Chapter 10: Awkward moment

25K 836 17
                                    


Hindi ko alam kung sinong Santo ang sumapi sa akin ngayon. Mama Mary ikaw ba yan?

Usually, I would throw myself at anyone who showed interest in me. Kahit minsan ang totoo pagnanasa lang ang pinapakita nila sa 'kin. Hungry for love nga 'di ba? Pero this time, hindi ko alam kung anong nangyari sa 'kin at nagpakipot ako. Mukha naman totoo ang sinabi niya. But one could never be sure, right? He could be playing tricks on me. He is engkanto, after all. Pero 'di ba sabi niya hindi raw nagsisinungaling ang mga engkanto? Hayy, sayang naman ng pagkakataon na ma-kiss ko siya. haha.

Pero mabuti na rin siguro 'yon at baka kung nahalikan niya ako ay ma-carried away ako at maibigay ko ang Bataan. No. No. No. Hindi pwede. Mahirap na 'no. The last thing I want ay ang umuwi sa mundo ko na buntis. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa 'kin. Na nag-Immaculate Concepcion ako? Ayoko! Ayoko maging putok sa buho ang anak ko. Waaah!!!

Ano ba 'tong pinag-iisip ko, para kiss lang eh. Daming alam!

Awkward tuloy. Pa'no ba 'to?

"Ah, Pio. Sorry ha. Hindi pa kasi ako handa para sa ganito. Hindi pa kasi kita gaanong kilala." Pagpapaliwanag ko sa kanya. 'Yong totoo 'te? Hindi talaga handa?

"Huwag mong ipag-alala iyon..." At lumabas siya sa magic pinto. Hala, nag-walk-out?

Hay naku naman kasi. Hindi ako nainform na may gano'ng event. Di pa ako nakapag-toothbrush! Nyahaha. 'Yon talaga 'yong rason kaya nagpigil ako. Hahaha. Pero seriously, ayoko magmadali this time. Charaught.

Naalala ko bigla 'yong bag ko. 'Asan ba 'yon? May toothbrush ako 'dun eh. Makapag-toothbrush nga. Haha. Nakita ko ito sa sahig malapit sa oversized bed. I checked my phone pero wala, dead batt ito pero ang tanda ko nai-full charge ko naman ito bago ako gumimik. Hmmm.. Pati ipad ko dead batt din. Hay. Wala man lang mapaglibangan dito. Nahiga ako sa kama ta pinagmasdan ang kakaiba at kumikinang na dingding. Naisip ko lang, pa'no kung di na ako balikan ni Pio dahil napahiya siya. Malapit nang mawala ang epekto ng prutas na kinain ko! Magugutom na naman ako.

****

Pagmulat ko, perfect na mukha agad ni Pio ang nakita ko. Nakatulog pala ako.

"Nasa langit na ba ako?" Tanong ko.

"Nandito ka sa Kaharian ng Simeria." Ngek. Alam ko. Para nagjo-joke eh.

"Akala ko hindi mo na ako babalikan." Isinubsob ko ang mukha ko sa malambot na unan dahil gusto ko lang mag-inarte tsaka nahihiya ako sa kanya.

"Hindi ko magagawa iyon sa iyo." He paused. "Pagpasensyahan mo na ang inasal ko kanina." Humarap ako sa kanya.

"Wala 'yon." Sagot ko pero tinakpan ko ang bibig ko ng unan kasi nga hindi pa ako nagtu-toothbrush. Baka mahimatay si pogi. Hahaha. Hindi ko naman kasi alam kung saan ang banyo dito. 

"Pwede na ba akong umuwi?" Sunod na tanong ko.

"Hindi pa nagbubukas ang lagusan." Agad na sagot niya.

"Ahh.. Ganon ba.. Saan na lang tuloy ako pwede maligo?"

"Doon sa ilog. Pero mamaya ka pa puwedeng lumabas 'pag tulog na ang buong kaharian."

"Sa ilog?" Seryoso ba siya?

"Oo." OMG! Tabing ilog ang peg ko nito. Hindi pa naman ako marunong lumangoy.

"Pano kung malunod ako? Hindi ako marunong lumangoy." Sabi ko sa kanya.

"Mababaw lamang iyon." Aniya.

"Ah ok. Matagal pa ba? Nangangati na ko dito sa pinasuot mo eh. Pwede humingi ng bago?" Hehe. Ang kapal ng fes ko.

"Pagtulog na ang lahat. Sige, ipakukuha kita." Muli siyang lumabas para siguro ay kunin ito. Akalain mong nauutausan ko ang Prinsipeng ito. Hahaha. Haba ng hair ko, papagupit ako pag-uwi ko. Hahaha.

Pagpasok niya, may nakasunod sa kanyang  babae na may dala-dalang basket. Nagulat ako kaya agad kong tinakpan ang tenga ko dahil naalala ako ang sinabi ni Pio kanina.

"Huwag kang mag-alala. Siya si Alena. Tapat siyang naglilingkod sa akin." Napataas ako ng kilay. Nakaramdam ako agad ng selos. What? Selos ba talaga? Tiningnan ko ang babae. Maamo rin ang mukha nito at parang hindi nagkakalayo ang edad namin. Hmp. Maganda siya, in fairness.

"Talaga?" Malamig ang tono ko.

"Oo. May dala siyang bagong damit at kung ano pang kailangan mo."

"Sige, salamat." Tiningnan ko lamang ang babae. This is a competition. Huh!

"Maaari ka nang lumabas." Hudyat ni Pio.

Inakay ako ng babae at sumunod kami kay Pio. Nagbukas naman ang pinto. Excited ako dahil first time kong lalabas sa kwartong ito. Ano kaya ang itsura ng sinasabi niyang Simeria?

---

Pls. vote. Lab lab <3

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon