Chapter 56: Mga Lihim

9.2K 196 3
                                    


"What—" I almost said the F word out loud. Anong pinagsasabi nito?

"Anong sinasabi mo Filomino?" Sumingit rin si Lady V.

"Ano ibig sabihin nito? Totoo ba ito, Ina?" Tanong ni Pio sa reyna. Hindi makapaniwala si Pio sa narinig niya. Ano ba naman 'to? Paano nangyari 'to?

"Totoo, anak. Ang ama mo ay isang tao." Sagot ng reyna kasabay ng malakas na hagulgol. Lumapit si Lady V sa reyna at pinatahan ito kahit siya rin ay halos maiyak na.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Pio sa hari. Nakita kong may tumulong luha sa mata niya. Tiningnan ko si Lady V at pati siya ay gulong-gulo rin. May binubulong siya sa sarili niya at umiiling-iling pa na parang sinusubukan niyang pag-tugmain ang sinabi ng hari pero nabigo siya.

"Patawad anak kung naglihim kami sa iyo..." Natigilan ang hari para itakip ang mga kamay niya sa mukha niya. Matagal siyang hindi nakapagsalita dahil pareho silang umiiyak ng reyna. Nakayakap sa kanya ang reyna at kahit hindi ko naiintindihan ang nangayayari ay napaiyak na rin ako.

"Pio, hindi ko maintindihan." Bulong ko kay Pio. Umiiyak siya at alam kong kahit siya ay nalilito rin. Hindi siya sumagot kaya pinunasan ko na lang ang luha niya. Nabalot ng lungkot ang mukha niya. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito simula nang umalis ako sa kaharian nila.

"Kung tao ang hari, ibig sabihin tao ka rin." Kinakausap ko ang sarili ko pero napalakas yata ang pagkakasabi ko at napatingin sila sa akin

"Hindi.. Hindi.. Hindi ako ang tunay na ama ni Procopio." Sagot ng hari.

"Ha?"

"Filomino!"

"Hindi 'yan totoo!"

Nagkasabay-sabay kami ng bulalas nina Lady V at Pio.

"Ama, hindi totoo yan!" Galit na sabi ni Pio.

"Patawad ngunit totoo ito anak." Ang reyna na ang sumagot. Napanganga kaming tatlo na para bang isang masamang balita ang sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot sa narinig ko. "Napakasakit tanggapin ngunit ito ang katotohanan."

"Paano ito nangyari, Filomino?" Tanong ni Lady V sa kapatid niyang hari. Nakita kong huminga nang malalim ang hari bago tuluyang sumagot.

"Natatandaan niyo ba ang sinabi ko tungkol sa lalakeng tinulungan ko mula sa mundo ng mga tao?" Tanong ng hari. "Ang taong sinabi kong nagnakaw sa kaharian matapos kong kupkupin at ituring na isang kaibigan; ang sinabi kong dahilan kung bakit galit na galit ako sa mga tao? Hindi iyon ang buong katotohanan." Tumigil siya at tumingin sa reyna.

"Sabihin mo na sa kanila ang lahat." Wika ng reyna sa mahinahon niyang boses. Dahil dito lahat kami ay natahimik at hinintay na magsalitang muli ang hari.

"Noong hindi pa ako ang hari ay ako ang naatasan ng aking ama na magbantay sa lagusan. Isang araw, nakita ko ang lalakeng iyon sa kagubatan, walang saplot at sugatan siya sa hindi ko nalaman na dahilan pero hindi ako nagdalawang isip na tulungan siya. Nakilala ko siya at naging kaibigan, malapit na kaibigan. Nagpakilala siya bilang Amar. Mabait siya kaya mabilis niyang nakuha ang tiwala ko. Pinatuloy ko siya sa kaharian sa kundisyon na hindi niya ipagsasabi sa mga tao ang tungkol dito. Nangako siya at naniwala ako sa kanya." Umiling-iling siya habang sinasariwa ang mga pangyayari.

"Hindi pa kami mag-asawa noon ng iyong ina. Unang kita pa lamang ni Amar sa iyong ina ay napansin kong may pagtingin siya sa kanya pero hindi ko na iyon inisip dahil may tiwala ako sa kanya. Nang naging mag-asawa kami ng iyong ina ay saka naman namatay ang aking ama at ako ang nagmana ng trono niya. Malaya siyang nakalalabas-masok sa kaharian pero bigla na lang siyang nawala."

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon