Chapter 5: Naniniwala na ako

26.1K 893 71
                                    


"Pfft. Hahahahaha. Engkantado daw! Ano 'to okay ka fairy ko? Hahahahahahaha! Ay alam ko na 'to, Wow Mali 'to! Na sa'n ang camera? Galing niyo! Convincing! Hahahahahaha!" Hinihintay ko na lang lumabas ang cameraman. Umikot pa ako upang hanapin ang hidden camera pero wala naman. Tiningnan ko siya and he is dead serious. Nakatingin lang siya sa akin.

"Anong nakakatawa?" Seryosong tanong niya.

"Hahaha. Ikaw kasi sabi mo engkanto ka." Sagot ko.

"Dahil iyon ang totoo." Sabi niya. 

"Patunayan mo nga!" Natatawang hamon ko. Ang galing! Sa anong channel kaya to ipapalabas?

Tinuro niya ang telang iniabot niya sa akin kanina. As if on cue, bigla na lang itong lumutang. Isa pala itong robe o long sleeve dress o kung ano mang tawag dito basta may hawig ito sa suot niya. Lumutang ito palapit sa akin hanggang sa isinuot ko na lang ito.

"Shit! Magikero ka!" Sabi ko. Dahil dito kaya nainis siya at biglang tumalikod sa akin.

"Hoy, sandali! Ano nga kasi? Ano ba 'tong lugar na 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi kita pipilitin na maniwala sa sinasabi ko." Sabi niya habang nakatalikod siya sa akin.

"Okay. Okay. Naniniwala na ako!" Sabi ko pero hindi siya sumagot at tiningnan lang ako. He looks dangerously handsome. Gosh! "Akala ko kasi gawa-gawa lang ang mga kwento tungkol sa engkanto. Totoo pala." Sabi ko sa kanya pero medyo nagdududa pa rin  ako. Engkanto? Akala ko ba maliliit silang tao. Ay mali. Dwende naman pala 'yon.

"Uhh.. Kamag-anak niyo ba ang mga dwende?" Hinintay ko siyang sumagot pero wala na naman siyang imik.

"Kapre. Alam mo?" Walang sagot.

"Tikbalang?" Wala pa rin sagot.

"Maligno? Tiyanak? Aswang? Manananggal?" Hahaha. Ano pa ba ang hindi ko nabanggit? "Tuko?"

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo." Sagot niya with a poker face.

"Ano ba pangalan mo?" Tanong ko.

"Procopio."


Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon