Chapter 11: Skinny Dipping

23.9K 751 23
                                    


Paglabas namin sa kwarto, sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Madilim dito ngunit naiilawan nang maraming alitaptap. Nag-adjust pa nang kaunti ang mata ko sa dilim at doon ko naaninag na nasa gubat kami. Paanong naging gubat ang labas ng kwarto niya? Akala ko kasi na nasa loob kami ng isang palasyo. Kinilabutan ako pero sumunod na lang ako.

Na-engkanto nga ako.

"Nasa Baguio ba tayo?" Bulong ko kay Pio. Ang lamig kasi, sobra. Parang ayaw ko na tuloy maligo. Balik na lang kaya kami? Punas-punas na lang ako. 

"Ha? Walang bagyo rito." Nalilitong sagot niya.

"Hay. Wala." Napabuntong hininga na lang ako. Hirap mag-joke sa engkantong 'to.

Napansin kong may nakabuntot sa amin na dalawang lalake na mukhang Royal Guards base sa suot nila. OMG! Huhulihin ba nila ako?

"Psst. Pio!" Sabay palihim kong tinuro ang dalawang lalake.

"Huwag mo silang alalahanin, mga kawal ko sila." Sagot niya nang hindi tumitingin sa akin.

"Ah, ok." Relax, Alex. Walang action scene na magaganap.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa madilim na kagubatan. Itong si Alena naman ay wala lang imik habang naglalakad. Hay. I guess, I'm stuck with these boring people.

Sa dulo ay natatanaw ko na ang ilog. Maliwanag dito at parang enchanted river ang feel. Parang buhay ang kapaligiran. Napakaganda.

Nang makalapit kami ay mas lalo akong namangha. Ang sinag ng buwan ay nasasalamin sa tubig. Ang ilog naman ay parang may kung anong liwanag ang nanggagaling sa ilalim.

"Ang ganda..." Puri ko. Tiningnan ko si Alena at wala man lang itong kareareaksyon. Tiningnan ko rin si Pio at gano'n din siya.

Nanindig ang balahibo ko sa lamig at pati na rin sa pagkamangha.

"Okay lang ba maligo dito pag gabi? Baka maengkanto ako?" Sabi ko kay Pio.

"Nasa mundo ka ng mga Engkanto." Pagtatama ni Pio.

"Ay oo nga pala." Natawa ako dahil nakalimutan ko talaga. Tumingin ako sa tubig at nagdalawang isip kung maliligo ba talaga ako. Ang lamig-lamig. May heater ba 'yong ilog?

"Maligo ka na." Utos niya. Taray! Nagmamadali?

"Sabi ko nga, maliligo na. Manunuod kayo?" Sarcastic na tanong ko.

"Mga kawal." Tumalikod siya at sumenyas ng kamay at tumalikod din ang dalawa. So, dyan lang sila tatayo hanggang matapos ako? Ayos! My engkanto boys!

"Hubarin niyo na po lahat ng kasuotan niyo." Sabi naman sa 'kin ni Alena.

"Ha? Wala bang naninilip dito?" Gusto niya bang mag-skinny dipping ako dito?

"Wala po. Heto, gamitin niyo." At iniabot niya sa akin ang basket na may lamang maliliit na bote na sa tingin ko ay ginagamit sa pagligo. Body wash? Binuksan ko ang isa at inamoy ito. Sobrang bango! Kaso hindi ko alam kung alin ang para sa buhok.

"Samahan mo ako..." Alok ko kay Alena.

"Hindi po maari.." Marahang sagot niya.

"Hayy.. Okay. Dyan ka lang ha.." Hinubad ko na ang mahabang damit at ng ala burlesque. Hindi naman ako nahiya kay Alena dahil yumuko naman siya. 'Wag lang talagang lilingon ang tatlong kolokoy at tsss... magwawala talaga ako!

Inilubog ko ang katawan ko sa ilog at sinubukang lumangoy. Napakasarap ng tubig; tamang-tama lang ang lamig. Usually, hindi ako naliligo sa mga ganito lalo't gabi pero parang nabighani ako sa ganda. Enchanted talaga. Inilublob ko ang ulo ko upang tingnan ang ilalim ng tubig. Like, wow! Hindi ko alam kung saan galing ang liwanag nito. Kasabay kong lumalangoy ang mga makukulay at iba't ibang isda. May sirena kaya dito? Hihi. Feeling diwata naman ang peg ko! Hahaha.

"Ui, Alena, halika.. Ligo tayo. Ang ganda sa ilalim." Pabulong kong alok sa kanya.

"Ikaw na lamang po.." Ngiti niya sa akin.

"Ok.. Sige." Feeling magaling lumangoy ako pero dog-swim lang naman ang alam ko. Buti na lang talaga at mababaw ang ilog na 'to. Lumangoy-langoy pa ako at nagbabad sa tubig. Inilubog ko pa ulit ang sarili ko sa tubig at pinagmasdan ang mga isdang lumalangoy dito. Grabe! Ang ganda talaga!

"Matagal ka pa ba?" Tawag ni Pio mula sa kinatatayuan nila.

Hmp. KJ naman nito, kitang nag-e-enjoy pa ang tao.

"Malapit na po!" Marahang sigaw ko. Kumuha ako mula sa maliit na bote at naglagay sa buhok. Dali-dali akong nagbanlaw dahil baka magalit na ang mahal na prinsipe. Umahon ako at nagpunas gamit ang napakalambot na twalya. Ayan na naman ang lamig! Brrr. Isinuot ko ang damit na iniabot ni Alena at nagulat ako dahil ang ganda ng disenyo nito. Parang gown ng prinsesa at parang isinukat sa 'kin.

Ay, hindi ko na 'to huhubarin! Akin na 'to! Hahaha.

"Tapos na po mahal na prinsipe." Hayag ni Alena at lumingon naman si Pio.

Napakunot ng noo si Pio nang makita ang tuwalyang nakabalot sa buhok ko.

"Ano? Basa pa ang buhok ko eh." Defensive na sabi ko.

Napabuntong hininga na lang siya. "Umalis na tayo rito bago pa may makakita sa atin.."

****

Pagkarating namin sa kwarto ay agad siyang nag-utos kay Alena na kumuha ng pagkain. Agad naman itong sumunod. Hay. Fruit salad na naman ito, pero mas minabuti ko nang hindi magreklamo; buti nga at pinapakain pa ako 'di ba?

Saktong gutom na ako nang dumating si Alena. Pagkalapag niya sa pagkain ay umalis na rin siya. As expected, prutas. Ilang araw pang ganito ang pagkain at mangangayayat na ako. Kumagat ako sa apple.

"So, saan mo ako papatulugin?" Tanong ko sa kanya.

"Dito." Sagot niya.

"Di ba kwarto mo 'to, sa'n ka na matutulog?" Tanong habang pinapapak naman ang ubas.

"Dito rin." Sagot niyang muli.

"Huh?! Bakit? Magkatabi tayong matutulog?!

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon