I woke up to the sound of my alarm. It's 6am and I have to prepare for work. I've been sick for several days because I guess I've been working so hard lately. Now I'm feeling so much better. I feel like I slept so well. I'm actually excited to get back to work because I missed being at the office.
I went out of my room to prepare my breakfast. Gaah! It always excites me. I can't say I'm a morning person but I love breakfasts! I simply love the rush my morning coffee gives and everything about breakfast. I don't know why but maybe I'm just weird like that... or I've had too much alone time that I enjoy my own company. Anyway, I always like to have a heavy meal in the morning then have lighter meals during lunch and dinner. 'Yon na talaga ang nakasanayan ko.
While cooking, I noticed the door to the room beside mine slightly ajar which reminded me that I must clean that room and convert it to something useful. I still find it weird that there are two rooms in this apartment when I'm the only one living here. It's such a waste of space... and rent. Oh yeah, I remember. I chose this apartment because of the kitchen. I just fell in love with it. It's the best spot in this apartment.
Despite my excitement to get back to work, I kind of feel weird. But I don't know why. Something's off.
I was on my way out of the building when I bumped at someone. He's one of the neighbors, I think, because he looks familiar.
"Uy, sorry." Sabi no'ng lalake pagkabangga sa akin. Medyo nairita nga ako pero okay lang hindi naman kasi ako tumitingin at saka nagmamadali kasi ako.
"Okay lang." Sabi ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad. Male-late na ako. Napasarap kasi 'yong ligo ko kanina. Ikaw ba naman kasing 'di makaligo ng ilang araw dahil sa lagnat.
"Kumusta na nga pala boyfriend mo?" Tanong niya mula sa likod ko.
"Ha?" Sabi ko. Nalito ako 'nong una pero na-gets ko rin. Nice try.Style mo kuya! Hindi ko na siya pinansin dahil nagmamadali na ako. Ayoko pa namang nale-late.
Oh gosh, I missed my office desk, my post-it notes, and my colorful pens! I thought as I enter the taxi. At natawa ako sa sarili ko. Ganito na lang ba talaga ako? Office desk na lang ang nami-miss ko? I should probably do something about this.
"Welcome back, Alex. Okay ka na?" Sinalubong agad ako ni Simon. Na-miss ko rin ang mokong na 'to. Na-miss kong asarin.
"Malamang. Papasok ba ako kung hindi pa?" Sarcastic na sagot ko. I like teasing him.
"'Yan! Diyan ka magaling. Sa pangbabara!" Sagot niya at inakbayan ako. At kinabahan daw ako ng kaunti no'ng umakbay siya sa 'kin.
Aba, Alex. 'Wag kang malisyosa!
"Nakakabobo naman kasi ang tanong mo." I answered and he frowned, possibly offended by my remark. "Tara, kape tayo. Anong bago?"
And he grinned from ear to ear, excited to spill the news.
Hmm.. Parang ang cute ni Simon ngayon.
I felt weird going home to my apartment tonight. Hindi ko maipaliwanag. 'Yong feeling na parang may naiwan akong bagay na hindi ko maalala kung ano. 'Yong parang may nawawalang gamit sa 'kin. Kaya naman pagpasok ko sa apartment, binuksan ko agad ang bag ko at chineck kung may nawawala ba akong gamit. Wala naman. Ang weird talaga. Parang may something pero hindi ko alam kung ano. Tsk. Baka nasobrahan 'yong taas ng lagnat ko no'ng nagkasakit ako at naapektohan ang utak ko. Hala.
Baliw!
Or baka gutom lang ako kaya gumawa ako ng oatmeal at nilagyan ito ng gatas, saging at grapes at saka kumain sa harap TV. Parang ang tagal ko ring hindi nakapanuod ng TV. Ano ba 'to? Bigla ko na naman naramdaman 'yong something weird. Nakakainis. Hindi ko maipaliwanag. May tama na yata 'tong utak ko.
Ano ba 'to? Napakamot na lang ako sa ulo ko at pinagpatuloy ang panunuod ng TV.
I suddenly felt lonely. I feel like there's something missing. Ano nga kasi 'yon? Maybe I should get a dog. Or a cat or... maybe a snake. I've always wanted a pet. Kaso 'wag na lang, hindi ko naman maalagaan at maiiwan ko lang dito sa apartment.
No'ng makaramdam ako ng antok ay naghilamos na ako upang makapagpahinga na. Kaso nawala ang antok ko no'ng naghilamos ako. Ang bopols naman kasi. Dapat kasi kanina pa ako naghilamos, 'yan tuloy.
Nag-browse na lang ako sa Facebook habang nagpapaantok. Hindi ko maalala kung kailan ako huling nag-open ng Facebook account ko. Hindi ko kasi hilig. Minsan o madalas ay naiirita ako sa pinagpo-post ng mga tao. 'Yon bang lahat na lang pino-post. Mga selfie nila na nakakakilabot. Mga status na kung anu-ano basta may maipost lang. 'Yon bang ginawa ng diary ang Facebook. Kairita! Tapos meron namang may kaaway tapos kung anung pinagsasabi sa Facebook. Uyyy! 'Di to sumbungan sa radyo! Kaloka! Meron namang magpo-post ng 'going to the mall' o kaya 'just woke up' or kaya 'may sugat ako' tapos may picture pa. Wow. Kailangan ba talagang i-post 'yon? Ikauunlad ba ng bansa natin 'yon? Ano ba 'yan? Kulang na lang pati pagtae nila i-post pa.
Naku naku. Nakakapanginit ng ulo diba?
Ibinaba ko na lang ang cellphone ko at nagdasal. Lord, gabayan Mo po ako sa kung ano man ang darating sa buhay ko. Ikaw na po ang bahala sa akin. Kaso habang nagdarasal ako, naramdaman ko na naman 'yong you know. Natatakot na tuloy ako.
Lord, nababaliw na po ba ako? Please, 'wag naman po.
Ayoko pang mabaliw. Hindi ko pa nga nahahanap si Mr. Right. Ang lab of my layp. Sayang naman 'tong cupcake ko. Este beauty ko. Waah! Kailangan ko na talaga magkajowa ngayong taon dahil baka next year mabaliw na talaga ako. At anong oras na ba? Hindi na tuloy ako inaantok. Nahiga na lang ako at nag-isip ng kung anu-anong pwedeng isipin ng isang taong nag-iisa sa buhay.
Namimiss ko si Mama at si Papa. Bakit kasi hindi man lang nila ako iniwan ng kapatid? Para may naaasar man lang ako paminsan-minsan. Umuwi kaya ako sa probinsya namin? Ano kaya ang magiging reaksyon ng mga kamag-anak ko dun kapag bigla na lang akong sumulpot? Ang tagal ko na kasi silang hindi nakikita. Siguradong nakakailang na 'yon. Baka nga hindi na nila ako makilala at palayasin pa ako.
Waah! Ano na lang gagawin ko sa buhay ko?
Ang lungkot minsan. Buti pa noong nagdi-DJ pa ako hindi ko masyadong nararamdaman na mag-isa ako kasi halos gabi-gabi akong gumigimik, maraming gig at kahalubilo ang maraming tao. Nakakamiss rin ang ganoon pero ayaw ko naman na ng ganoong buhay. Masaya nga pero nakakasawa rin. 'Yon bang pag-uwi mo mag-isa ka pa rin. Empty. Ganoon. Dramatic.
I feel old.
Makatulog na nga.
***
Pls don't forget to vote, comment and share.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasiaWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy