Chapter 44: Bad Omen

12.6K 367 34
                                    

Too bad I have to go to work today. Sabi ko sa sarili ko pagkagising ko. Gusto ko pa naman sanang makasama si Pio ngayon buong araw at mag-celebrate. Oh Pio! Ang aking fiancé; ang aking Prinsipe! Waah! Thank you Lord sa blessing na 'to!

I'm feeling so inspired today kaya bumangon ako agad upang maghanda ng agahan namin ni Pio. I got out of the room as soon as I made my bed but to my dismay I found him in the kitchen already cooking breakfast. Tsk. Naunahan na naman ako!

"Magandang umaga, aking Prinsesa." Bati niya sa akin kasabay ng malaking ngiti nang mapansin niya ako sa likod niya. Hayy.. Ngiti pa lang niya buo na agad ang araw ko. Tsk. I know. Cheesy, right?

"Magandang umaga, mahal kong Prinsipe." Bati ko rin sa kanya at pabiro akong nag-curtsy dahilan para matawa siya. "Naunahan mo na naman akong magluto. Hmp." Sabi ko sa kanya.

"Hmm.. Ako na bahala dito. May trabaho ka hindi ba? Mag-ayos ka na." Utos niya at nagpatuloy sa pagluluto.

"Hmp. May araw ka rin. Tandaan mo yan." Pabirong banta ko sa kanya at natawa siya. Nakakatuwang pakinggan ang tawa niya. Nakakagaan ng pakiramdam.

I can already see my future with him as I headed to a daydream, in the bathroom, in my throne- how convenient. Maybe I'll become a spoiled wife; we'll have cute kids running around; and maybe I'll get sooo fat. The thought made me giggle.

I found myself singing in the bathroom. Lalala. Everything seems fine.

Wala pa kaming plano kung kelan kami magpapakasal and I don't think he has any hint kung paano ikasal ang mga tao, except maybe the ideas he got from the movies which I suspect, is where he got the idea of proposal. I'd have to ask him later. Basta ang importante engaged na kami. Tsaka kailangan muna naming makausap si Lady V tungkol sa mga bagay-bagay. Siya kasi 'yong may experience sa ganito kasi nga 'di ba, siya 'yong engkantong nagpakasal sa isang tao. So 'yun. Gusto ko rin na nando'n siya sa kasal namin. Kahit simple lang na kasal okay na sa 'kin eh. Hindi naman importante ang magarbong kasal. Nakakalungkot lang dahil wala ang mga magulang ko sa mga ganitong importanteng pangyayari sa buhay ko; walang mag-aabay sa akin papuntang altar.

Ma, Pa, I wish you were here right now.

I miss them so bad. Especially now. It hurts but I had to fight back the tears dahil baka isipin na naman ni Pio na malungkot ako. Medyo OA 'yon mag-isip eh. Dali-dali akong nagbihis pagkatapos kong maligo. Gusto ko kasi sulitin ang natitirang oras ko ngayong umaga with Pio.

"Alex, kain na tayo." Saktong tinawag na ako ni Pio mula sa nakasarang pinto ng kwarto ko.

"Sige, sandali na lang." Sagot ko. Binalot ko muna sa twalya ang basa kong buhok. Paglabas ko ay handa na ang mesa. As in handang-handa.

"Anong meron? Dami mo niluto ah." Puna ko sa mesa na punong puno ng pagkain. May bacon, ham, eggs, fried rice, pipino at kamatis na alam niyang paborito ko sa umagahan, at saka kape sa tabi ng plato ko. Inubos niya na ba ang pinag-grocery namin? He's really planning on making me fat!

"Wala. Ayaw ko lang magutom ka dahil magtatrabaho ka pa. Ipinagluto na rin kita ng baon mo mamayang pananghalian." Sagot niya sabay ngiti pero nakita kong medyo nangunot ang noo niya.

"Oh, okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Oo. Masakit lang nang kaunti ang ulo ko." Sagot niya habang nilalagyan ng kanin ang plato ko.

"Kasi naman. Ang aga mo yatang gumising. Kulang ka pa yata sa tulog." Sermon ko sa kanya.

"Hindi naman. Ayos lang ako." He gave me a reassuring smile. "Sige na, kain ka na." Dugtong pa niya.

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon