Chapter 41: Axel

11.1K 317 10
                                    

My panic button sounded the alarm. Dali-dali kong binaba ang kurtina at kinuha ang pouch na pinaglalagyan ng mga make-up ko. Kinuha ko ang lipstick ko at naglagay ng mas makapal na coat kesa sa usual na nilalagay ko. Kinapalan ko rin ang kilay ko at naglagay ng fake na nunal sa isang pisngi ko. Nag-shades din ako at naglagay ng scarf sa ulo ko. Nag-make-up transformation ang lola niyo in one minute. Pasiguro lang, just in case sumakay sila dito sa bus na sinasakyan ko. Tiningnan ko pa ng isang beses ang sarili ko sa salamin para siguraduhing hindi na ako makikilala. I don't think they will recognize me dahil ngayon mukha na akong mangkukulam. Sumilip ulit ako sa bintana pero wala na sila. Asan na sila?

Hay. Buti na lang. Nakahinga rin ako nang maluwag at napasandal sa upuan. Sumilip naman ako sa kabilang bintana para malaman kung nasaan na sila at doon ko sila nakitang sumakay sa bus na nakahinto rin sa kabilang kalsada. Thank God! They're going the wrong way. They're going North.

Whooh! That was the most stressful 5 minutes of my life! After I recovered, I grabbed my phone to check for any text messages from Pio pero wala siyang text. Isa pa 'to eh, ini-stress ako. My Pio is acting so shady and I don't like it! Sana umandar na 'tong bus at makauwi na ako. Please... Please..

To make the matters worse, na-stuck kami doon for almost an hour at halos mabaliw na ako sa paghihintay. Nakakaloka talaga. Gutom na rin ako kaya mainit na naman ang ulo ko. Humanda sa 'kin 'yan si Pio. Tsk. Malaman ko lang talaga na niloloko niya ako. Waaah! Hindi ko alam ang gagawin ko. Sana mali ang hinala ko...

Pagdating ko sa apartment, ang lakas na naman ng kabog ng dibdib ko. Kung kanina, kating-kati akong uwuwi ngayon parang ayaw ko nang pumasok. Ayokong malaman kung anong kinabi-busy-han ni Pio at hindi niya man lang ako naalalang i-text. May babae ba sa loob? Tsk. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Hindi naman kasi siya gano'n dati eh. Nagbago na ba siya agad nang gano'n kabilis? After pacing for a couple of minutes on the apartment corridor, I finally decided to enter the room. Suddenly, I feel so silly doubting Pio. Napraning lang ako, nawala na agad ang tiwala ko sa kanya. Hindi dapat ganito. Dahan-dahan ay binuksan ko ang pinto.

Napansin ko agad na sobrang linis ng apartment. As in! Walang kalat, lahat nasa tamang kinalalagyan. Wala si Pio rito. Baka nasa kwarto niya. Tiningnan ko ang sala, at nakita ko 'yong collection ko ng magazines na naka-organize sa ilalim ng mesa. Sa ibabaw naman ng mesa ay may vase na puno ng bulaklak. Wow! Ganda! Kulay puti at yellow ang bulaklak pero hindi ko alam ang tawag dito. May frame din na nakasabit sa pader na may picture naming dalawa. Ito 'yong kuha ko no'ng isang araw pagkatapos kong i-style ang buhok niya. Shocks! Ang gwapo niya sa picture na 'to. Ito ba 'yong pinaggagagawa ni Pio habang wala ako? Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Pinaghinalaan ko agad siya. Si Pio... Si Pio na walang malay. Sa tabi ng sofa, sa sahig, ay may isang hawla ngunit wala itong laman. Hmm.. Ano 'to? Para sa'n 'to? Isang araw lang akong nawala ang dami nang nagbago dito.

"Pio?" Tawag ko sa kanya pero walang sumagot. "Pio, nandito na 'ko." Pag-uulit ko pero wala pa rin. Saan na naman kaya nagpunta ang engkantong 'yon. Tsk. Sinilip ko sa kwarto niya pero wala siya. Maayos na maayos din ang pagkakaligpit ng higaan niya. Parang hindi lalake ang nakatira dito. Hm. Neat freak talaga.  Nakita ko ang cellphone niya na nakapatong sa side table niya. Tsk.  Iniwan o naiwan? Asan ka Pio? Miss na kita...

As I was heading to my room, doon ko napansin ang isa pang boquet ng bulaklak na nasa vase sa ibabaw ng dining table. This time, alam ko ang tawag dito. Blue Roses. Saan niya nabili 'to? Bilib na naman ako. Pero masyado yatang nahihilig si Pio sa bulaklak. 'Di kaya nababading na siya? Haha. I giggled at the thought. Pinasok ko na ang mga gamit ko sa kwarto at nagbihis. Pati ang kwarto ko sobrang linis. Walang kalat. Walang dirty laundry. Hm. Pati 'yong cabinet ko naka-organize. Tinupi pa niya 'yong mga panties ko na. Haha!  I'm impressed but where is he? Nag-alala ako. Hindi ko siya matawagan dahil naiwan niya ang cellphone niya.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon