Isang linggo na ang nakakaraan simula nang pag-uusap namin nina Lady V. Wala naman nangyari, nandito pa rin si Pio pero parang na-trauma ako. Sa tuwing uuwi kasi ako lagi akong nag-aalala na baka pag-dating ko ay wala na siya. Minsan nga para na akong praning dahil tawag lang ako nang tawag kay Pio tuwing breaktime ko na para bang anytime ay tatakbuhan niya ako. Naiinis na nga ako sa sarili ko. Ayoko rin ng ganito pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag-alala.
Minsan naman sobrang moody at matampohin ako at laging si Pio ang napagdidiskitahan ko dahil sino pa ba? Naawa na nga ako sa kanya. Para akong buntis na naglilihi na ewan. Minsan nagtataka ako kung paano ako nasisikmura ni Pio. Mas natatakot na nga ako na baka iwan niya ako hindi dahil sa magulang niya kundi dahil sa ugali ko. Sa sobrang kakaisip ko ay tatlong beses ko nang napapanaginipan ang hari. Hay. Baka mabaliw na ako nito!
Time out! Time out!
Pag-uwi ko galing trabaho ay sinalubong ako ni Pio. Nakangiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya.
Ngayong araw ay nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magiging masungit sa kanya. Babawi ako kay Pio. Hindi na ako magiging praning at ibabalik ko na ang dating Alex.
"Kumusta ang araw mo?" Tanong ko sa kanya at hinalikan ko siya sa pisngi. I'll be extra sweet from now on.
"Maayos naman. Ikaw?" Tanong niya rin.
"Okay rin. Busy kanina sa trabaho. Kumain kana?" Tanong ko, kahit alam kong hindi pa dahil lagi niya akong hinihintay na umuwi at sabay kaming kumakain.
"Hindi pa. Hinihintay kita eh." Sagot niya.
"Tara, kain tayo." Hinila ko siya papunta sa kusina at pinaupo sa silya. "Maupo ka lang diyan. Ako na ang maghahanda." Utos ko sa kanya. Gusto ko siyang pagsilbihan ngayon dahil sabi ko nga 'di ba babawi ako.
"Pero-" Angal niya.
"Walang pero pero, maupo ka lang diyan Prinsipe Pio." Inirapan ko siya at natawa siya.
"Masusunod po mahal na prinsesa." Sagot niya. Napangiti na lang ako. Sa wakas ay magaan na ang pakiramdam ko hindi tulad noong nakaraang linggo na para akong possessive at baliw na girlfriend.
Ang totoo ay nakapagluto na si Pio. Ang gagawin ko na lang talaga ay ihain ang niluto niya sa mesa. Menudo ang niluto niya ngayon dahil alam niyang paborito ko ito. Infairness naman kay Pio, magaling talaga siyang magluto. Hindi mo aakalaing natutunan niya lang iyon sa kakapanood ng cooking shows.
Pagkatapos namin kumain ay niligpit ko na ang kinainan namin. Kahit ayaw niya akong pahugasin ng pinggan ay wala siyang magawa kundi sumunod. Effort kung effort talaga ang lola niyo ngayon. Sa tingin ko nga ay nagtataka na rin siya.
Pagkatapos ko ay nagbihis na rin ako at naghilamos. Tinabihan ko si Pio sa sofa na ngayon ay nanunuod na ng TV. Inakbayan niya agad ako kaya sumandal na rin ako sa dibdib niya at yumakap sa kanya. Sarap ng pandesal.
"Hayun!" Bulalas niya habang nakaturo sa TV. Nagulat ako dahil hindi naman talaga ako nanunuod ng TV, inaamoy ko lang siya. Ang bango kasi.
"Ano? Alin?!" Tanong ko.
"Iyong buhok kasi ng lalake maganda. Gusto ko ng ganoong buhok." Sagot niya. Nakangisi siya.
"Alin? 'Yon?" Tanong ko at tumango siya. Ang tinutukoy niya ay 'yong lalake sa commercial na may katamtamang haba ng buhok at maganda ang pagkakasuklay. Wala naman masyadong istilo pero sa tingin ko para ma-achieve 'yon ay kailangan ng araw-araw na hair styling at sandamakmak na gel. Kumplikado.
"Gusto mo ng gano'ng gupit?" Tanong ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na gusto niyang magpagupit.
"Oo." Sagot niya. Parang excited nga siya.
"Sigurado ka? Ipapagupit mo na 'yang long hair mo?" Tinaas ko ang isang kilay ko.
"Oo. Para maiba naman." Sagot niya at nagpa-cute pa sa akin. Sayang naman 'yong mahaba niyang buhok. Nagagandahan kasi akong tignan lalo na pagnaka-bun siya. Ang hot! Pero kung gusto niya ipagupit eh siya naman ang masusunod. Alangan naman pati 'yon ay pakialaman ko 'di ba?
"Siguradong sigurado?" Tanong ko ulit.
"Oo." Sagot niya na parang nakulitan sa akin.
"Okay, bukas sasamahan kita." I finally said. Excited siya kaya excited na rin ako. Mukhang babagay din naman kasi sa kanya.
Umakbay ulit siya sa akin at bumalik naman ako sa pag-aamoy sa kanya. Parang hindi niya naman napapansin ang totoong ginagawa ko. Para nga akong timang na pangiti-ngiti habang inaamoy siya. Nakakaadik kasi!
Ngayong gabi ay wala akong ibang iisipin. I just wanna spend time with Pio. Kung kukunin nila sa akin si Pio, fine!
Pero sa ngayon akin muna siya.
Please vote, comment and recommend if you liked my story. Thank you all!
Lablab
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy