It took me a lot of energy and self-control not to throw myself at Pio.
Alam mo 'yong gusto ko na talagang pumulupot sa kanya at paliguan siya ng halik pero hindi ko magawa. Nahihiya ako eh. Binago niya talaga ako. Kung kelan alam kong totoo siya sa akin at mahal niya ako mas lalo tuloy akong nagpipigil. Maybe because I want this relationship to be, you know, truly romantic and pure at the same time.
Tsk. Basta!
We stayed mostly at the beach because I guess we were both beach lovers. Napakaganda ng Batanes. Malayo sa ingay at usok ng syudad, tahimik at simple ang pamumuhay. Gusto ko na sanang manirahan sa Batanes kaso hindi pwede. I found myself looking for the comfort of our little apartment; our little home. This place is perfect but this is not our reality.
It's time to go back.
The flight back home was more dreadful for Pio than before. Hinang-hina siya pag-dating namin sa apartment. Sobrang sakit daw ng ulo niya. Ngayon ko lang siya narinig na nagreklamo ng gano'n kaya mas lalo akong nag-alala. I rushed to his side to take care of him.
Ayokong nakikita siya nang ganito. Kahit engkanto pala ay may nagkaka-motion-sickness din. Medyo na-guilty tuloy ako.
I helped him to his bed and removed his shoes. Pinainom ko siya ng gamot para sa sakit ng ulo kahit hindi ko alam kung umiepekto ba 'yon sa kanila. Parang gusto ko na naman na yakapin siya at haplos haplosin kaso alam kong hindi 'yon ang gamot na kailangan niya. Sa halip ay hinayaan ko na lang siyang magpahinga hanggang sa bumuti ang pakiramdam niya.
Ang dapat kong pinoproblema ngayon ay kung pa'no ko sasabihin sa kanya na hinihanap siya ng hari at ng reyna. Alam kong darating ang issue na 'to one way or another kaso hindi ko alam kung paano i-handle ang ganito. I'm not ready to lose Pio but I don't want him to think that I can't be trusted by not telling him at all.
Pagkagising niya ay naligo siya at nagbihis. Ako naman ay nanunuod lang ng TV at naghihintay lang sa kanya. Sa tingin ko ay mabuti na ang pakiramdam niya ngayon kaya nagdesisyon akong sabihin na sa kanya ang totoo. Nilapitan ko siya.
"Uhm.. Pio?" Simula ko. Katatapos niya lang uminom ng malamig na tubig mula sa ref. "Okay ka na?" Tanong ko.
"Oo." Ngumiti siya sa akin at pinisil ang pisngi ko. Naglakad siya papunta sa sofa at para akong asong bumuntot sa kanya.
"May sasabihin ako." Halos pabulong ang pagkakasabi ko.
"Ano iyon?" Tanong niya.
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko sasabihin sa kanya na hindi siya magagalit. Dapat pala ay nag-practice na ako kanina ng sasabihin ko habang natutulog pa siya. Pa'no ba 'to? Ayoko kasing masira ang bakasyon namin at ayokong mawala siya sa akin kaya hindi ko muna sinabi.
I realized I've been so selfish.
"Bakit Alex? Anong problema?" Hinarap niya ako nang hindi pa ako nakapagsalita. Nasa akin na ang buong atensyon niya.
"Hinahanap ka ng hari at reyna." I finally said.
"Ha? Paano mo nalaman?" Napakunot noo siya pagkarinig sa sinabi ko. Hindi siya makapaniwala.
"Sinabi sa akin ni Lady V." Nakayukong sagot ko.
"Kailan niya sinabi sa iyo?" Umaasa sana ako na hindi niya na tatanungin 'yon. Ngayon parang sigurado akong magagalit siya dahil hindi ko agad sinabi sa kanya.
"Bago tayo pumunta ng Batanes." Sagot ko. Napayuko ako at hinintay ang galit niya. Matagal siyang hindi umimik. Naupo lang siya na parang malalim ang iniisip. Halos maiyak ako sa paghihintay ng isasagot niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Nang hindi pa siya nagsalita ay nagpaliwanag na ako.
"I'm sorry Pio. Hindi ko kasi alam kung pa'no ko sasabihin sa 'yo. Tsaka ayokong sirain ang bakasyon natin. I'm so sorry. Hindi ko agad sinabi sa 'yo. Naging makasarili ako." Naiyak na ako nang tuluyan. I've been really selfish and now I have to accept if Pio starts to hate me.
Nananitili siyang nakaupo sa sofa pero hindi pa rin siya sumasagot. Galit nga talaga siguro siya sa akin.
Kahit sino naman siguro magagalit talaga. Pamilya niya 'yon eh. Ano ba kasing naisip ko at ipinagkait ko 'yon kay Pio para lang sa pangsariling kaligayahan ko? Mali talaga ang ginawa ko.
"Pio, magsalita ka naman please. Sabihin mo naman sa 'kin kung galit ka." Umupo ako sa tabi niya at nakiusap. Mas gusto ko pang sigawan niya ako kaysa ganito na hindi siya nagsasalita.
"Alex, hindi ko magawang magalit sa iyo." Sa wakas ay nagsalita na siya. It's like hearing his voice for the first time. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. "Pero bakit hindi mo agad sinabi sa akin?" Dugtong niya.
"Dahil natakot ako na 'pag nalaman mo baka iwan mo na ako." Paliwanag ko. Naiisip ko pa lang ay naiiyak na naman ako. "Pero ngayon kung gusto mo nang umuwi ay hindi kita pipigilan. Sila pa rin ang magulang mo at wala akong karapatan na itago ka sa kanila." Dugtong ko. Sobrang nasaktan ako sa mga sinabi ko dahil 'yon ang totoo. 'Yon ang katotohanan sa likod ng relasyon namin ni Pio.
Ngayon ko lang natanggap na hindi talaga siya para sa mundong ito. Sa simula pa lang alam ko na pero nagmaang-maangan pa ako, nagpumilit na baka pwede pero hindi pala talaga.
"Alex.." Hinawakan niya ako sa kamay at pinilit na humarap sa kanya pero hindi ko siya kayang tignan. Patuloy ang pagbuhos ng luha ko. "Makinig ka sa akin. Hindi ko magagawa iyon sa iyo. Tahan na." At niyakap niya ako at hinalikan sa noo. "Hindi kita iiwan." Pinunasan niya ang luha sa mukha ko at niyakap ako.
"Pero Pio, pa'no—" Nagsimula akong mangatwiran ngunit hinalikan niya ako bago ko pa matapos ang sasabihin ko. Ilang segundo lamang 'yon pero nakalimutan ko na agad ang sasabihin ko sana.
That's how you silence a woman.
"Kakausapin ko sila. Huwag kang mag-alala." Sabi niya at hinalikan niya ulit ako. Unti-unti ay naibsan ang sakit na nararamdaman ko at napalitan ito ng pakiramdam na hindi ko maipaliwanag.
Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin natahimik ang isip ko.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy