Chapter 58:

8.6K 236 7
                                    



"Filomino! Hintayin mo ako!" Sigaw ng reyna.

"Huwag! Ayaw kong madamay ka pa. Alex, dito lang kayo. Ako na ang tatapos nito." Sabi sa akin ng hari at saka umalis na kasama ang ilang kawal. Hindi mapakali ang reyna bago siya nakaupo sa trono niya. Kahit ako ay hindi rin mapakali.

"Alex, hindi ko kayang manatili dito habang ang asawa't anak ko ay nasa panganib. Kailangan nila ang tulong ko. Pupuntahan ko sila. Dito ka na lamang."

"Hindi po, sasama po ako sa'yo."

"Pero mapanganib!"

"Mag-iingat po ako." Nagsinungaling ako. Hindi ko alam kung paano mag-ingat sa ganitong sitwasyon. Baka ito na ang ikamatay ko. Bahala na.

"Hay. Sige, pero huwag kang lalayo sa akin." Hindi na ako sumagot. Nagmamadali kaming pumunta sa bulwagan. Halos tumatakbo na kami habang hawak ko ang laylayan ng mahabang damit ng reyna. Hindi na niya napansin dahil malamang sa malaking pag-aalala niya. Nang makarating kami ay akala namin natalo na nila Pio ang mga kalaban ngunit nagkakamali ako.

Hawak na nila ngayon si Pio at ang hari at pareho silang pinabubogbog at sinisipa ng mga kawal ni Amar habang nakatali ang mga kamay. Pareho sila ng hari na nakadapa at nakatali ang dalawang kamay at paa kaya hindi sila makagalaw at hindi rin nila magamit ang kapangyarihan nila. Ang mga kawal ng hari ay nakatali rin at ang iba naman ay walang malay o malamang ay patay na.

Nagtago kami ng reyna sa likod ng malaking haligi bago pa man nila kami nakita. "Mahal na reyna, hawak nila si Pio at ang hari." Pabulong na sabi ko sa kanya. Napaiyak ang reyna. Hindi ko alam ang gagawin ko o kung may magagawa ba ako.

"Nasaan ang reyna?" Narinig naming tanong si Amar sa Hari. Ang boses niya ay umalingawngaw sa bulwagan na ikinagulat namin ng reyna. Nang hindi sumagot ang hari ay sinapa ito ni Amar. Narinig namin ang daing ng hari pero hindi pa rin siya nagsalita. Halos mahimatay ang reyna sa narinig niya.

"Hanapin niyo ang reyna at ang babaeng iyon!" Sigaw ni Amar sa mga kawal niya na siya namang kumaripas. Pag nakita nila kami ay siguradong sasaktan nila kami. Wala akong kapangyarihan. Paano ko sila lalabanan?

"Nasaan ba si Elgor? Hanapin niyo!" Sigaw pa ng hari. Hala, baka napatay ko na si Elgor. Kinilabutan ako pero hindi ko oras ngayon na makonsensya.

Sumilip ako at nakita kong papunta ang mga kawal sa maling lagusan. Doon ako nagkaideya. Pwede kaming lumabas doon at suspresahin si Amar habang kaunti lang ang kawal niya.

"Mahal na reyna, hindi ako sigurado sa naiisip kong gawin pero sa tingin ko wala ng ibang paraan."

"Anong naiisip mo? Sabihin mo sa akin."

"Ang lagusan na iyon, sa likod ni Amar," Sumilip ang reyna. "doon tayo lalabas. Pero paano?"

"Tama, alam ko ang lagusan na karugtong niyan."

"Sandali ho, wala akong kapangyarihan. Paano natin sila lalabanan?"

"Kaya ko silang labanan."

Dahan-dahan kaming pumuslit papunta sa kagubatan hanggang sa makarating kami sa isang maliit na lagusan. Nakatago ito 'di tulad ng ibang lagusan. Bago kami pumasok ay may nakita akong sanga ng kahoy at pinulot ito.

"Alex, dito ka lang sa likod. Ako na ang bahala sa kanila."

"Opo." Pumasok na kami sa lagusan at naglakad. Jusko, sana magtagumpay kami sa gagawin namin. Ewan ko ba pero hindi na ako natatakot. Bahala na. Nasa likod ako ng reyna. Malapit na kami sa dulo ng lagusan kaya itinaas ko na ang sanga na hawak ko. Mabilis ngunit tahimik kaming naglakad, nakikita ko na sila. Si Amar ay nakahawak sa bawyang niya at walang malay na paparating na kami. Walang ano-ano ay tumakbo ako, hawak ang sanga.

"Alex!" Narinig kong pabulong na saway ng reyna pero hindi ko na siya pinakinggan. Bago paman tuluyang makalingon si Amar ay pinukol ko siya sa ulo at natumba siya.

Nagsitakbuhan ang mga kawal ni Amar pero isang galaw ng kamay ng reyna ay nagsiliparan sila. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko pero hindi ko na ito pinansin dahil gumagalaw pa rin si Amar.

"Mamatay ka ng hayop ka!" At pinaghahampas ko ulit siya hanggang sa mamilipit siya sa sakit.

"Alex!" Sigaw ni Pio. Tumakbo ako sa kanya at kinalagan ko siya mula sa pagkakatali. Sobrang higpit ng pagkakatali sa kanya kaya hindi ko siya tuluyang nakalagan. Nag-aalala rin ako na baka makabangon pang muli si Amar kya iniwan ko muna si Pio at pinukpok ulit si Amar. Nakakaramdam na ako ng awa pero kailangan ko itong gawin.

"Utang na loob, mamatay ka na!" May nakita akong tali kaya dali-dali ko itong dinampot at tinali ang kamay niya at ang paa niya. Pagkatapos ay kinalagan ko na si Pio at agad siyang tumayo at tinulungan ang reyna. Kinalagan ko naman ang Hari.

"Alex, bilisan mo." Sabi ng hari. Natataranta na ako dahil nakita kong nagsidatingan na ang ibang kawal ni Amar na inutusan niya kanina. Kasama nila ngayon si Elgor na iika-ikang tumatakbo. Kung normal ang sitwasyong ito ay baka natawa ako sakanya pero binilisan ko na lang ang pagkalag sa tali ng hari at baka makatakas pa si Amar.

Agad na tumayo ang hari nang makaalis siya sa pagkakatali. Isang wagayway ng kamay niya ay tumba na ang mga kawal at si Elgor. Jusko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Totoo nga, makapangyarihan sila. Hindi ako makapaniwalang makikita ko ito sa totong buhay. Manghang-mangha ako muntik ko ng makalimutan ang hostage ko na si Amar.

"Mamatay ka na lang!" Pero hindi pa siya patay. Nanghihina lang siya at hindi makagalaw sa higpit ng pagkakatali ko.

Nang wala ng makatayong kalaban ay kinalagan ni Pio si Ibarro at ang ibang mga kawal at pagkatapos ay pumasok siya sa lagusan. Saan siya pupunta?

"Pio, sa'n ka pupunta?" Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin. Narinig ba niya ako? Akma ko siyang susundan pero pinigilan ako ng reyna.

"Alex, dito ka lang." Sabi ng reyna.

"Pero, si Pio po--"

"Alam niya ang ginagawa niya." Ilang minuto ang nakaraan at lumabas ulit si Pio. Seryoso ang mukha niya nang kinausap niya si Ibarro pagtapos no'n ay lumapit siya sa akin at yumakap.

"Ok ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Tumango lang ako.

"Ikaw?"

"Ok." Sagot niya at ngumiti ako.

Isa-isang pinapasok ng mga kawal ng hari ang mga nanghihinang kawal ni Amar papunta sa lagusan. Si Elgor naman ay nagpupumiglas kahit halatang nanghihina.

"Sinipa ko siya sa ano—" Sabi ko kay Pio at natawa ako. Napangiti rin siya at niyakap ako. Bigla kong naalala si Amar na nasa likod lang namin. Wala siyang kibo dahil hinang-hina siya. Nakonsensya ako.

"Anak.." Nanghihinang tawag ni Amar. "Anak, tulungan mo ako.."

"Sandali na lang, makakasama mo rin ang anak mo at magkasama kayo habambuhay dahil sisiguraduhin kong hindi na kayo makakalabas pa." Sagot ni Pio at saka siya dinampot ng mga kawal para ipasok sa lagusan.

"Saan papunta ang lagusang 'yan?" Tanong ko kay Pio.

"Sa kulungan nila."

"Tapos na ba?" Tanong ko.

"Oo tapos na." Sagot ni Pio.

Bumuntong hininga ako at yumakap sa kanya. 

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon