"Kukuhanan kita ng makakain. Huwag kang aalis diyan." Bilin niya sa akin.
Tumango lang ako. As if naman na may mall dito na pwede kong puntahan diba? Umalis siya at lumabas na naman ang mahiwagang pinto. So, siya lang ba may access do'n, gano'n?
Humiga ako sa kama upang mag-isip-isip habang naghihintay ng pagkain. Hindi ko napansin kanina na ang lambot pala ng kamang 'to! Saraap! Hehe. Pa'no kaya kung hindi na ako makauwi? Anong mangyayari sa 'kin? Sabagay, wala naman maghahanap sa 'kin dahil ulilang lubos na ako. Wala rin akong kapatid. 'Yong mga kamag-anak ko naman nasa probinsya. Malalaman kaya nila na nawawala si Alex? I mean, ako. Bukod sa mga pinagtatrabahohan ko, may maghahanap kaya sa akin? Wala! Depressing thoughts.
Anyway, nae-excite ako sa pagkain. Gutom na kasi talaga ako. Nasa mundo ako ng Engkanto at prinsipe pa ang host ko, so syempre masarap ang pagkain dito, right? Kumakain ba sila ng Steak dito? Gusto ko 'yong well done, ayoko nung pink pa. Tsaka sana may caviar and truffles. Hindi pa ako nakakakain no'n eh. Baka dito pa lang ako makakain no'n. Takam na takam na ako.
From out of nowhere, lumabas si pogi. Mas lalo akong na-excite. Makakain na ko ng pagkain ng Engkanto. Iniabot niya sa 'kin ang dala-dalang niya na mukhang tray o plato na sa tingin ko ay hugis dahon.
"A-ano 'to?" Pagkakita ko na puro prutas ang laman.
"Pagkain mo." Sabi niya.
"Huh?" Literal na napanganga ako. "Wala ba kayong ulam o kaya kanin? Mga tatlo."
"Iyan ang kinakain namin dito." Agad na sagot niya sabay talikod. Wala yatang negotiation na magaganap.
"Jeez, diet ba sila dito?" Waaah! Gusto ko ng kanin! Kahit wala ng Steak o kaya kahit sabaw na lang. Hindi man lang 'to magtatagal sa sikmura ko. Fruit salad ituu. Pailing-iling ay sumubo na lang ako ng saging at sinunod ang mansanas at grapes at saka lumagok ng maraming tubig para mabusog ako. Ito ang napapala ng assuming. Tsk. Tsk.
Nakatayo lang siya habang nakatalikod sa akin. Gosh! Look at that body. Kahit na balot na balot siya kitang kita pa rin ang tikas ng pangangatawan niya. Those broad shoulders and firm-looking biceps, I wonder how they really look like. Pffft. Ano ba 'tong pumapasok sa isip ko?
I decided na gulatin siya. Para masaya lang. Napakaseryoso niya kasi. Dahan-dahan akong nagtip-toe papunta sa kanya.
"Bulaga!" With all the wacky face and hand gesture.
At tiningnan lang ako na parang hiningi ko ang dalawang kidneys niya. Napaka-ano talaga. Kainis! Hindi man lang nagulat. Nag-isip na lang ako ng itatanong para hindi ako mapahiya.
"So, anong ginagawa mo do'n kaninang madaling araw?"
"Hinihintay ko ang pagdaan mo."
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy