Chapter 39: If only

12.5K 401 92
                                    

Ang ganda pala dito sa Puerto Galera but the beach reminds me so much of Pio. Alam ko kasi na gustong-gusto niya ang lumangoy sa dagat. Which again reminds me of when we were in Batanes. 'Yong naghubad siya! Natatawa tuloy, pinipigilan ko lang dahil baka mapagkamalan akong baliw ng mga kasama ko. I'm sure matutuwa masyado ang mga babae at bakla kong katrabaho kung dito niya 'yon ginawa. But of course, I won't let that happen!

Nakaupo lang ako sa lilim habang nagpapahinga. Katatapos ko lang magtatatakbo sa ilalim ng araw. Sobrang nakakapagod. Ang init kasi, but so far, nag-eenjoy naman ako. Panalo pa 'yong team namin kanina. Pero namimiss ko si Pio. Sana kasama ko siya ngayon dito para mas masaya. Hmm. Ano kaya ginagawa niya ngayon?

Hinanap ko si Simon para sana makipagkwentohan pero nakita kong busy siya at may kausap sa cellphone niya habang abot tenga ang ngiti. Malamang 'yong Janet na naman ang kausap niya. Itsura nitong mokong na 'to! Nakapamewang pa na parang tangang pangiti-ngiti. Kinikilig yata ang kupal! Pero kahit gano'n siya, masaya ako para sa kanya. Kaibigan ko siya eh, kahit sinubukan niya akong....

Anyway, change topic. Matawagan nga rin si Pio at nami-miss ko na talaga siya. Nami-miss niya rin kaya ako? Hindi naman ito ang unang beses na nalayo ako sa kanya. I mean, 'pag may pasok nga ako sa trabaho lagi ko siyang naiiwan. Pero iba kasi 'pag nasa ganitong lugar ako tapos siya naman mag-isa lang do'n sa apartment. Hmm.. Sumagot siya sa ikalawang ring.

"Hello, Alex." Masayang bati ni Pio sa akin. Napangiti ako agad.

"Hi, Pio! Kumusta?" Bati ko sa kanya. Boses niya pa lang tanggal na ang pagod ko.

"Mabuti naman. Ikaw? Hindi ka ba ginugulo ni Simon?" Tanong niya agad. And I sensed a serious tone when he asked about Simon.

"Hindi naman.  Busy 'yon kausap ang girlfriend niya."

"Hmm.. mabuti naman." Nagseselos ba siya?

"Anong ginagawa mo?"  Tanong ko sa kanya. Inalis ko ang wide-brimmed hat at ipinaypay ito.

"Nanunuod ako ng TV ngayon pero gusto ko sanang lumabas." Sagot niya. Naririnig ko nga ang tunog ng TV sa background.

"Ha? Bakit?" Gusto kong tumutol agad pero ayoko naman lumabas na pinagbabawalan ko siya.

"Nababagot na kasi ako dito. Mag-iingat naman ako. Pangako." Sabi niya. Bakit siya mababagot? Ang daming pwedeng gawin sa apartment. Pwede siyang manuod ng TV buong araw, pwede rin mag-internet o kaya magwork-out siya. Alam niya na 'yon lahat. Bakit pa siya mababagot? Pero imbes na pigilan ko siya, nasagot ko na lang: "Oh, sige. Basta mag-ingat ka ha. Mag-suot ka kaya ng sombrero?"

"Oo sige." He answered and he sounded happy. Siguro ay talagang burong-buro na siya sa apartment. Sakto naman at tinatawag na kami ng Team Leader namin. Magsisimula na naman yata kami maglaro.

"Okay. Sige, Pio. Mamaya na lang. Tinatawag na kami eh.."

"Sige, paalam. Mahal kita, Alex."

"Mahal din kita." I said then hung up.

"Seriously? Mahal kita? Ang corny niyo!" Sabi ng boses sa likod ko. Si Simon 'yon, malamang. Siya lang naman ang may lakas ng loob na mang-asar sa 'kin ng ganyan. Nilingon ko siya at hindi ko maipinta ang mukha niya. Napa'no 'to?

"'Wag ka ngang makialam! Tsaka bakit ganyan ang mukha mo? Kanina lang parang mapupunit na 'yang bibig mo sa kakangiti." Puna ko sa kanya. Para kasing binagsakan ng mundo 'tong si Simon.

"Wala." Madiin at maikling sagot niya. Ah gano'n!

"Ewan ko sa 'yo. D'yan ka na! Bipolar ka!" At iniwan ko siya at naglakad na ako papunta sa grupo.

"Sandali , Alex!" Tawag niya sa akin at nakanguso pa siya habang hinahabol ako.

"Ano?!" Inis na sagot ko.                   

"Si Janet kasi.." Simula niya. Para siyang batang nagtatampo.

"Oh ano? Inaway ka?" I asked impatiently.

"Hindi..." Sagot niya.

"Ay ewan ko sa 'yo." At tumalikod na ulit ako. Ayoko kasi ng paisa-isang sagot, nakakapikon. Ang init pa naman kaya wala akong pasensya ngayon.

"Alex naman kasi.." Habol niya ulit sa 'kin.

"Ano nga? Paisa-isa ka kasi. Nakakainis!" Bulyaw ko sa kanya.

"Jeez. Meron ka ba ngayon?"

"Wala! Ikaw kasi, kairita!"

"Okay. Okay. So I brought up the topic of meeting her parents and parang ayaw niya akong ipakilala sa magulang niya." Sagot niya. "Do you think na kinakahiya niya ako? Hindi ba ako worthy? Gwapo naman ako ah!" At naisingit niya pa talaga 'yon.

Napataas ako ng kilay sa pinagsasabi niya pero mas natatawa ako sa expression niya. Para kasing ang laki ng problema niya. Akala ko kung nabuntis niya na or what!

"Sus! Para 'yon lang pala. Baka naman kasi hindi pa siya ready. Or baka strict ang parents niya. Gano'n." Paliwanag ko. Usually naman talaga gano'n ang rason 'di ba? Pwera na lang kung kinakahiya talaga siya or ayaw talaga no'ng girl. Hahaha.

"Gano'n ba 'yon? Eh kelan niya ako ipapakilala? Tanong niya sa 'kin. Nakapila na kami ngayon sa kanya-kanya naming team habang 'yong team leader namin ay nagbibigay ng instruction na kasalukuyang hindi ko maintindihan dahil kinukulit ako ni Simon ng problema niya.

"Aba! Malay ko! Ako ba ang tagapagsalita niya?" Pangbabara ko sa kanya. Ewan ko ba, gustong-gusto ko lang na inaasar si Simon.

"Alex naman kasi, seryoso nga.." Ngumuso na naman siya. "Buti pa siguro kayo, okay kayo ng boyfriend mo." Sabi niya at parang nalungkot siya para sa sarili niya.

Kung alam mo lang. Magulang din niya ang pinoproblema namin ngayon. Maswerte ka pa nga at 'yan lang ang problema mo. Ako, parang kalaban ko mismo ang magulang niya at buong Simeria! Kung pwede lang sana ibalik ang oras. Sana hindi na lang ako ni Pio pinakilala sa mga magulang niya. Lalo na sa ama niya. Hay. If only things were different....

"Uy, Alex?"

"Ha? Ano? Laro na tayo!"



***
Pwede niyo po ba i-comment kung taga saan kayo? Wala lang, curious lang ako. :)

Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon