Tengene talaga. Ka-gwapong nilalang Procopio ang pangalan?
"Dude, seriously?" I looked at him with my mouth literally nganga. He, in return, shot me a confused look.
Okay. He obviously doesn't know how ridiculous his name is. I mean, ang ganong pangalan ay usually bansag na lang o kaya panglait. Anyway, baka dito sa kanila cool na pangalan 'yon.
"Procopio talaga? Ano kasi, medyo mahirap bigkasin ang pangalan mo eh." Nangunot ang noo niya. "Pwede ba kitang tawaging.... Papa P?" Tanong ko.
"Teka, parang bading. No. No. No." I'm talking to myself and he's looking at me like I'm crazy.
"Pro-co-pio... Ah! Pio na lang!" Sabi ko sa kanya pero wala siyang imik. "Okay ba?" Hindi siya sumagot pero wala akong pakialam. Pio na ang itatawag ko sa kanya.
"Ako si Alexeen Sevilla. Alex for short." Nagpakilala ako.
"Alam ko." Sagot niya.
"Huh? Pa'no mo alam?" Tanong ko.
"Isa akong Engkanto kaya alam ko." Ano raw? I don't think that explains why but I decided to let that one slip. Akala ko pa naman stalker ko siya kasi nando'n siya kagabi or kaninang madaling araw para iligtas ako. Sarap sana magkaroon ng ganito kagwapong stalker. Hindi ko naman sinasabi na okay lang maging stalker basta gwapo. Hahaha. Sandali nga, kailangan ko nang umuwi.
"So pa'no ako makakauwi? May trabaho pa ako. Ang dami kong raket ngayon. Magdi-Dj pa ako. Tapos may gig pa 'ko mamayang gabi." Sunod-sunod na naman ang lumabas sa bunganga ko.
"Hintayin mong magbukas ang lagusan." Sagot niya.
"What? Kelan? Anong oras? Pa'no kung inabot ng ilang araw o buwan o kaya taon?" I sounded OA pero hindi ko mapigilan. 'Bi ba kasi sabi pagkinuha ka raw ng engkanto akala mo oras ka lang nawala tapos 'yon pala dumaan na ang ilang araw. Paano kung mangyari sa 'kin 'yon? Susmaryosep! Paano na ang kabuhayan ko?
"Kasalanan mo 'to! Dinala-dala mo pa kasi ako dito!" Sinisi ko siya.
"Gugustohin mo bang iwan kita do'n sa mga lalakeng gustong humalay sa 'yo?" Inis na rin ang tono niya pero may point siya.
"Ayaw.." I paused for effect. "Oh di pa'no ako ngayon?" Nakapamewang pa ako.
"Dumito ka muna hangga't hindi pa nagbubukas ang lagusan." Sagot niya.
Hindi na ako nagsalita pa dahil wala naman yata akong magagawa. Tinitigan ko nalang siya. Ewan ko kung bakit, basta 'yon na lang ang ginawa ko. He seems okay with it naman. Nakatingin din siya sa akin pero expressionless siya. Shit! Ang gwapo niya talaga. Aside from his long hair and weird ears, he looks perfectly normal. The only thing abnormal ay 'yong kagwapuhan niya. Grabe kasi, hindi makatarungan! Tulo laway. Hmm.. Crush ko na nga yata siya. Bilis no? Hihi. Sigurado macho rin 'to. 'Bat ba kasi balot na balot siya ng damit niya? Hala... What am I thinking?
Gosh! I can no longer stare at him. Parang contest ito ng pagtititigan. Hindi ko kinaya ang powers niya. Binalin ko ang tingin ko sa malaking kwarto. His gaze followed me. Kaloka, crush niya rin kaya ako? Haha. Asyumera. Naupo ulit ako sa higaan.
"So, tell me more about yourself." Nakakaintindi kaya siya ng English?
"Ako si Procopio." Sabi niya at talagang inulit pa niya ang pangalan niya. Proud na proud lang sa name niya.
"Ano pa? Tungkol sa 'yo." Usisa ko.
"Ako ang prinsipe ng kahariang ito. Anak ako ni Haring Filomino at Reyna Sonayda." Sagot niya. All weird names. What is wrong with this place? At saka prinsipe? Totoo kaya? Ang swerte ko naman kung ganoon. Isang prinsipe pa ang nagligtas sa 'kin. Kalurkss!
"Oh, okay." Sabi ko. Don't get too excited Alex. Relax lang. 'Wag kang pahalata na hampaslupa ka.
"Hindi ito dapat malaman ng Amang Hari at Inang Reyna. Siguradong hindi nila ito ikatutuwa. Huwag na huwag mong aalisin ang barong iyan at siguraduhin mong natatakpan ang tainga mo kung sakaling may makakita saiyo. Dito ka muna sa kwarto ko." Bilin niya sa akin.
OMG. Kwarto niya 'to? Uy, bet ko! Sige, dito na lang ako.
Grrrkk.
'Yan ang tunog ng sikmura ko.
"Gutom na ako."
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy