Chapter 37: Another Visitor

13.9K 454 17
                                    

Matapos ang pag-uusap namin ay nagpasya na rin ang dalawa naming bisitang engkanto na umalis at bumalik sa Simeria kung saan naghihintay ang mga magulang ni Pio ng balita tungkol sa kanya.  Malaki ang tiwala ni Pio sa kanila kaya wala akong ibang choice kundi magtiwala na rin na hindi nila ituturo ang kinaroroonan namin ni Pio. Gusto nga sana namin silang ihatid pero iginiit nila na dumito na lang kami sa apartment at 'wag muna maglalalabas. So, kami ni Pio ay naiwan na tahimik at nakaupo lang sa sofa na parang naiwanan kami ng last trip ng bus. Alam kong pareho ang tumatakbo sa isipan namin ngayon kaya hinayaan ko na lang ang katahimikan na panandaliang bumalot sa pagitan naming dalawa. Napakakumplikado naman kasi ng sitwasyon na ito. Para akong nakikipag-agawan sa mga magulang ni Pio. Na hindi naman sana dapat.

"Pio, sigurado ka ba na ayaw mong umuwi?" Hindi ko na natiis at binasag ko na ang katahimikan.

 "Sigurado ako. Bakit mo natanong?" Tanong niya.

"Wala lang." Sabi ko. Sumandal ako sa balikat niya at nagpatuloy. "Gusto ko lang malaman mo na kung gusto mo nang umuwi ay maiintindihan ko naman."

Pagkarinig niya no'n ay hinarap niya ako at inilapit ang mukha niya sa akin habang hawak ang magkabila kong pisngi. Kinabahan ako sa sobrang lapit namin. "Alex,  napag-usapan na natin ito. Hindi ba? Huwag kang mag-alala. Maayos din ang lahat." Wika niya sabay halik sa noo ko. As usual, he's always the cool guy. Pero kahit gano'n, alam kong nababahala rin siya sa binalita ng dalawa kanina. Kung bakit naman kasi ganito pa ang nangyayari? Ngayon na nga lang may nagmahal sa akin ng totoo tapos may panira pa.

Please.. Universe! Kampihan mo naman ako!

"Sana nga.." Sagot ko na lang at pilit ko siyang nginitian. I tried to be cheerful kahit ang totoo hindi ko alam kung pa'no ako magkakaroon ng peace of mind sa mga oras na ganito. Naisip ko na lang na wala naman magagawa ang pag-alala ko, mas lalo ko lang ini-stress ang sarili ko.

Hmp. Baka ito na ang maging sanhi ng pag-panget ko. Waah!

"Tara, maglakad-lakad nga tayo!" Alok ko sa kanya. Alam kong hindi magandang ideya na maglalalabas kami ni Pio lalo ngayong may mga nag-hahanap sa kanya kaso alangan naman na ikulong ko siya dito. Tsaka parang konting-konti na lang maloloka na ako. Kailangan ko yata makasagap ng kaunting polusyon. Haha. "Magbibihis lang ako." Dugtong ko nang hindi ko siya narinig na umangal.

"Sige." Sagot niya. Nakita ko ang tuwa sa mata niya nang sumagot siya. Siguro ay gusto niya rin talagang lumabas pero nahihiya lang siyang magsabi sa 'kin.

Pumasok ako sa kwarto at agad na nagbihis. Nagsuot ako ng pantalon, T-shirt at nagpulbo ng kaunti and voila! I'm ready to go. Paglabas ko ng kwarto, ready na rin si Pio. Nakangiti siya sa akin. Gosh, makita ko lang ang nakangiti niyang mukha okay na ako.

Naglakad kami at nagkwentuhan habang magkahawak ang kamay. Kinalimutan muna namin ang tungkol sa magulang niya at nagkwentuhan na parang normal lang ang lahat. Na parang walang sagabal sa relasyon naming dalawa. Sana ganito na lang palagi, walang iniisip, walang kumokontra para everybody happy. Pero hindi eh..

Hindi ko tuloy napigilan, nakatatlong kwek-kwek ako. Dala na rin siguro ng stress 'to.


Makalipas ang ilang araw, nakatanggap ako ng tawag mula kay Lady V na gusto niyang bumisita sa apartment namin. Ibinigay ko naman sa kanya ang address dahil bukas daw siya pupunta dito. No'ng una ay natuwa ako dahil sa wakas ay siya naman ang dumalaw sa amin. Siya lang kasi ang pinakamalapit sa amin ni Pio. Parang nanay na rin namin siya. Pero 'di kalaunan ay nagtaka na ako kung bakit bigla niyang naisipan na bumisita sa 'min. I mean, happen to know for a fact kasi na hindi siya madalas lumabas mula sa mansion niya. Hmm..

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon