Para akong batang humahagulgol habang papalabas ng palasyo. Ni hindi ko nilingon si Pio. Ano ba 'tong napasok ko? Bakit ba kasi pumayag pa ako sa gusto niya? Maybe I expected too much. Hindi ko dapat pangarapin na tanggapin nila ako dito dahil hindi ito ang mundo ko. Hindi ako bagay dito lalong lalo na hindi ako bagay para kay Pio. Sobrang sakit ang nararamdaman ko ngayon.
Sa labas ay naghihintay si Alena. Naabutan ako ni Pio at hinawakan pa niya ako sa kamay.
"Alex, patawarin mo ako. Kakausapin ko ulit si Ama." Sabi ni Pio pero hindi ko siya pinansin. Bumitaw ako sa pagkakahawak niya at ibinaling ko ang tingin kay Alena.
"Alena, please, pwede mo bang kunin 'yung gamit ko sa kwarto ni Pio? Uuwi na ako." Pakiusap ko sakanya habang umiiyak.
"S-sige po." Dali-dali syang umalis. Nagsimula akong maglakad papunta sa malaking pinto na maghahatid sa 'kin sa mundo ko. Bukas na nga ang lagusan. Uuwi na ako at kakalimutan ko na ang mundong ito.
Nakabuntot pa rin sa akin si Pio pero hindi ko na siya kinakausap. Pinilit ko na lang patahanin ang sarili ko.
"Alex, kausapin mo naman ako." Pakiusap pa niya pero hindi ko pa rin sya pinansin. Nasa harap na ako ngayon ng lagusan. Asan na ba si Alena? Gusto ko nang makalayo sa lugar na 'to.
"Alex, pakiusap. Patawarin mo ako. Alam ko kasalan ko ito dahil nagpumilit ako sa gusto ko." Ani Pio at muling hinawakan niya ako sa kamay. Bumitaw ako at pinunas ang mga luha na ayaw pa ring tumigil sa pagbuhos.
"Buti alam mo! Kasalanan mo talaga 'to eh! Kung hindi ka kasi nagpumilit di sana hindi nangyari sa 'kin to. Ang tigas kasi ng ulo mo! Ang sakit sakit ng ginawa sa 'kin ng ama mo! Ang sakit-sakit! Ano bang nagawa ko sakanya? Ha?!" Hindi ko na napigilan at nasumbatan ko sya.
"Alam ko. Alam ko. Patawarin mo ako. Kakausapin ko si Ama." Nagsusumamo si Pio.
"'Wag na!" Bulyaw ko sakanya. Dumating na rin si Alena at iniabot sa 'kin ang bag ko. Nagpasalamat ako sa kanya at pumasok na ako sa pintuan. Sa wakas ay makakauwi na ako. Pero nakabuntot pa rin sa 'kin si Pio.
"Ano ba? Tantanan mo nga ako Pio!" Sigaw ko sa kanya. Alam kong mali na sigawan ko siya pero kailangan para tumigil na siya.
"Sige na... sigawan mo pa ako. Para mapatawad mo na ako." Pagsusumamo niya. Nakakaawa syang tingnan. Ang dati nyang perpektong mukha at nabalot ng lungkot. Gusto kong haplusin ang mukha nya pero hindi ko magawa dahil puno ako ng galit. Hindi naman ako dapat magalit sa kanya dahil sa ginawa ng ama nya sa 'kin. I feel sorry for him pero kailangan ko 'tong gawin. This is never going to work anyway. Mabuti pang tapusin na ito habang maaga pa.
I paused and gathered all the courage to say what I have to say..
"Pio... kalimutan mo na ako... Ayaw... Ayaw na kitang makita..." Mahinang sabi ko sakanya at tinalikuran ko sya. Binilisan ko ang paglakad upang hindi nya marinig ang pag-iyak ko.
"Alex, patawarin mo ako.."
Goodbye Pio...
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Engkanto (Published by Bookware)
FantasyWhen girl meets engkanto. Bam! Highest rank achieved: #4 in fantasy