It's just my second day here and I'm already meeting the parents? I don't think this is a good idea
The doors open and we are welcomed by the royal guards and servants. The room was of a typical royal palace with high ceilings and red woven carpet. Although I try not to feel intimidated, I still did. I've always thought of myself as a confident woman but not today when I'm about to meet the King and Queen who hate humans!
On the far end of the hallway, I can see two figures who could only be the King and Queen judging from their royal attire. Thank God, it was a very long hallway because boy, I am about to lose my poop here. I need time to relax.
"Pio.. 'Wag mo na kayang sabihin na tao ako." I whispered to Pio.
"Bakit?" Tanong niya.
"Natatakot ako eh." Sagot ko sa kabila ng kabang nararamdaman ko.
"Huwag kang matakot, mabait naman sila." He assured me.
Okay. Hingang malalim. Three. Two. One. Smile.
"Ama. Ina." Bati ni Pio sa kanila sabay yuko at patong ng kamay sa kanyang dibdib. Ginaya ko siya at yumuko rin ako kahit sobrang kinakabahan ako.
"Mahal na Prinsipe, sino ang magandang dilag na kasama mo?" Tanong ng reyna at saka tumingin sa akin. Ngumiti sya at parang nabunutan ako ng tinik. Siguro nga ay mabait sila.
"Mahal kong Ama at Ina, siya po si Alex, isang kaibigan." Pinakilala niya ako sa magulang niya.
"Alex? Kakaiba ang iyong pangalan." Sabi ng hari at saka tumingin sa akin.
"O-opo, mahal na hari." 'yun lang ang nasagot then I smiled nervously.
"Hmm.. Hindi kita kilala. Saang kaharian ka nagmula?" Nakangiting tanong ng hari.
Tiningnan ko si Pio at idinilat ko ang mata ko sakanya para ipahiwatig na kailangan ko ng tulong sa pagsagot. Sinalo niya naman ako.
"Mahal na hari, si Alex ay nagmula sa mundo ng mga tao." Sagot ni Pio.
Hindi sumagot ang hari o ang reyna. Nakita kong nagpalitan sila ng tingin dahilan para kumabog ng malakas ang dibdib ko. Their expression changed from pleasant to unreadable.
"Mula sa mundo ng mga tao?!" Galit na tanong ng hari.
"Mahal na hari, si Alex ay---" Sagot sana ni Pio.
"Procopio! Ano bang pumasok sa isip mo at nagdala ka ng tao dito? Alam mong mahigpit kong ipinagbabawala iyan!" Sigaw ng hari.
"Pero Ama, tinulongan ko lamang si Alex mula sa masasamang loob." Depensa ni Pio. Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba.
"Nakalimutan mo na ba ang kwento ko sa iyo noong may iniligtas akong tao. Tinulongan ko pero pagkatapos ay trinaydor ang kaharian!"
"Pero ama, hindi ganoon si Alex. Mabuti siyang tao." Pagtatanggol pa sa akin ni Pio.
"Mabuting tao? Pare-pareho lang ang mga tao! Lahat sila mga sinungaling, sakim at magnanakaw!" Bulyaw ng hari. Masyado akong nasaktan sa sinabi niyang ito kaya hindi ko na napigilan at napaiyak na ako.
"Ama, hindi siya ganiyan!" Giit pa ni Pio.
"Paalisin mo ang taong iyan ngayon mismo! Ayaw kong makita ng ibang engkantado na may nakapasok ditong masamang nilalang!" Sigaw pa ng Hari.
"Ama, pakiusap. Pakinggan ninyo ako!" Pakiusap ni Pio sa ama niya.
Umiyak na lang ako nang umiyak. Gusto kong sigawan ang hari pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko.
Hindi pa yata siya nakontento at sinigawan pa ako sa mukha ko, "Umalis ka na ngayon din sa kahariang ito! Magnanakaw! Arsenio! Buksan mo ngayon ang lagusan at paalisan ang hampas lupang ito!" Utos niya.
Sobra na. Sobra na ito. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko. Akala ko ay mabait sila. Hindi pala. Nagkamali ako. Hindi ako dapat nakinig kay Pio.
Tumakbo na ako palabas ng palasyo habang si Pio naman ay humahabol sa akin.
"Alex, sandali! Patawarin mo ako."
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy