It has been three months since Pio and I got together. Things were doing great between us. He's been very consistent with taking care of me and showing that he loves me. I try my best to give back for what he has done for me but I find it hard to reciprocate because he's constantly exceeding my expectations. We talk everyday and he's learning from me the same way I am learning from him. I'm proud to say that we have a give-and-take relationship. I'm not saying our relationship is perfect because it's not. We came from two different worlds and it gets difficult sometimes. Believe me, we fight over petty things. Disagreements are not unusual as we are still trying to decipher each other. We've had moments of misunderstanding but we always find ways to resolve the problem at the end of the day. He's not perfect but to me he is the best. He's my prince and I am his princess.
Bongga!
We didn't get to celebrate our first month together though. But it's okay, malamang ay hindi rin naman uso sa kanila ang monthsary. Ano nga ba naman ang monthsary? Bakit ba 'yon nauso? Para lang naman 'yon sa mga mag-syotang hindi umaabot ng isang taon. Sorry, narinig ko lang 'yon sa radyo. May Break-sary pa nga raw eh. Saklap!
Ang mean ko. Sorry. 'Wag naman sana mangyari sa 'min ni Pio 'yon.
I knocked on wood.
Anyway, guess what?
We just arrived here in Batanes! Oh yeah!
I've been planning this trip these last few weeks. Thanks to Lady V, we were able to get Pio some IDs for the flight. I'm pretty sure they're fake but hey, who's complaining? Hindi naman kasi pwede ang pangalan na 'Prinsipe Procopio mula sa kaharian ng Simeria' 'di ba? Anyway, He is now officially Procopio Zamora, a relative of Lady V. Zamora was Lady V's adopted surname that her late husband fixed for her before they got married. Regarding his name naman, there's really nothing I can do about it. Procopio na talaga 'yun. As in forever! Gustohin ko man palitan eh hindi na pwede. Si Lady V kasi ang nag-asikaso ng papeles kaya syempre siya ang masusunod. At siya pa man din ang nagbigay ng pangalan na yan. Kaya, kebs na.
It was actually Pio who gave me the idea of visiting Batanes. Napanuod niya kasi sa TV one time at nagandahan siya. Ako naman, dati na 'kong nakakarinig ng good reviews about Batanes. Kaya 'yun, we decided to go here. We were both so thrilled about this trip when we were just planning it. Kaso si Pio, 'ayun, hanggang ngayon ay nakahiga pa rin sa kama. Masama pa kasi ang pakiramdam niya dahil nagsususuka kanina sa eroplano. Parang bata. Naawa nga ako eh at the same time natatawa. Sorry, Pio.
"Okay ka lang?" I checked on him. Maputla pa rin siya pero hindi na tulad ng kanina na parang wala ng kulay ang mukha niya.
"Oo. Mabuti-buti na ang pakiramdam ko." He smiled weakly.
"Sige, magpahinga ka lang muna d'yan." Sabi ko sa kanya. Naaawa talaga ako kay Pio. Malay ko ba naman kasi na ang Prinsipe ng kagwapuhan ay mahihilohin din pala sa byahe. Itinabi ko muna ang mga bagahe namin para pagmasdan ang magandang view mula sa bintana namin. Tanaw mula dito ang asul na dagat at ang puting dalampasigan. Hindi ako nagkamaling piliin ang lugar na ito para pagbakasyonan. Batanes is indeed a beautiful place.
Maaga pa naman kaya hinayaan ko na lang si Pio na magpahinga. Tsaka wala namin kaming tour package na kinuha kaya hindi kailangan magmadali. Mag-relax. Iyon naman talaga ang ipinunta namin dito.
Pag-harap ko ay nakatulog na nga nang tuluyan si Pio. Dahan-dahan akong nag-ayos ng gamit para hindi ko maistorbo ang tulog niya. Siguro naman mamaya pag-gising niya ay maayos na ang pakiramdam niya. Kahit nga ako ay inaantok din. Ang aga kasi namin pumunta sa airport kanina dahil maaga rin 'yong flight namin.
Nag-desisyon akong mahiga na rin sa kama ko habang naghihintay kay Pio na magising. Nakaharap siya sa akin mula sa kabilang higaan at mahinang humihilik habang nakalaylay ang isang kamay at bahagyang nakabuka ang bibig. Pinagmasdan ko lamang siya habang natutulog. I want to reach out to him and caress his perfectly chiseled face but sleep slowly pulled me away.....
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy