Chapter 18: Changes

20.6K 559 7
                                    

Weeks passed and I still miss him. I wonder if he feels the same. Ba't gano'n? Hindi ko naman sya nakasama ng matagal pero hindi ko pa rin sya makalimutan. I hate this feeling!

Everyday I would pass by that tree and hope that he'd be there. Minsan napapakanta na lang ako ng "Are you, are you coming to the tree?" Parang tanga na nga ako kung minsan ginaya ko pa si Katniss Everdeen.

Weeks turned to months but the feeling is still there. Mahal ko na ba sya? Hindi ko alam. Basta sigurado akong nakalimutan nya na ako. Minsan gusto kong magwala kapag nai-imagine ko si Pio na nakapangasawa ng isang prinsesa. Kung hindi ba naman kasi ako tanga... Dapat pinakinggan ko siya.

Nag-resign na ako sa trabaho ko. As much as I love being a DJ, I just don't see myself being a DJ forever. At syempre dahil kulang din ang sinasahod ko do'n. Muntik na nga akong mapalayas sa apartment ko dahil hindi ako nakakabayad ng renta. Hindi rin nagtagal at umalis na ako sa dati kong apartment dahil malayo ito sa bago kong tinatrabahohan. Ayoko sanang umalis dahil umaasa pa rin ako na magkikita kami ni Pio pero na-realize ko na hindi na 'yon mangyayari. Isa na lamang siyang magandang alaala.

Ang nagpapasaya na lang sa 'kin ay ang bago kong trabaho. I got a job as a Fact Checker in a magazine company. They also allow me to write articles from time to time, which is so cool by the way! I got lucky because they hired me despite my inexperience. Kaya nga ang saya-saya ko.  I am now closer to my dream job as an Editor-in-Chief. Ganyan ako ka-ambisyosa!

May pumoporma rin sa 'kin dito sa bago kong trabaho pero ewan parang hindi ko pa feel.

Speaking of the devil.

"Hi Alex. Nag-lunch ka na?" Tanong ni Simon. Isa siyang copy editor dito sa company. Tiningnan ko siya at nakangiti sya sa 'kin. Ang cute niya pag nakangiti dahil nawawala ang mata niya. Chinito kasi. Matagal na rin syang nagpapa-cute sa akin kaso hindi ko pa talaga feel.

"Hindi pa. May tinatapos pa ako eh." Sagot ko habang nagta-type. Hindi ko siya tiningnan at hinintay ko siyang umalis.

"Gano'n ba? Magla-lunch na rin ako eh. Join me." Alok niya.

"Sige na. Mauna ka na. Tatapusin ko lang 'to." Dahilan ko.

"Hintayin na tuloy kita." 

"Ha? 'Wag na. Nakakahiya naman sa 'yo. Baka matagalan pa 'to eh"

"No. I'll wait." He said with a smile.

"Sigurado ka?" Tanong ko.

"Yeah." Sagot niya sabay ngiti ulit.

Ang kulit naman nito ayoko pa naman may naghihintay sa akin dahil nape-pressure ako. Pumayag na lang ako.

"Tara na tuloy."

And that is how we became friends. It's nice having him around because he is such a funny guy. Sometimes we would go out with co-workers but most of the times it's just the two of us. Napapagkamalan na ngang 'kami' pero wala naman akong nararamdaman para sa kanya. To me, he's just a friend. Ewan ko lang sa kanya. Minsan kasi nahuhuli ko syang nakatitig sa 'kin. Alam mo 'yong titig talaga tapos biglang titingin sa ibang direksyon kapag nahuhuli ko. Napansin ko rin na napakamaalaga niya sa 'kin. Minsan naman sobrang effort pero hinahayaan ko na lang sya. Magsasawa na lang siya.

One night, we went out drinking with our co-workers. As usual, he's always beside me. My co-workers started teasing me which encouraged him more.

"Uy, Alex. Kayo na ba ni Simon?" Tanong ni Nell.

Nagkatinginan kami ni Simon at natawa ako. "Hindi no!" Mariing sagot ko. "We're just friends." Dugtong ko. Sinadya ko talagang sabihin 'yon para marinig niya.

"Oh di sino ang boyfriend mo?" Tanong ulit ng makulit na si Nell.

"Wala. Ayoko munang makipagrelasyon eh." Sagot ko pa para mas klaro kay Simon. Nang tiningnan ko siya, nakayuko siya na para bang na-disappoint sa sinabi ko.

I feel sorry for him pero tama lang 'yon dahil ayokong umasa siya at sa tingin ko ay umasa na nga siya.

I am enjoying my new job and my new friends. Somehow, it made me forget about Pio but sometimes memories come back and they make me miss him even more. Sa kakaisip ko sa kanya nai-imagine ko na yata sya. Minsan nga may hinabol akong lalake dahil akala ko sya na kahit alam ko naman na imposible. Hay! Ano ba yan?

***

"Simon, samahan mo ko, Starbucks tayo!" Alok ko sa kanya.

"Sure." Agad niyang sagot. Hindi pa rin naman sya nagbago. 

"Thanks. Libre kita."

Pagdating namin sa Starbucks, may nakita akong lalakeng kamukha ni Pio. Napahawak na lang ako sa ulo ko at palihim na sinabunutan ang sarili. Nababaliw na yata ako.

"Okay ka lang?" Tanong ni Simon.

"Yep." Maikling sagot ko.

Pagkakuha namin sa order namin, nagsimula kaming maglakad pabalik sa office habang humihigop ng malamig na latte.

"Uhm.. Alex, may gagawin ka ba mamaya after work?"

"Wala naman. Bakit?"

"Dinner tayo?"

Ayan na naman sya.. Pagbigyan ko na kaya? Baka sakaling makalimutan ko na si Pio. Hay..

"Sige."

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon