Binuhat namin ni Pio si Simon at nagsimula kaming maglakad papunta sa apartment ko. Maghahating-gabi na pero may ilan pa rin kaming nadaan na mga nakatambay sa kanto.
"Napakabuti mo talaga Alex, ginawan ka na nga ng masama, tinutulungan mo pa rin." Ani ni Pio.
"Shhh! 'Wag kang maingay dyan baka isipin ng mga tao pinatay natin sya." Pabulong kong sabi sa kanya. May ilang tao kasi sa kalsada ang nakatingin sa amin lalong lalo na kay Pio na nakasuot na naman ng weird niyang outfit.
Binuksan ko ang pinto at tinulungan si Pio na ihiga si Simon sa sofa.
"Tss. Pano ba 'to?" Natataranta ako. Kumuha ako ng maliit na twalya at pinunasan ang dumudugong ilong ni Simon. Kinuha ko ang first aid kit ko at naglagay ng betadine sa cotton at ipinunas ito sa sugat niya. Pagkatapos ay nitakpan ko ito ng gauze.
"Pa'no pag-gising niya? Anong sasabihin ko?" Tanong ko kay Pio. Nag-aalala ako para kay Simon.
"Hindi ka dapat nag-aalala. Siya ang may ginawang masama sa iyo." Sagot ni Pio.
"I know. I know. Kaso pa'no nga?" Galit din ako kay Simon dahil sa ginawa niya. Hindi ko 'yon basta basta makakalimutan, gusto ko nga siyang putulan ng isang daliri o kaya kalbohin para makaganti pero mas nag-aalala ako pagnagising na sya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ire-report ko ba sya o ano? Pa'no pagdating namin sa opisina? I didn't realize that I was pacing back and forth until Pio grabbed my hand and pulled me in his arms.
Nagkatinginan kami at nakalimutan ko ang problema ko kay Simon. Oh Pio! Bakit ang gwapo mo? Mas gwapo pa siya ngayong may kaunting tumutubong balbas sa mukha niya. Matutunaw yata ako sa tingin niya.. and those lips, I can't... I can't stop staring at them.
"Napakatagal nating hindi nagkita." He said as he slightly pinched my right cheek.
"O-oo nga." Nauutal kong sagot.
"Humihingi ako ng kapatawaran para sa nagawa sa iyo ni Ama." Sabi niya habang nakatingin nang diretso sa akin.
"S-sorry din dahil hindi kita pinakinggan at kung nasigawan kita noon." Sagot ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Naririnig niya kaya ito?
"Wala iyon." Sagot niya at hinagkan niya akong muli. Ang sarap sa pakiramdam.
"I waited for you Pio." I whispered.
"Patawarin mo ako Alex. Ikinulong ako ni Ama." Tugon niya.
"Ha? Bakit?" I pulled away.
"Dahil sa ginawa kong paglabag sa kautusan niya."
"Wala ka namang ginawang masama. Tumulong ka lang."
"Kalimutan na natin iyon. Ang mahalaga magkasama na tayo." He pulled me again in his arms.
"Teka? Pa'no mo nga pala ako nasundan dito?" I pulled away again.
"Hinanap kita gamit ang kapangyarihan ko."
"Oh. Yeah. Right." I muttered. Yakap ulit. Nakalimutan kong engkanto nga pala 'tong kaharap ko.
"Ilang araw na kitang sinusundan ngunit nagdalawang isip akong lapitan ka dahil akala ko masaya ka na sa piling niya." Tumingin siya sa walang malay na si Simon.
"No! Nagawa ko lang 'yon dahil gusto na kitang kalimutan pero hi-hindi ko naman magawa. 'Yon ang ikinagalit ni Simon." Sagot ko.
"Bakit mo ako gustong kalimutan?" He held both of my arms and looked at me straight in the eyes.
"Dahil akala ko kinalimutan mo na ako at... at akala ko nag-asawa ka na ng prinsesa." I answered shyly.
"Hindi. Hindi ko magagawa iyon, Alex." Sagot niya at naniwala ako sa kanya. Hindi ko namalayang tumulo ang luha ko. I'm just happy na nandito na sya sa tabi ko.
"Mahal kita Alex." He said with both his hands cupping my face.
"Ma-mahal din kita Pio." Sagot ko habang humahagulgol sa iyak. Ngumiti siya pagkarinig nito.
"Mahal mo ako pero umiiyak ka?"
"Masaya lang ako na nandito ka na."
"Hinding hindi na kita iiwan." Sagot niya.
He is dangerously near and I think he is about to kiss me. This time, hindi na ako magpapakipot pa.
As he was about to kiss me, I saw him snap his fingers for no reason but I decided to ignore it.
And then it happened...
Our first kiss.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy