Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil excited ako; may napag-isipan kasi ako kagabi habang hindi ako makatulog. Paglabas ko ay tulog pa si Pio kaya naghanda muna ako ng agahan.
I like cooking breakfast especially now na nandito na si Pio. Nagluto ako ng sinangag at nagprito ng tocino at itlog at saka nagtimpla ng kape.
Inayos ko ang mesa at inilapag ang pagkain. Sakto naman ay bumangon na siya sa maliit niyang higaan. Siguro ay sumasakit na ang likod niya, hindi lang niya sinasabi. Naalala ko nga no'ng nakatulog ako sa sofa, pag-gising ko ang sakit-sakit na ng leeg at likod ko. Siya pa kaya na halos nakabaluktot na matulog para lang magkasya siya.
Kawawa naman ang prinsipe ko.
"Halika, kain tayo." Alok ko sa kanya. Habang nagii-stretching at nagtatali ng buhok niyang mahaba. He made a little bun out of it. It's funny how I never really liked guys with long hair before. Para kasing hindi neat tingnan but with Pio, kering-keri niya. Kainis nga. Minsan parang mas maganda pa siya sa 'kin. Haha. Sarap niyang pagmasdan. Katawan pa lang ulam na. Tsk. Tsk. Erase. That. Thought.
"Maaga kang nagising? Sana ginising mo ako para ako nang nagluto." Sabi niya sa akin.
"Okay lang.. ako naman pag-weekend." Sabi ko habang nagtitimpla ng kape. "Gusto mo ng kape?"
"Sige." Inabot ko sa kanya ang tasa at humigop siya.
"Aray! Mainit." Sabay paypay sa dila niya na parang matatanggal no'n ang paso.
"Hahaha!" Kinuha ko ang mug mula sa kanya at inilapag ito sa mesa malapit sa plato niya. Nilagyan ko rin siya ng tosilog sa plato niya. Weekend ako bumamawi sa kanya sa pagsilbi. Pag-weekdays kasi halos siya lahat. "Sige, kain ka na." Sabi ko sa kanya. Sumubo naman siya. Ngayon ko lang napansin ang kakaibang paraan ng pagkain ni Pio. Lagi niyang inuuna ang ulam sunod and kanin. Never all at once. Ulam. Nguya. Kanin. Gano'n.
"Sarap?" Tanong ko.
"Hmm.. Oo." Patango-tangong sagot niya.
"Good. Uhm.. Pio, nakakabasa ka ba ng isip?" Tanong ko para lang may mapag-usapan.
"Hindi." Sagot niya.
"Nakakalipad ka?"
"Hindi." Nangunot noo ulit siya. He must think I'm crazy for asking stupid questions.
"Bumubuga ng apoy?" I asked again as if I don't sound silly enough with my previous questions.
"Hindi. Alex, hindi ako dragon." Sagot niya.
"Hahahaha!" Natawa ako do'n. "Wait, you mean dragons exist? Meron kayo no'n sa mundo niyo?" Curious na tanong ko.
"Wala. Hindi naman totoo 'yon. Ginagawang panakot lang iyon ng mga matatandang engkanto sa amin noong bata pa ako." Sagot niya.
"Ah gano'n ba? Dragon din pala ang tawag sa inyo." Sagot ko. Wala na akong ibang maisip na itanong kaya hinintay ko na lang siyang matapos dahil may sasabihin ako. Nang matapos na siya, 'yon na ang pagkakataon ko.
"Uhm.. Pio?"
"Ano iyon?"
"Gusto mong lumipat ng apartment?" I cautiously ask. Natigilan na naman siya. Na-trauma yata kagabi.
"Alex.. Akala ko ba-" He started to say but I cut him off.
"Hindi.. Tayo.. Gusto mo bang lumipat tayo?"
"Kasama ka?"
"Opo." I said and I saw him sigh in relief.
"Saan?"
"Sa mas malaking apartment. 'Yong may tig-isang kwarto para may kwarto ka rin."
"Hmm.. Sige, basta kasama ka." He said as he took a sip from the mug of coffee.
"Okay!" I grinned at him. "Maghanda ka may pupuntahan tayo. Magliligpit muna ako dito."
"Mauna ka na. Ako na lang magliligpit nito." Sagot niya.
"Sigurado ka?" Tanong ko.
"Opo.. Mahal kong Prinsesa.." He beamed at me.
Gaah! Tiningnan ko lang siya at pasimpleng ngumiti. Kinikilig na naman ako!
Mas matagal akong naligo ngayon dahil alam kong pagpapawisan ako mamaya sa gagawin namin ni Pio. Natawa tuloy ako. Actually, maghahanap kami ng bagong malilipatan na apartment. I-se-set aside ko muna ang magiging reaksyon ng sosyodad kapag tuluyan na kaming nagsama ni Pio sa iisang bubong. It's not like were doing something; at least not on our minds. Tsaka kahit gustohin ko man alam kong hindi 'yon magagawa ni Pio. He's a guy, I know. But I also know that he's different from other guys who would take advantage of a woman whenever they have the opportunity. Pio is far from that. He's a real man. At wala siyang balak sa akin!
Saklap!
Well, that's actually a good thing. Iwas tukso. I'm a lucky girl indeed.
Paglabas ko ng banyo, tapos na siyang magligpit ngunit may kung ano pang inaayos sa kusina. Gusto ko sanang mang-usyoso but I'm wearing a towel and I don't want Pio to see me in it. Sure, he'd seen me in a tight tube dress but this is different. I better go get dressed before he gets some idea.
"Pio, tama na yan. Mag-ready ka na!" Tawag ko mula sa kwarto ko.
"Sandali na lang." Sagot niya.
Thinking back, alam kong binago ako ni Pio. When I met him, nag-iba ang pananaw ko. I no longer feel the need to wear sexy dresses because I know someone loves me best when I'm really myself. He sees past the skin. He loves me for who I am and I love him for that.
Paglabas ko ng kwarto maayos na ang lahat. Malinis at organized. Wow! I could get used to this.
I sat down on the couch and waited for Pio to get ready. Even the couch smelled of Pio's cologne. Parang gusto kong yakapin ang sofa kaso baka mahuli ako ni Pio.
Nagbukas muna ako ng TV habang naghihintay. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto sa banyo. Nilingon ko siya thinking na nakabihis na siya but he's just wearing his pants. Meaning shirtless! Shoot! Biglang lingon ulit ako sa TV at nagkunwaring naghahanap ng magandang channel.
"Nakalimutan ko 'yong damit ko." Sabi niya nang dumaan siya harapan ko.
Wag ka na lang kaya magdamit.
I tried to act calm but my efforts were futile. Para akong nanigas sa kinauupuan ko nang yumuko siya para halikan ako sa noo at may kung anong inaabot sa likod ko.
"Alex, naupuan mo 'yong damit ko." Sabi niya.
"S-sorry, 'di ko napansin." I mumbled.
"Wala 'yon.." Sagot niya. Tumalikod siya sa 'kin at sinuot ang t-shirt niya.
Sa harap ko pa talaga nagbihis! Aba... Aba..
That back muscles though...and... and that low waisted jeans.. so..
Gaah! This is crazy! He really needs to get his own room ASAP!
Don't forget to vote, comment and recommend. Thanks for reading! :)
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy