Chapter 53: No lies

10.2K 328 33
                                    


'Wag!

'Yon ang sinisigaw ko sa panaginip ko. Sinusubukan kong alalahanin pero hindi ko na matandaan dahil naramdaman kong may nakatitig sa akin.

"Oh my ga—" Bulalas ko no'ng makapagsalita ako. Gusto ko pa sanang magsisigaw at tawagin si Lady V pero natigilan ako para takpan ang bibig ko. Ayoko naman kasing himatayin ulit siya dahil sa morning breath ko. "Sorry." Sabi ko sabay hagikgik at punas ng luha. Nakita ko siyang ngumiti at hinila ako para yakapin.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga pero okay lang. Sobrang saya ko na gising na siya, naiiyak na naman ako. Naging madrama yata ang buhay ko simula nang makilala ko si Pio. Pero lahat ng iyon ay sulit dahil sobrang swerte ko sa kanya.

"Alex..." Banggit pa lang ni Pio sa pangalan ko habang hinahalikan ang buhok ko ay sapat na para humagulgol ako sa sobrang saya. Thank you Lord. Thank you talaga.

"Tahan na. Nandito na ako." Tumango lang ako dahil hindi ako makapagsalita sa lakas ng iyak ko. Napakaiyakin ko na, hindi naman ako dating ganito. Pero gano'n naman talaga siguro 'pag nagmamahal.

Matagal kaming nagyakapan dahil sobrang na-miss namin ang isa't isa. Halos ayaw ko na nga sanang kumalas sa yakap niya bumangon sa higaan pero naalala ko ang pakiusap ng reyna sa akin at ayaw ko naman siyang bigoin.

"Halika, kumain tayo. Ipagluluto kita." Sabi ko sa kanya. "Or kung gusto mo mahiga ka muna dito tapos tatawagin na lang kita 'pag luto na maaga pa naman." Halos alas kwatro pa lang pag tingin ko sa orasan.

"Mamaya na." Sagot niya at hinigpitan pa ang yakap sa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagka-miss niya sa akin sa mga yakap niya. Kahit nga ako ayaw ko rin umalis sa tabi niya pero kailangan kong tuparin ang pangako ko sa reyna.

"Pio, kailangan mong kumain kundi ibabalik kita sa kaharian niyo. Sige ka." Pananakot ko sa kanya.

"Babangon na." Agad siyang bumangon pero nanghihina pa siya kaya tinulungan ko siya. Umupo siya sa gilid ng kama habang kinukuha ko ang dati niyang tsinelas sa cabinet."Nasaan nga pala tayo?" Tanong niya. "Ang huling natatandaan ko ay noong nasa silid ko tayo."

"Inuwi ka namin dito sa mansyon ni Lady V." Sagot ko habang sinusuotan ko siya ng tsinelas. "Utos ng mahal na reyna." Dugtong ko.

"Talaga?" Gulat na tanong niya.

"Oo, talaga, kaya 'pag hindi ka gumaling ibabalik ka namin do'n." Seryosong sabi ko pero tinatakot ko lang naman siya.

"Huwag naman..."

"Good." Sagot ko. Kumuha ako ng T-shirt, jacket, boxers at pantalon mula sa cabinet para makapagbihis siya. Nakasuot pa rin kasi siya ng damit pang engkanto. Okay lang naman sa akin na gano'n ang suot niya kaso parang magmumukha naman akong katulong tapos siya mukhang prinsipe. Pero kahit balot na balot siya halata talaga sa mukha niya ang malaking pagbabago. Kasi 'yong pisngi parang lumubog ng kaunti.

Kompleto pa rin ang mga gamit ni Pio. Nakaka-touch din talaga si Lady V dahil tinago niya lahat ng gamit ni Pio. Ibig sabihin no'n ay hindi siya nawalan ng pag-asa na makakabalik si Pio kahit ako mismo 'yong agad na sumuko. Nahiya ako sa sarili ko.

"Halika, magbihis ka." Tutulungan ko lang naman sana siyang hubarin 'yong damit niya pero pinigilan niya ako.

"Alex, ako na." Sabi niya at kinuha niya sa akin ang mga damit.

"Bakit? Nahihiya ka?" I teased him and he gave me a shy smile. "Dati rati nga nagbibihis ka pa sa harap ko habang..." Hindi ko na tinuloy dahil natatawa na ko naalala ko kasi 'yong mga araw na 'yon. "Kaya mo na ba?"

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon