Hmm.. Why is he avoiding my question?
Tanong ko sa sarili ko pero hinayaan ko na lang siya dahil baka ayaw niya pang pag-usapan. Nag-ayos na lang ako ng mesa para makapaghapunan na kami. Si Axel naman ay busy sa kakalaro sa bago niyang laruan. Lahat na yata binili ni Pio para sa asong 'to. May higaan, dog food, dog treat at dog shampoo! All out! Parang magiging spoiled na aso 'tong si Axel.
"Pa'no mo nga pala nabili si Axel?" Tanong ko kay Pio.
"Hindi ba nagsabi ako sa iyo na gusto kong maglakad-lakad? Doon ko siya nahanap sa isang tindahan ng mga hayop. Hindi ko nga matandaan kung anong lugar na iyon. Basta may kalayuan mula dito." Sagot niya habang nilalagyan ako ng kanin at ulam sa plato ko. Ako naman nilalagyan ko ng tubig ang mga baso namin.
"Talaga? Buti hindi ka nawala." Sagot ko.
"Ako pa!" Pagyayabang niya at pareho kaming natawa.
"Hmm. If I know, baka sampung tao ang natanungan mo." Pang-aasar ko sa kanya. Natigilan siya.
"Hindi naman. Mga labing lima lang." Sagot niya at mas lalo akong natawa. Kahit siya natatawa sa sarili niya. Nag-effort talaga siya para bilhan ako ng aso. Nakaka-touch naman.
"Haha. At dahil diyan ako naman ngayon ang maghuhugas ng pinggan." Sabi ko. He was about to say something pero inunahan ko siya. "Hep! Wala ng aangal pa."
"Okay." Sagot niya. I love it when he says 'okay'. Walang katulad.
Naghuhugas ako ng pinggan habang si Pio naman ay nakatayo at nagbabantay sa akin habang nakasandal sa may lababo. Karga-karga niya si Axel. Selos nga ako dahil parang close na close na sila. Pakarga rin kaya ako? I'm sure he wouldn't mind. Hahaha. Landi! Tahimik lang ang aso at parang sarap na sarap ito sa haplos ni Pio.
"Ang cute niyo tingnan." Komento ko sa kanila sabay ngisi. Ngumiti si Pio.
"May alagang aso rin ako noong bata pa ako pero namatay siya." Wika ni Pio.
"Oh bakit hindi ka na ulit nag-alaga ng ibang aso?" Tanong ko.
"Hmm. Naging abala na ako noon sa pag-aaral at pag-eensayo. Tsaka ayaw ni Ama na maiistorbo ang pag-eensayo ko." Sagot niya. Hmp. 'Yang Ama mo talaga napakakontrabida! Hmp!
"Gano'n ba? Anong pangalan niya?"
"Pepe." Sagot niya sabay pinanggigilan niya si Axel na ngayon ay nakapikit sa braso ni Pio.
Hmm. Pepe. Not bad. Akala ko mga Goryo, Potasyo o kung ano na namang nakakatawang pangalan.
"Ah.. Nood tayo ng sine pagkatapos." Alok ko sa kanya.
"Sige." Sagot niya. "'Yong cake kainin na natin." Dugtong niya.
"Bakit ka nga pala bumili ng cake?" Tanong ko sa kanya at ngumiti siya. There's something about his smile. Hmm.. It's so.. It's so... Makalaglag panty!
"Wala lang. Na-miss kasi kita." Sagot niya. He gave me a shy smile. Maybe because he used the word miss.
"Sus!" Naisip ko tuloy na wala man lang pala akong pasalubong sa kanya. Kasi naman, tamang hinala ang lola mo! Na-guilty tuloy ako. Bakit hindi ko man lang naisipang bilhan siya ng T-shirt sa souvenir shop? I'm such a lousy girlfriend! "Anong cake ang binili mo?"
"'Yong paborito mo." Sagot niya at binaba niya na si Axel at naghugas ng kamay.
"Blueberry cheesecake?" I asked giddily and he smiled in response. "Yes!" Para na naman akong bata. He knows me too well.
"Opo, mahal na prinsesa... Maupo ka na doon at ako na ang kukuha ng cake."
"Okay, Mahal kong Prinsipe." Naglakad na ako papuntang sala. "Anong gusto mong panoorin?" Pasigaw kong tanong kay Pio habang binubuksan ko ang TV. Kinuha ko ang harddrive ko na naglalaman ng mga movies at isinalpak ito sa likod ng TV.
"Kahit ano, ikaw na ang bahala." Sagot niya.
"Okay!" Naupo ako at pumili ng sineng papanuorin. Salamat kay Simon dahil ang hilig niyang mag-download ng mga pelikula mula sa internet. I have like a hundred titles to choose from and right now I can't decide. Ano ba? Horror, action o love story? 'Pag horror kasi siguradong matatakot na naman si Pio. Haha. Cinderella kaya? Hm. Napanuod ko na 'to eh, laki no'ng bulge no'ng prinsipe. Masyadong distracting. Iba na lang....
Paparating na si Pio at hindi pa rin ako makapili ng papanoorin. Hawak niya sa magkabilang kamay ang tig-isang platito ng cake. Natigilan ako. He has this huge smile on his face. It's almost contagious and I can't help but wonder. Napa'no 'to?
Sa likod ni Pio ay nakasunod si Axel na may kagat-kagat na isang maliit na box. Kulay asul ito at parang nahihirapan siyang kagatin ito dahil mas malaki pa ito sa bibig niya. Ang dami naman niyang laruan. Tiningnan ko ulit si Pio at nakangiti pa rin siya. Napakunot noo na lang ako dahil sa pagkalito. Why does he have this weird smile on?
Finally, naupo si Pio sa tabi ko. Inilapag niya ang dalawang platito ng cake sa center table at kinarga si Axel. I looked at him with confusion written all over my face. Why? Nasa gitna na namin ang cute na aso na parang nalilito rin sa pangyayari. Kinuha niya ang box mula sa bibig ni Axel na ngayon ay may marka na ng maliliit niyang ngipin. Now that I have a better look of the box, I felt my heart skip a beat. Is this what I think it is? Woah! No way!!!
Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba dahil sa realization ko.
And when he opened the box, it confirmed my suspicion. It's a ring!
A beautiful diamond ring!
"Alex, pwede mo ba akong pakasalan?" Tanong ni Pio at kinuha niya ang kaliwang kamay ko.
Hindi ako nakasagot at nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ko. Nalilito ako at the same time I know exactly what the question meant. He still has the smile on and my heart constricts at the sight of his handsome face. Is this really happening right now?
Is this for real?
Tumahol sa akin si Axel at natawa ako. Umiiyak na tumatawa! Why is he barking at me? Tiningnan ko si Pio and he's waiting for my reply. He squeezed my hand lightly.
Tumahol ulit si Axel at ngayon pareho na kaming natawa ni Pio.
"Oo na Axel. Oo na." Sabi ko sa aso as if naman naiintindihan niya ako.
"Oo Pio, pakakasalan kita."
***
Salamat sa mga sumagot ng tanong ko kung taga-saan kayo. Curious lang kasi ako kung saan nakakarating ang kwentong 'to. Ikaw, where are you right now? Hehe.
Please continue to vote, comment and recommend! Thanks.
Warning: All good things come to an end.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy