It's been a month since Pio became my boyfriend and I've never been happier since then.
Last night, I told him that today is our first month together. I also told him what monthsary meant for humans and he was thrilled about the idea. Today, he woke up really early because he cooked breakfast for me.
Na-master niya na ang pagluluto ng sunny side up at iba pang mga lutuin. Ang bilis natuto ni Pio. As in. In a matter of days alam niya na kung pa'no mag-internet kahit basic lang 'yong tinuro ko sa kanya. He loves Google too. Tuwang-tuwa siya dahil nandoon daw ang lahat nang maisip niyang itanong. Ang bilis niyang naka-adapt. Minsan nakakalimutan ko na na engkanto nga pala siya. Natatawa nga ako minsan kasi nag-eenglish na rin at with accent pa. Dahil lang sa kakapanuod niya ng movies. Wala na rin 'yong old tagalog accent niya. Ang dami na niyang alam. I'm actually a bit worried.
Habang nagluluto siya. May binanggit siya sa 'kin..
"Alam mo 'nong isang linggo nang wala ka, lumabas ako para magtapon ng basura. Nakasabay ko 'yong magandang babae d'yan na kapitbahay na 'tin. Mabait siya. Inimbitahan niya ako sa loob ng apartment niya. Gusto niya raw akong maging kaibigan.."
What? Hindi ako makapaniwalang maririnig ko ito mula kay Pio. Nag-init ang mukha ko sa galit. Peste. Sinong malanding babae naman 'yon? Kilala ko naman lahat ng mga kapitbahay namin dito.
"Oh anong sinabi mo?" Iritadong tanong ko.
"Sabi ko, 'sige'." Sagot ni Pio, sabay ngisi pa siya na parang wala lang.
"Ah talaga?" Nagsisimula na akong manggigigil sa galit. Parang gusto kong buhusan ng kapeng tinitimpla ko si Pio pero pinigilan ko ang sarili ko. "Oh tapos anong ginawa niyo?"
"Wala, nanuod lang kami ng TV. Masaya rin siyang kausap. Hinawakan niya ang kamay ko." Sabi pa niya.
At talagang malandi yang babaeng yan. "Ah ganon? Hinawakan lang ang kamay mo, masaya ka na? Ok na?! Hindi mo man lang ba naisip ang mararamdaman ko ha, Pio? Niloloko mo ba ako?"
"Hindi.." Maiksing sagot niya na hindi man lang tumingin sa 'kin.
"Eh ano sa tingin mo ang ginawa mo?" Galit na tanong ko.
"Nagluluto." Sagot niya. How dare he-! Pinipilosopo na niya ako ngayon.
"Ilang beses na 'tong nangyari?"
"Mga lima siguro."
"What? Lima! And you didn't tell me? What the hell, Pio?!" I started to raise my voice.
"Bakit ka sumisigaw?"
"So, kapag wala pala ako nando'n ka?"
"Oo." Sagot niya. I am really furious! He didn't even bother to explain. Oo lang ang sagot niya.
"Ah gano'n?! You know what, you're an asshole!"
Parang umiikot ang paningin ko sa inis. Sa sobrang galit ko, nag-walkout ako at dali-daling pumasok sa trabaho. Ni hindi ko kinain ang pinaghanda niya. Nawalan akong ganang kumain. Bwiseeeet! Naiiyak ako sa sobrang galit. Ngayon pa talaga na first month namin. How could he do this to me? I thought he's different. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Hindi maganda ang mga natututunan niya sa mga pinapanuod niya. Baka maging tulad na rin siya ng ibang lalakeng manloloko.
Pagdating ko naman sa trabaho, hindi ako mapakali. I can't believe this is happening to me. Again! Hindi tuloy ako makapagtrabaho nang maayos. Naisipan kong umuwi nang tanghali para kumprontahin si Pio dahil hindi ko na matiis. Parang sasabog ako sa galit. Grrr!
Pagdating ko, bukas ang pinto.. Malakas ang tunog ng TV.
Then I saw Pio kissing another woman.
"What the--? Piooo!" Sigaw ko.
Nagising akong humahagulgol. Si Pio naman patakbong pumasok sa kwarto ko na alalang-alala ang itsura. He rushed beside me.
"Bakit? Anong nangyari sa iyo?" Alalang tanong niya habang pinupunas ang mga luha ko.
"Ma-masamang panaginip lang." Sagot ko. Malakas pa rin ang hikbi ko.
"Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo." He sighed with relief as he pulled me in his arms. "Tahan na, nandito lang ako."
I clung to him unable to speak. It was only just a dream, a bad dream. Thank goodness.
--
So, ano? Nagustuhan niyo ba ang bad boy na Pio? Hahahaha
Pls. Comment and like. Lab lab <3
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy