Chapter 52: Pagbabalik

9.4K 283 7
                                    

Labinlimang taong gulang lamang ako nang iwan ako ng mga magulang ko. Tandang tanda ko pa ang araw na iyon. Sabay silang umalis para pumunta sa kanikanilang trabaho sakay ng kotse habang ako ay naiwan sa bahay kasama ng auntie ko dahil nilalagnat ako noon. Kaalis lang nila ay excited akong umuwi sila dahil alam kong lagi silang may pasalubong sa akin at gusto kong si Mama ang nagaalaga sa akin 'pag may sakit ako. Hinintay ko sila pero hindi na sila nakauwi.

Ang sakit na naramdaman ko noon nang malaman kong naaksidente sina Papa at Mama ay parehas ng nararamdaman ko ngayon.

Did I lose him too?

That was my first thought as I struggle to keep my balance with his seemingly lifeless body leaning on me.

Agad naman sumaklolo sina Ibarro pagkakita nila sa nangyari kay Pio bago pa man ako tuluyang matumba. Ihiniga nila si Pio sa kama habang lahat kami ay natataranta at hindi alam ang gagawin. Noong una ay pansamantala akong natulala at hindi nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakita kong kumaripas ang isang kawal dahil may inutos sa kanya ang reyna na sa tingin ko ay para tumawag siya ng manggagamot.

Nang mahimasmasan ako ay agad ko siyang nilapitan sa hinihigaan niya. Nanlalamig ang katawan niya dahilan para mas lalo akong kabahan. Huli na ba ako? I can't think straight because I was hysterically crying when suddenly I felt the need to check his pulse. His pulse was weak but it was enough to make me wail in relief. Buhay siya. Buhay si Pio. I did not lose him after all.

"Pio? Gising... Please." Marahan ko siyang tinapik sa pingi sa pagbabakasakaling magising siya nito. Humahagulgol ako dahil naalala ko noong huli ko siyang nadatnan na walang malay sa apartment namin. Ayoko nang mangyari ulit 'yon. Hindi ko na kakayanin. Nakita kong umiiyak din ang Reyna at pinapatahan naman siya ni Lady V na alalang-alala rin. Tahol ng tahol si Axel at hindi mapakali na parang alam niya ang nangyayari kay Pio.

"Nawalan lang po siya ng malay." Wika ko at lahat sila ay medyo nakahinga ng maluwag pero hindi pa rin naalis ang pag-aalala sa mukha nila lalo na ag reyna. Nakita kong may sinasabi ang reyna kay Lady V pero hindi ko maintindihan kung ano. Kinakalma naman ni Lady V ang reyna.

"Pio?" Lumapit pa ako sa kanya at bumulong. "Mahal kita.... Gumising ka na oh." Hinalikan ko siya sa noo. Nakakalungkot na kung kailan kami muling nagkita ay ganito naman ang mangyayari sa kanya.

Hindi nagtagal ay dumating ang isang matanda. Siya na marahil ang manggagamot na ipinatawag ng reyna. May mga dala-dala siyang mga maliliit na bote na sa tingin ko ay mga gamot. Mabilis ang lakad niya at agad niyang nilapitan si Pio at pinulsohan din. Seryoso ang mukha niya at nakita kong nangunot ang noo niya habang nakapatong ang kamay niya sa ulo ni Pio. Ganoon ba sila manggamot dito? Duda ako sa paraan niya pero minabuti kong hindi makialam dahil bisita lang naman ako sa mundong ito.

"Dala lamang ito ng matinding pagod, hindi niya pagkain ng maayos at kakulangan sa tulog." Deklara ng matandang manggamot matapos ang kung ano man na ginawa niya kay Pio. "Ikinalulungkot ko mahal na Reyna pero wala akong maitutulong. Kailangan niya lamang kumain ng maayos at magpalakas kundi ay tuluyan siyang...." Hindi niya na tinuloy ng sasabihin niya pero alam ko at sa tingin ko alam na rin nila ang ibig sabihin ng manggamot. "Hintayin na lamang natin siyang magising." Dugtong pa niya. Halatang nadismaya rin ang mangagamot dahil wala siyang magawa para sa Prinsipe nila.

"Ikaw lang ang makakatulong sa kanya." Sabi ng reyna sa akin habang umiiyak. "Ikaw ang kailangan niya."

"Opo.." 'Yon lang ang nasagot ko kahit ang totoo ay hindi ko alam kung sa paanong paraan ako makakatulong.

Hindi nagtagal ay umalis na rin ang manggagamot kasama ang isang engkantada na maghahatid sa kanya. Naiwan kami nina Lady V, ang reyna at sina Alena at Ibarro. Nabalot ang silid ng katahimikan hanggang sa ang reyna na mismo ang nagsalita.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon