"What? Bakit po, anong nangyari kay Pio?" Agad na tanong ko kay Lady V. Bakit naman ako kailangan ng reyna ng Simeria? Ano na naman ba ang ginawa ko? Nanahimik na nga ako 'di ba?
"Do you want to see him?" She asked me as if she didn't hear my questions. Her face is serious.
"Opo. Oo naman po. Nasa'n po siya?" Tanong ko ulit. Wala naman nagbago sa nararamdaman ko para kay Pio. Mahal ko pa rin siya. Parang hindi ako nakalimot. Sana gano'n din siya.
"Grab your things." Utos niya sa akin. Hindi na naman niya sinagot ang tanong ko. Pero kahit na madaming tanong ang tumatakbo sa isip ko ngayon ay sumunod na lang ako. Sa tono kasi ng boses ni Lady V ay parang urgent at kailangan na naming umalis ngayon papunta sa kung saan na hindi ko alam.
Mabilis akong nagbihis at kumuha ng ilang damit at inilagay ito sa backpack. Ipinusod ko ang buhok ko at nagsuot ng jacket at agad na lumabas sa kwarto ko.
"Ready na po ako. Saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"Let's go." Sabi niya na parang walang narinig.
Madalian kong inayos ang mga maiiwan ko at itinapon ang mga kalat na pinagkainan ko kanina. Pagkatapos ay dinampot ko si Axel na tahimik lang at parang inaantok na.
Tahimik kaming lumulan sa sasakyan na agad namang umandar pagkasakay namin. Ayaw ko sanang maging makulit pero hindi ko matiis. Gusto kong sagutin ni Lady V ang kahit isa sa mga tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon.
"Please tell me where we're going." Pakiusap ko sa kanya.
"Sa Tagaytay." Walang pasubaling sagot niya.
Gusto ko pang magtanong pero naisip kong hintayin na lang na makarating kami sa Tagaytay. Malayo pa ang byahe kaya gusto ko sanang makipagkwentuhan kay Lady V pero tahimik lang siya sa tabi ko. Sa pagitan namin ay si Axel na tila tulog na.
Nandoon kaya si Pio? Hindi ako mapakali, excited na akong makita siya. Akala ko kasi hindi na kami magkikita ulit. Sana ay wala namang nangyaring masama sa kanya. Kung sakali man na nandoon siya at ang reyna, siguradong nandoon din ang hari. Maha-highblood na naman 'yon kapag nakita niya ako. Pakialam ko ba sa kanya, ang reyna kaya ang nagpapunta sa akin. Between them, parang mas nakakaintindi naman ang reyna.
Kahit ano pa ang mangyari, handa naman ako. Basta makita ko lang talaga si Pio.
Hindi ako natulog sa buong byahe pappuntang Tagaytay kahit na sinasabihan ako ni Lady V na magpahinga muna. Hindi ko magawang antokin kahit ang totoo pagod na pagod ako simula kaninang umaga.
Papasok pa lang ang sasakyan sa mansyon ni Lady V ay mas lalo pa akong nabuhayan. Just being in this place reminds me so much of Pio. Is he waiting for me inside? Mahal pa ba niya ako. Kasi ako, oo. Walang nagbago.
Pagbaba namin ay agad akong pumasok sa mansyon sa pag-aakalang naghihintay sa akin si Pio sa loob. Pero walang ibang tao doon. Wala man lang kasambahay, malamang dahil maghahating gabi na nang makarating kami.
"Nasaan po sila?" Tanong ko kay Lady V.
"Nasa Simeria. Pupunta tayo doon ngayon."
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy