Chapter 33: Storm is Brewing

13.7K 476 7
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming pumunta sa bahay ni Lady V. Ayaw nga sana ni Pio pero ako na ang nagpumilit na pumunta kami. Kailangan ko rin naman ng kasagutan mula mismo kay Lady V at hindi ko 'yon makukuha kung maghapon lang kaming nakatunganga sa apartment. Wala akong imik sa byahe habang nag-iisip ng mga pwedeng kahantungan namin ni Pio. Ang dami kasing pwedeng mangyari. Pwedeng sapian ng mabuting ispirito ang hari at bumait tsaka pumayag na manatili dito si Pio; pwede rin na basta na lang nilang kunin si Pio; pwede rin naman magalit ang hari at lusobin ako sa apartment namin at isumpa ako; at pwede rin na isumpa niya kaming dalawa ni Pio. 'Yon ang worst case scenario.

Napapikit na lang ako dahil sa mga naiisip ko.

Mabuti nalang at mabilis ang takbo ng sasakyan at naalog ang utak ko na kanina pa gumagana. Si Pio naman ay natutulog lang habang nakasandal sa balikat ko. Kahit nangangalay na ang balikat ko sa bigat niya ay tiniis ko na lang dahil baka huling beses ko na na mararamdaman 'to.

Tiningnan ko si Pio na payapang natutulog. Parang wala lang sa kanya na hinahanap siya ng magulang niya samantalang ako parang mababaliw na ako kakaisip dito. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil nababagabag ako. Kahit naman kasi ayaw niyang umuwi sa kaharian nila wala rin siyang magagawa kung kagustuhan na mismo ng magulang niya na iuwi siya. At ako, pa'no ako? Wala naman akong magagawa dahil isang hamak na tao lang naman ako. Wala akong kapangyarihan. Wala akong maipagmamalaki.

Naramdaman kong tumulo ang luha ko pero hindi ako nagpahalata at dahan-dahan kong pinunas ito. Ayokong makita niyang umiiyak na naman ako. Kailangan kong maging malakas dahil sa nakikita ko ako ang magiging kawawa dito. Ito ang hirap kapag nagmamahal, laging may nasasaktan. Pero kung uulitin ang lahat, si Pio pa rin ang pipiliin kong mahalin. Wala akong pinagsisisihan.

Teka, bakit ang drama ko na naman? Wala pa ngang nangyayari 'di ba? Ewan ko ba... It's either I'm over-reacting or over-thinking. Or both.

Sa sobrang pagod ko kakaisip ay nakatulog din ako. Pag-gising ko ako naman ang nakasandal kay Pio habang hawak niya ang kamay ko. Nginitian niya lamang ako ngunit wala siyang sinabi.

Malapit na kaming bumaba.

Habang papalapit kami sa bahay ni Lady V ay mas lalo akong kinakabahan. Ano kaya ang matutuklasan namin? Naalala ko na hindi nga pala ako nagpasabi kay Lady V na darating kami.  Too late dahil nandito na kami sa harap ng mansion niya at pinagbuksan na kami ng gate. Napansin kong mas dumami yata ang guards niya ngayon kumpara noong huli kaming pumunta dito.

Sinalubong kami ni Jen, ang assistant ng tiyahin ni Pio. "Good morning ma'am, sir, we weren't expecting you." Bati niya. Pagtingin niya kay Pio ay napayuko siya. Gano'n ba ka-intimidating si Pio?

"I know. It's, it's uhh.. important." Parang nabubulol tuloy ako sa sobrang kaba. "Nandito ba si Lady V?" Tanong ko.

"Yes, ma'am, nagbibihis lang po." Sagot niya. Hindi na ako naghintay na paupoin niya kami at talagang dumiretso na ako sa sala habang nakasunod sa akin si Pio. Hindi na ako mapakali eh. Gusto ko nang malaman kung ano ba ang mangyayari. Kung kukunin na ba nila sa akin si Pio o ano? Parang handa akong makipag-away ngayon sa lagay ko pero alam kong wala naman akong ibubuga sa mga engkanto. Napagisip-isip ko na ang OA ko na pala.

Sorry naman, inlove eh...

"What are you doing here?" A voice hissed at us. It could only be Lady V's voice. Pag-harap namin ay wala na ang mga alalay niya at kami na lang tatlo ang natitira sa living room.

"We... uhh.. came to see you." I struggled to say the words.

"What were you thinking? You didn't even call!" Galit na sabi niya. Bakit? Ano bang ginawa ko?

"I'm sorry." Sagot ko kahit hindi ko alam kung bakit nagagalit siya. Galit ba siya dahil nandito kami? 'Di ba sabi niya naman bisitahin namin siya ulit?

"Hindi dapat kayo nagpunta rito!" Sabi niya. She looks really worried. Bakit kaya?

"Bakit po? May itatanong lang—"

"Alex, bukas ngayon ang lagusan! They could be here anytime. Simula nang pumunta ang Hari at Reyna dito ay hindi na nagsara ang lagusan na 'yan." Sagot niya. "What were you thinking? I lied to my own brother to protect you and now, you're here! You're unbelievable!" Pangaral niya sa akin.

"Ano po ba ang sinabi ni Ama at Ina?" Tanong ni Pio. Sa wakas ay nagsalita rin siya dahil kanina pa ako dito naninigas sa kaba tapos sinisermonan pa ako ng tiyahin niya.

"Tinanong niya kung napadpad ka ba dito. Sabi ko hindi..." Sagot niya. "Nagsinungaling ako sa sarili kong kapatid!" Dugtong niya. Kahit yata siya ay kinakabahan dahil pabalik-balik siyang naglakad sa sala.

"I'm sorry Lady V. Hindi mo naman po kasi sinabi na 'wag kaming pumunta dito." Katwiran ko. Kahit ako ay naiinis sa sinagot ko.

"Well, I thought you're smart enough not to come here after what I just told you." She snorted. She has a point.

"I could be stupid sometimes." I half joked.

"Stop joking Alex!" She shot me a look. "Gusto mo na bang umuwi?" She directed the question to Pio. I looked at him and waited for his reply.

Umiling-iling siya. "Ayaw ko. Hindi ko kayang iwan si Alex." Sagot niya.

"Then I suggest that you both should leave! They're looking for you." She said urgently. "Ipahahatid ko kayo." Sabi niya. "Jen!" She called for her assistant.  "Ipahatid mo sila kay Leonard." She ordered her when she appeared behind the door.

Dali-dali ay tumayo kami ni Pio sa kinauupuan namin na para bang may paparating na kalaban. Niyakap ako ni Lady V at bumulong ako sa kanya ng, "Thank you." She looked at me like she really cared for me. I am deeply moved by the way she showed her concern for me and for us.

Ihinatid niya kami sa labas at nandoon na nga naghihintay ang sasakyan. Nauna akong pumasok sa sasakyan ngunit si Pio ay naiwan pa sa labas na bahagyang nakayap kay Lady V. Sa tingin ko ay nagpapaalam siya pero napansin kong may ibinubulong siya sa kanya. Nakita ko lang na tumango si Lady V kay Pio.

Hindi rin nagtagal ay pumasok na si Pio sa sasakyan. Nakita kong kumaway si Lady V at malungkot na ngumiti sa amin. Malaki ang pasasalamat ko kay Lady V dahil hindi niya kami sinumbong sa kapatid niya.

Now, things just got instantly serious. Dati ay parang nag-o-over-react lang ako pero ngayon totoo na ang lahat ng kinakatakutan ko. Labing limang minuto lang yata kaming tumagal doon sa bahay ni Lady V pero parang isang oras na akong nate-tense. Nahalata yata ni Pio kaya hinawakan niya ang kamay ko.

"Huwag kang mag-alala Alex." He assured me pero walang epekto sa akin 'yon.

Naisip ko na lang kung ilang oras o araw na lang ba bago nila mahanap si Pio at ilayo sa akin. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko sa mga mangyayari.



Please vote, comment and recommend if you liked my story. Thanks!

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon