Chapter 13: Saan tayo pupunta?

24K 676 43
                                    


Pag-gising ko, hinanap ko agad si Pio ngunit wala siya sa kwarto. Pangalawang araw ko na ngayon dito sa Simeria. Pangalawang araw nga ba? Parang ang dami ng nangyari.

May nakahandang pagkain, as usual prutas, sa kabilang dulo ng higaan. Inabot ko ito at naupo ako sa kama upang mag-isip-isip. Uminom muna ako ng tubig.

Last night was a bit of a disappointment. Pero tama na rin siguro 'yon. Mahirap din kasi ang set-up na ganito. Kung sakaling manligaw sya at maging kami, pa'no naman 'yon? Hindi siya tao tsaka magkaiba ang mundo namin. Hindi naman ako pwedeng tumira dito at mas lalo namang hindi siya pwede sa mundo ko. It's complicated. Hindi pa nga nagsisimula parang 'the end' na agad.

Nakita kong nag-appear ang pinto at pumasok si Pio. He greeted me with a big smile.

"Mabuti at gising ka na. May naisip ako." Sabi niya sabay ngisi. Naupo siya sa tabi ko. Kakaiba ang aura niya ngayon. Ibang iba sa sersoyong prinsipe na nakilala ko kahapon.

"Hmm. Anong naiisip mo?" I was eager to know.

"Gusto mo bang makita ang kaharian?" He asked with a hint of enthusiasm in his eyes.

"Oo naman." Agad na sagot ko.

"Ganito.. Magkukunwari kang bisita ko mula sa ibang kaharian." Excited na sabi niya.

"Ha? Baka mahuli ako." Nagdalawang-isip ako.

"Hindi... Sandali." At agad siyang lumabas.

Pagbalik niya ay kasama niya si Alena na may dala-dala na namang basket.

"Tutulungan ka ni Alena na mag-ayos. Iwan ko muna kayo." At lumabas na naman siya. He seems happy. Napano 'yon?

"Anong nakain no'n?" Tanong ko sa kanya.

"Mansanas po." Isa rin to eh, napaka-literal. Pinigilan ko na lang na matawa. Nakakaloka kasi!

Inabot niya ang tela mula sa basket at binuklat ito. Isa itong gray long-sleeved gown na tulad ng suot ko pero mas magara ito. Konserbatibo ang disenyo nito pero napakaganda ng bead-work. Nang tiningnan ko sa malapitan napansin ko na maliliit na gems pala ito. I wonder kung saan gawa ang gown na 'to.

"Wow. Ang ganda naman nito." Puri ko sa gown.

"Ito po ang susuotin niyo." Tugon ni Alena.

"Kelan?"

"Ngayon po."

"Ha? Eh kabibihis ko lang kagabi eh. Tsaka maganda naman 'tong suot ko."

"Utos po ng mahal na Prinsipe." 

"Hm. Okay." Sumunod na lang ako. Sinuot ko ito at kumasya naman sa akin. Medyo mahaba nga lang. As in sayad sa lupa. May train pa ito sa likod. Parang reyna lang ang peg.

"Ganito ba talaga kayo manamit dito? Para naman akong ikakasal nito eh." Sabi ko kay Alena. Gusto ko siyang makakwentohan pero parang nag-aalangan siya.

"Ganyan po manamit ang mga maharlikang engkatada." Sagot niya.

"Ah gano'n ba.." Sagot ko. So, today, I'm going for the rich-fairy look?

Iniabot niya sa akin ang gold flat sandals na parang ipinares sa suot ko dahil meron din itong gems sa strap nito.

"Wala bang mas mataas na sapatos nito? Ang haba kasi ng damit ko. Baka madapa ako nito."

"Tama po iyan upang hindi makita ang paa niyo." Sagot ni Alena.

"Ha, bakit?"

"Hindi po maaring makita ang paa niyo."

"Bakit naman?"

"Iyan po ang nakasanayan ng mga engkantada." Sagot niya. Tiningnan ko ang talampakan niya pero natatakpan din ito ng mahaba niyang damit.

"Ganon? Ang weird niyo. So hindi uso sainyo ang pedicure dito?" Tanong ko.

"Ano po ba ang pedicure?" Inosenteng tanong niya.

"Ah wala." Tumalikod ako at nagpatulong sakanyang iadjust ang tali sa likod ng damit ko dahil medyo maluwag ito. "Bagay ba sa 'kin?" Tanong ko kay Alena.

 "Opo, mukha ka ng isang tunay na engkantada." Sagot niya sabay ngiti.

Napangiti rin ako. Mukhang makakasundo ko 'to si Alena. Okay naman kasi siya. Medyo mahiyain lang talaga. May inabot siya mula sa basket na nababalot ng pulang tela. Sa loob nito ay isang simpleng crown ng napapalamutian ng kulay dilaw na diyamante at mga bulaklak. Isinuot niya ito sa ulo ko at in-adjust ang buhok ko.  "Para po hindi makita ang tainga niyo."

"Oo nga pala, baka mahalata ako." 

"Tapos na ba kayo?" Biglang sulpot naman si Pio.

"Opo, mahal na Prinsipe." Sagot ni Alena at saka tumabi upang makita ako ni Pio.

"Bagay sa iyo. Napaganda mo." Puri ni Pio sa akin at saka nginitian niya ako.

Ayiee.. Nahiya tuloy ako.

"Salamat." Nginitian ko na lamang siya.

"Halina kayo habang wala pang engkantado sa labas."

Sumunod kami ni Alena sa kanya. Kinakabahan yata ako. Pa'no kung mahalata nila ako? Bahala na!

I was expecting na lalabas kami sa gubat tulad nung kagabi pero lumabas kami sa isang napakalaking bulwagan na may napakataas na ceiling. Mas malaki pa yata ito sa Araneta Coliseum. Maliwanag dito pero hindi ko alam kung saan nanggagaling ang liwanag. Ang sahig nito ay parang skating rink dahil para itong gawa sa yelo. Pagkakita ko sa napakaraming pintuan ay kinilabutan ako. The thought of being lost here scares me.

"Papunta saan ang mga pinto?" Tanong ko kay Pio.

"Papunta sa ibang kaharian at ibang parte ng Simeria. Nakikita mo ba iyong napakalaking pintuan? Iyon ang lagusan papunta sa mundo niyo." Turo niya sa napakalaking pinto. Nakasara pa rin ito.

"I see. Saan tayo pupunta?"

"Surpresa." 

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon