa magarang sofa. Naupo naman kami ni Pio.

"Mind if I ask po?" Sabi ko.

"Sure, dear."

"Uhm. What's with the heavy security?"

She chuckled. "Isn't it obvious? Look around you, everything is valuable here."

"Oh.." 'Yon lang ang nasagot ko.

"Why don't we get down to business?" Sabi ni Lady V. "Show me the ring."

"Oh.. okay." Nabigla ako sa pagkadirekta niya. Kinuha ko ang singsing sa bag at ipinakita ito sa kanya.

"Here." Iniabot ko ang singsing.

Pinagmasdan niya ito at ininspect sa ilalim ng magnifying glass. "Hmm.. You see, my husband taught me everything about jewels so I will know if this is fake." She paused. "What caught my eye last night is that this really looks like..." She paused again as if remembering something. "I have something similar to this when I was younger. Where did you get this?"

"Uhm-" I started to say.

"Binigay iyan sa akin ni Ama noong mag edad diseotso ako." Nabigla ako nang sumabat ni Pio.

"Oh.. He talks." She said with sarcasm. "At sino ang ama mo iho?" Tanong niya.

"Ah wala po dito ang ama niya eh. Nasa ibang bansa. May ibang pamilya na po. 'Yong nanay niya naman po ay nag-asawa na rin ulit." Sabat ko sa usapan.

"Hindi Alex. Ang ama ko ay si Haring Filomino." Giit ni Pio. Naku, hindi talaga marunong magsinungaling.

"Shhhs." Saway ko kay Pio. Ano ba naman 'tong si Pio, walang censor ang bibig.

Nashock ang matandang babae at pansamantalang natigilan. Uh-oh.

"Jen, please leave us." Utos niya sa assistant na siya namang nagpalabas sa ibang gwardyang nakabantay sa amin sa living room.

"Procopio?" Sabi ng matanda. Natigilan ako. Bakit niya alam ang tunay na pangalan ni Pio?

"Ha? Kilala nyo ho sya?" Tanong ko sa matanda. Ibinaling ko ang tingin ko kay Pio at halatang gulat din siya.

"Procopio? Is that really you?" Tanong ng matandang babae.

"Teka nga po, bakit niyo sya kilala?" Tanong ko ulit sa matanda pero hindi niya ako pinansin.

"Oo. Ako nga." Sagot ni Pio.

"But.. How could it be?" Sabi ng matanda habang inabot niya ang kamay sa mukha ni Pio at hinaplos ito.

"Sandali nga po.. Anong nangyayari dito? Sino ka po ba? Pio, kilala mo ba siya?" Naiinis na talaga ako dahil parang iniitsapwera ako ng dalawang 'to na parang hindi ako nag-eexist sa Earth!

Tiningnan ako ng matanda. Finally, I got her attention.

"Ako ang nakakatandang kapatid ng Hari." Sagot ng matanda.

"What?!"

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon